Prologue

3 1 0
                                    


"Are you okay?"

Rinig kong sambit ng isang lalaki mula sa likod ko kaya naman umurong ang mga luha sa mga mata ko. Tumingin ako sa likod at nakaramdam ako agad ng takot nang makita s'yang naka hoodie jacket at nakasuot pa ng mask.

"I'll not do anything bad, 'wag kang matakot" sambit n'ya pa. Pero kahit sinabi n'ya pa iyon sa akin ay 'di ko pa rin maiwasang matakot. "But if you're really afraid, it's okay. That's valid"

Parang nababasa na n'ya ang utak ko at ang nagiging reaksyon ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Alam mo miss, kung sasaktan kita, kanina ko pa ginawa" inis n'yang sambit dahil ramdam n'yang hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako.

"I'm sor--"

"Don't say sorry, katulad nga ng sabi ko, kung takot ka, that's valid" unti unti ay naging magaan ang loob ko. Nawala ang takot ko sa lalaking bigla na lang dumating sa buhay ko.

Natahimik kaming pareho. I don't know, pero muling tumulo ang luha sa mga mata ko kahit pa alam kong may ibang tao akong katabi, at di ko pa kilala. Habang tahimik akong umiiyak ay bigla kong narinig ang mahina rin n'yang paghikbi. Kaya tumingin ako agad sa lalaking katabi ko, at doon ko nakitang umiiyak din s'ya. Katulad ko ay may pinagdaraanan din.

"Are you okay?" Pagtatanong ko rin sa kan'ya. Agad n'yang pinunasan ang luha sa mata n'ya. "Don't be shy, that's valid, too"

Napatigil s'ya sa pagpupunas ng mata n'ya nang marinig ang sinabi ko. Muli kaming natahimik until nagsalita kami ng sabay dahil naramdaman na namin ang pagiging komportable sa isa't isa kahit hindi pa magkakilala.

"Wanna hear my story?" Sabay na sambit namin at tumawa pa kami pareho.

Sinabi ko ang problema ko sa kan'ya at ang dahilan kung bakit ako umiiyak at ganoon din s'ya sa akin. I actually got shocked on what he told me, but he also told me not to pity on him.

"What should I call you?" Tanong n'ya sa akin. "You can create any name you want, if you're not comfortable to say your real name"

Then I think of one name from my real name.

"Elle.. you can call me Elle" agad naman s'yang tumango sa narinig.

"Rowan.. Ro na lang" ngumiti naman ako at tumango.

At doon na nga nag umpisa ang pagsama namin sa isa't isa sa bawat panahong kailangan namin nang makakasama. We are both validating our feelings, and with that, I trusted him very much to the point na ginawa ko na s'yang diary ng buhay ko. But we are not saying anything to each other about our private details especially our real name and address. We just know the story of one another.

Almost everyday, we are meeting in a place where we first saw each other, and it seems like we are fighting together against everything because we are both supporting each other as much as we can. We are just going with the flow and just enjoying the lives we have.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang mahulog ako kay Ro. Sa tuwing pupunta ako kung saan kami unang nagkita ay natutuwa ako. At nagpatuloy pa iyon ng ilang araw.

Ngunit dumating na nga ang panahon na hindi na s'ya nagpakita pang muli. Hindi na s'ya bumalik sa parke kung saan kami unang nagkita.

Isang gabi ay may napanaginipan pa akong lalaki, ngunit hindi ko maalala ang iba naming pinag usapan kung hindi ang mga katagang huli n'yang binitawan.

"Do your best to fight against everything.. I will just watch you from afar, Elle.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Against EverythingWhere stories live. Discover now