Tumingin ako kay Ryuu na nakatingin sakin at halatang gustong sumama.

"Hindi," sagot ko. "Walang sasama."

"Paano kung mapahamak ka?" Tanong naman ni Sebastian.

"Kaya ko ang sarili ko."

"Paano yung Event kung aalis ka?" Tanong naman ni Amelia.

Natigilan ako. Malapit na ulit magsimula yung Event at kung aalis ako, paano si Klein?

Ngumiti ako sa kaniya. "Ako ng bahala."

I looked at Luna who was looking at me at halata sa mga mata niya na gusto niyang sumasama sa akin.

Sunod kong tiningnan ang katabi niya na nakatingin sa akin.

"Take care of my best friend."

***

Pumara ako ng taxi at buti nalang may dumadaang taxi rito sa Riverdale. Sa amin kasi walang dumadaan dahil lahat ng nag aaral sa CHU, may sasakyan.

Wala silang nagawa nang umalis ako, hindi rin naman nila ako mapipigilan.

Pero alam kong susundan nila ako.

Bago ako umalis, hinahanap ko muna si Katrina at sinabi kong siya muna ang pumalit sa akin.

Siya muna ang maging partner ni Klein.

Nagtaka pa nga siya kung bakit pero pumayag din naman siya. At saka, wala akong oras para magpaliwanag.

Hindi na rin ako nakapag-paalam kay Sir Logan.

At si Ethan, halata namang wala na siya sa Riverdale. Tangina, nasaan naman ang isang iyon?

Kailan pa siya umalis? Umalis siya nang hindi nagpapaalam sa amin?

Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagmamadali ako, gusto kong malaman kung nasaan ang batang iyon.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at binuksan ang Messenger ko. Nangunot ang noo ko dahil may chat pala sa akin ang batang 'yon.

Ethan Mendoza
Active 1hr ago

hi abunjing abunjing ko! need ko umalis kc may em3rgncy sa hous3 nmn:((. dpt ssbhn ko sau k4s0 ngpr-prfrm k k4y4 tixt tixt nlng k1t4 hehe. hwg mo na aku hnpn ha hwg m rn aku mamimiss

Sumakit ang ulo ko sa typings niya. Saang planeta ba siya galing?

Napailing ako bago mag type nang reply.

Ayos ka lang ba? Chat mo ako
may masamang nangyari, ha?
Pupuntahan agad kita:))

Maayos naman siguro siya, 'diba? Wala naman sigurong nangyaring masama? Pero bakit parang kinakabahan ako?

Alam kaya nila na umuwi ang batang 'yon? Kung alam nila edi dapat sinabi nila sakin 'yon! Pero hindi eh, wala silang sinabi.

Ibig sabihin, hindi nagpaalam si Ethan sa kanila. Sa akin lang siya nag sabi.

Gusto ko siyang puntahan pero kailangan kong hanapin si Eris.

Agad akong bumaba nang taxi at nag bayad. Pumasok ako sa loob ng Montero Hospital. Dito rin ako dinala noon.

At ito lang ang naiisip kong pwedeng puntahan ni Eris.

"Hi! Itatanong ko lang sana kung narito ba si Eris Salazar? Did she visit Zaire?" I asked the nurse.

Tumingin naman siya sa akin. "Kaano-ano ka po?"

"Best friend," ngumiti ako. "Kanina pa kasi namin siya hinahanap kaya itatanong ko lang sana kung napadaan ba siya rito or nah."

"Uh yes po," sagot niya at ngumiti sa akin. "Nandito po siya at nasa loob po ng ICU."

"Thank you!"

Agad akong tumakbo papuntang elevator at pinindot ang 8th floor. Ang alam ko, maraming ICU rito at kung hindi ako nagkakamali, yung ICU na kung saan namamalagi si Zaire ay nasa 8th floor.

Nang tumunog at bumukas ang elevator ay agad na akong lumabas at dumiretso sa ICU.

Bubuksan ko sana yung pinto nang may narinig akong umiiyak kaya literal na natigilan ako.

I know she's crying.

At kay Zaire siya pumupunta kapag umiiyak siya. Kay Zaire lang niya pinapakita ang kahinaan niya.

She doesn't show her weakness to everyone kundi kay Zaire lang. Only for him.

Only for Zaire.

"Z-Zai... ang s-sakit."

Bahagya kong binuksan ang pinto at tahimik na sumilip. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ni Zaire at hawak ang kamay nito, nakayuko siya habang umiiyak.

"B-Bakit ba ang unfair ng mundo sakin? Wala naman a-akong ginagawang m-masama, ah? M-Mabait naman ako, Zai.."  Humikbi siya. "S-Sila nga itong may ginagawang m-masama s-sakin, eh."

"At saka, g-gusto ko lang naman na ituring niya ako bilang k-kapatid niya," muli siyang humikbi. "Masama bang hilingin 'yon?"

Patuloy na nagtaas baba ang balikat niya.

"G-Gising kana para may k-kakampi ulit ako tapos s-sapakin mo ulit si Eros oh kasi s-sinasaktan niya na naman a-ako, eh.."

Zaire is like a brother to Eris. With him, Eris experience having a brother.

Zaire is 18 years old, while Eris is 17. Isang taon lang ang tanda niya kay Eris.

Katulad ko, tumigil din sa pag aaral si Eris. Nung tumigil ako, tumigil din sila.

Zaire is Eris' protector. He always stands up for Eris, and when Eros speaks nasty things to her, Zaire strikes back.

Prinsesa siya kung ituring ni Zaire. And he also didn't want to see Eris in pain.

Kay Zaire niya naranasan ang mga bagay na hindi niya naranasan kay Eros.

Minsan iniisip ko na baka ampon lang talaga si Eros at si Zaire at Eris talaga ang totoong magkapatid.

Pagmamahal ng kapatid, pagaalaga, pagaalala at ang lahat ng iyon ay kay Zaire niya naranasan at naramdaman.

Hindi niya kailanman naranasan kay Eros iyon.

Hindi ko rin pala alam kung paano sila nagkakilala dahil wala namang sinasabi o nababanggit si Eris sa amin, hindi naman siya mahilig mag kwento.

"K-Kailan ka ba gigising, ha?" Nakita kong hinawakan ni Eris ang maamong mukha ni Zaire gamit ang nanginginig niyang kamay.

"G-Gumising kana oh.." Muling siyang napaiyak. "Miss na miss na kita, Zai.."

Napaupo siya sa sahig dahil sa pang hihina, tinakpan niya ang mukha niya habang umiiyak.

Bawat sulok ng kwarto, mga hikbi lang niya ang maririnig mo.

"T-Tangina," mura niya habang humahagulgol. "H-Hirap na hirap na ako.."

Zaire was comatose for a long time.

***
Tatapusin ko 'to kahit umabot tayo ng 10 years.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now