lance pov
"what happen to her" tanong ni ruru sakin
"i dont know" yun lang nasabi ko at agad kong pinuntahan si keisha na walang malay. agad kong kinausap si lau gamit ang mind link.
"papuntahin mo ang pack doctor dito sa bahay ni keisha ngayon na! bilisan mo" sabi ko kay lau gamit ang pagiging alpha ko.
"yes alpha" sagot agad ni lau at agad ko naman sinarado ang mind link ko.
nalapag ko na si keisha sa kama at halata sa mata niya ang pag iyak at pumayat din ito, bigla naman napadako ang mata ko sa mga picture na nagkalat at ganon na lang ang galit ko nung nakita ko ang picture.
d*mn! kelan nangyari to?! pinagmasdan kong mabuti ang picture at nahalata kong edited to hindi talaga ako to. bigla naman may mga salitang lumabas sa mga picture.
"pano na lance, sirang sira ka na kay keisha hahahaha be careful alpha madami pang magandang mangyayari"
wtf! ano na naman ba to! nalamukos ang mga litrato at tinapon iyon sa basurahan, kung sino man ang nang gugulo samin ni keisha ngayon magtago na siya dahil baka mapatay ko siya.
Umupo ako sa tabi ni keisha kung saan siya nakahiga ngayon at hinahaplos ko ang pisngi niya. Ang ganda talaga niya, so innocent, ang ganda ng mata niya, mahaba ang pilik mata at—*toktok*
"Alpha andito na po ang doctor" sabi ni lau sa labas ng pinto.
"Pasok" sabi ko at bukas ang pinto at pumasok ang doctor pati na si lau. Agad naman nilapitan ng doctor si keisha, good thing at babae ang doctor namin.
Maya maya lang ay tapos na niyang tignan si keisha.
"Alpha, ok na siya super stress siya at hindi rin siya kumakain ng tama, nahimatay siya dahil sa gutom at kakulangan ng tulog.. Bibigyan ko siya ng ilang vitamins masyadong mahina ang katawanan niya, kailangan niya ng sapat na tulog at pahinga" mahabang paliwanag ng doctor sakin.
"Salamat, maari ka ng umalis" sabi ko sakanya at naglakad na siya paalis kasama si lau at ako naman bumalik sa tabi niya.
"Mahal na mahal kita keisha.. Give me another chance para patunayan ko sayong lahat ng nakikita mo ay mali" sabi ko sakanya kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig.
Keisha pov
Nagising ako na masakit ang ulo ko at parang may naka dagan sakin.. Dahan dahan kong minumulat ang mata ko at wala akong makita kundi ang ilaw na nagmumula sa lampshade ko.
Napatingin naman ako sa katabi ko at kumurap kurap pa ako baka kasi nananaginip lang ako na andito si lance.
"L-lance" sabi ko at hinawakan ko ang mukha niya, hindi naman nagtagal at nagmulat ito ng mata. Ano bang nangyari at andito dito ang huli kong natatandaan ay pupunta dapat ako sa banyo eh.
"Keisha, ok ka na ba? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin? Sabi ng doctor-" tuloy tuloy na salita ni lance na pinutol ko naman.
"Bakit ka andito? Baka hinahanap ka na ng gf mo" sabi ko ng wala man lang emosyon na mababasa sa mata ko at natanggal ko na din ang kamay ko sa mukha niya sempre nakakahiya kaya.
Bigla naman napalitan ng galit ang nag aalalang mukha ni lance, bakit? Dahil ba sa napilitan siyang andito siya at kasama dapat niya ang gf niya bakit hindi ko naman siya pinilit at hindi ko nga alam bakit siya andito eh.
"Wala akong gf! Kung meron man gusto ko ikaw yun at wala ng iba, oo inaamin ko nakikipag flirt ako pero nung wala ka pa pero nung dumating ka nagbago ako, nagbago ako dahil sobrang mahal na mahal kita to the point na nagiging stalker mo na ako para lang mabantayan kita, mahal na mahal kita alam ng moon goddess yan" sabi ni lance at ramdam kong totoong mahal niya ako pero sino si carrie di ba siya ang gf ni lance bakit tinatanggi ni lance na gf niya yun.
Hindi pa din ako nagsasalita at nakatingin lang ako sakanya, hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan sa mga nangyayari.
"Please keisha maniwala ka naman sakin oh!" Sabi niya na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko, umupo kasi ako kanina at ganon din siya pero ngayon na lumuhod na siya.
"Umalis ka na" yun lang sinabi ko sakanya, mahal na mahal ko din si lance pero naguguluhan ako, pakiramdam ko nagtaksil siya sakin.
"No! Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka naniniwala sakin" sabi ni lance na nakaluhod pa din.
"Hayaan mo muna ako, magulo ang isip ko, nasasaktan ako hindi ko alam kung saan at ano pa ba ang dapat kong paniwalaan kung kita ko naman ang ibedensya" yun na lang nasabi ko sakanya at siya naman malalim na napabuntong at tumayo na.
"sige pagbibigyan kita ngayon pero asahan mo bukas andito ulit ako, may pagkain ka na sa baba yung mga gamot mo naready ko na din para mainom mo pagkatapos mo kumain, mahal na mahal kita yan lagi mong tatandaan, aalis na ako" sabi niya at naglakad na siya palabas ng kwarto ko.
Hindi natagal at nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan na papalayo at alam kong kay lance yun.
Hindi ko namalayan na sinusunod ko na pala mga sinabi niya sakin kanina na kumain at uminom ako ng mga gamot na inihanda niya.
Pag katapos kong gawin lahat ng sinabi niya tumingin ako sa orasan at nakita kong 8pm na kaya nagpasya akong bumalik na ulit sa kwarto ko.
Maya maya narinig ko ang tunog ng cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext at nagtaka naman ako bakit siya nagtext?? May nangyari kayang hindi maganda sakanya??! Lord sana naman po hindi totoo ang mga naiisip ko.
YOU ARE READING
The alpha and the nerd
WerewolfSecond story ko na po ito hindi pa po tapos yung una pero malapit na po mag end yun.  Ang kwentong ito ang tungkol sa isang alpha at ang kanyang mate na isang nerd.. Kung pano sila susubukin ng tadhana sa kanilang relasyon at kung p...
