Chapter 2

85 1 0
                                        

Lance POV

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan ngayong pag gising ko hay ewan ko, ako nga pala si Lance Smith, 20yrs old, isa akong werewolf at alpha ng blue moon pack.. Walang nakakatalo sa pack namin isa to sa pinaka malalakas na pack sa buong mundo.

May magulang pa ako buhay pa sila pero pinasa na sakin ni papa yung magiging alpha nung nag 18 ako at ngayon inaantay ko pa din dumating ang mate ko.

Bumangon na ako at ginawa ang dapat gawin dahil papasok pa ako sa school ko, oo school ko kasi akin yun pinamana sakin yun ng lola ko bago siya mamatay.

After ng ilang minuto natapos na ako at bumaba para kumain..

"Yow alpha kain na" sabi ni jake na beta ko.

"Oo nga para sabay-sabay na tayo pumasok" sabi naman lau ang 3rd command ko.

Hindi ako sumagot at pumunta na sa pwesto ko para kumain at makapasok na, sanay na sakin ang mga yan.

Matapos namin kumain umalis na kami pero magkakahiwalay kami ng sasakyan dahil ayoko sila isabay para gawin na naman nila akong driver nila.

Nakarating na kami dito sa wolfiesho university oo na weird na ewan ko ba sa mga ninuno namin eh ganyan pinangalan sa school na to.

Naglalakad na kami at sempre humahawi sila habang naglalakad walang nagtatangkang mag ingay kasi alam nila na kung anong mangyayari sakanila ayoko ng maingay at magtitilian pa.

Habang naglalakad kami naamoy ko ang kakaibang amoy na matagal ko ng inaantay, strawberry vanilla ang amoy kaya sinusundan ko lang yun at nakita ko na siya kaso isang nerd.

Sinadya ko siyang bungguin at nagtama ang mata namin parang tumigil ang buong mundo ko dahil dun at alam ko maganda siya hindi ko lang alam bakit ganito itsura nya.

Nakita ko naman na natulala na siya sakin at alam kong nararamdaman din nya ang nararamdaman ko ngayon, biglang naputol ang moment namin dahil dito kay lau.

"Ehem! Miss wag kang haharang harang jan kung ayaw mong-" hindi ko na siya pinatapos dahil hindi ko gusto na ganyan nya lang pagsasalitaan ang mate ko.

"MINE" sabi ni ruru ang wolf ko at hindi ko alam na nasabi ko na din yun dito sa mate namin at niyakap ko siya.

😊😊😊😊😊😊😊😊

Nasa side po yung picture ni lance 😊

The alpha and the nerdWhere stories live. Discover now