Keisha POV
Nung umalis ako dun sa room kanina hindi ko alam na dito pala ako napadpad sa garden.. Hanggang ngayon naguguluhan ako sa mga nangyayari, akala ko ba mahal ako ni lance alam ko yun kasi araw araw niya pinaparamdam sakin na seryoso siya sakin at mahal niya talaga.
Nahiga na lang ako sa ilalim ng punong malaki dito sa garden at tumingin sa langit, sana ibon na lang ako na lang ako para kahit saan pwede ako magpunta nasa isip ko lang hindi nagtagal ay nakatulog na ako.
Lance Pov
Wtf! Ano na? Nasira na lahat dahil lang sa babae na yun.. Lumabas ako ng room na yun at inamoy amoy ko ang hangin para malaman ko kung andito pa si keisha at hindi naman ako nabigo dahil andito pa siya at sinundan ko lang ang amoy niya.
Hindi nagtagal nakita ko na siya at halatang natutulog siya.. Nilapitan ko siya sabay himas sa pisngi niya.
"Sana maniwala ka, ikaw lang talaga amg gusto ko, ikaw lang ang nakatadhana para sakin" sabi ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha.
Bigla naman to gumalaw at akala ko magigising siya pero tulog pa din kaya napagpasyahan ko na lang siyang buhatin para maihatid ko na siya sa bahay niya.
Ilang minuto lang at andito na kami sa bahay niya bababa na sana ako para buhatin siya pero nakita kong nagmulat siya ng mata at mahahalata mong groggy pa siya sa antok at parang batang nagkukusot pa ng mata, shes cute! Hahaha
Bigla naman ako kinabahan dahil napatingin siya sakin at wala kang emosyon na mababasa sa mata niya.
Walang lingon likod at binuksan niya ang sasakyan at tumakbo pababa ng sasakyan ko hindi ko na siya hinabol dahil alam kong kailangan niya ng oras.
Hindi ibig sabihin na hinayaan ko siya ngayon wala na akong paki alam sakanya hindi ako susuko dahil siya lang ang mate ko.
Pinaandar ko na lang ang kotse ko at umalis na uuwi na lang ako wala na akong ganang pumasok.
Shaina pov
Pagkaalis ni kuya agad kong hinanap yung ex best friend ko, hindi ko alam kung ano ba talaga siya pero nagulat ako sa ginawa niya kanina ang alam ko ay ordinaryong tao lang siya.
Kailangan ko siya paimbestigahan dahil hindi siya pwedeng makasira sa relasyon nila kuya at sigurado kami na hindi siya ang mate ni kuya.
Inamoy amoy ko ang scent niya pero wala hindi ko na maamoy bakit ganon? Ang bilis naman niya mawala parang kanina lang andito siya..
May maling nangyayari dito..
My dear ex best friend sino ka nga bang talaga..
ESTÁS LEYENDO
The alpha and the nerd
Hombres LoboSecond story ko na po ito hindi pa po tapos yung una pero malapit na po mag end yun.  Ang kwentong ito ang tungkol sa isang alpha at ang kanyang mate na isang nerd.. Kung pano sila susubukin ng tadhana sa kanilang relasyon at kung p...
