Chapter 9: Action speaks louder than words

Start from the beginning
                                    

"Wife, is something on my face?" Nagtatakang tanong ni Alexus nang mamataan na nakatitig lang sa kaniya ang asawa habang tuwang-tuwa siya sa pambibiro niya dito.

Bumangon si Mia at umalis naman sa pagkakadagan sa kaniya si Alexus. "Wala naman, mas lalo ka kasing guma-guwapo kapag ngumingiti ka." Nakangiti niyang wika at bumaba na sa kama.

"Where are you going?"

"Maghahanda ng almusal, maligo ka na rin baka ma-late ka sa trabaho mo." It's their eighth day of being together and it felt like years of sticking each other. Sa closure ba naman nila ay hindi nila alintana na walong araw pa lang simula no'ng magkakilala sila.

Bumaba na rin si Alexus at hinawakan si Mia sa magkabilang balikat mula sa likod at sabay silang lumabas. "I'm going to shower, wanna join me?" At nang-aasar na naman ang pilyo niyang asawa na agaran niyang nilingon at piningot sa ilong.

"Maligo ka na nga lang, inaasar mo pa ako eh!" Makaloko na hinapit ni Alexus ang bewang niya at ipinagdikit ang mga katawan nila. Magre-reklamo pa nga sana si Mia nang maramdaman niyang marahan siyang pinatakan ng halik sa noo ni Alexus. She's stunned.

"I don't usually laugh, but you made me laugh this early." At masuyo pang niyakap at idinuyan-duyan pa, "Thank you, Mia. For being with me." Sinsero nitong sambit bago siya tuloyan na pinakawalan nito, at nagpaalam na maligo na sa kuwarto nito. Hanggang sa makapasok ito sa kuwarto ay nakamaang pa rin siya. She's like, anong nangyari? Nag stop ba sandali ang pag rotate ng sun sa earth's axis nito? Hindi naman siya nanaginip di'ba?

Napahawak siya sa noo niya at isang kamay niya naman ay nasa puso niya. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Wala lang naman 'yung ginawa niya, pero bakit ang lakas maka-react ng galunggong na puso ko? Hala! Hindi talaga maaari na mahulog siya dito, dahil hindi talaga dapat. Sita niya sa sarili niya habang naglalakad pababa at kahit ng nasa kusina na siya at nagluluto. Okupado pa rin ang isipan niya sa ginawa ni Alexus sa kaniya at sa abnormalidad ng puso niya. Ang hindi niya alam ay, iba na ang sinasabi ng puso't-isip niya. Pati katawan niya ay tina-traydor na siya.

"May gusto ka bang pasalubong, wife?" Nasa hapag-kainan na sila ngayon at kasalukoyang kumakain. Pero dahil okupado ang isip ni Mia ay kinailangan na, "Wife, are you okay?" ulitin ni Alexus na tawagin ito. More or less ay tapikin ito sa ibabaw lang ng kamay niya na hindi gumagalaw.

Napakurap-kurap si Mia tiyaka nag-angat ng tingin kay Alexus. "Ah, huh?"

Kumunot ang noo ni Alexus sa kaniya, "I was asking, kung may gusto ka bang pasalubong para mabili ko on my way home later?" Parang timang na napapatango si Mia at pa-simpleng inayos ang buhok na naka-lugay. Nakita ni Alexus ang pagka-space out nito kaya't tumayo siya at pumunta sa likuran ng asawa niya. "I'll tie your hair while you think about the gift you want me to purchase for you, later." Sinuklay ni Alexus ang kaniyang buhok at para naman siyang statue na napapaupo ng tuwid. Kung sakali man na mahuhulog siya kay Alexus ay hindi niya rin masisisi ang sarili niya, sapagkat napaka-thoughtful nito at tina-trato siya ng maayos. But she just can't, she has to. Dahil ayaw niyang matalo. No'ng bata pa lang kasi siya ay naka-saksi na siya ng admirable relationship na nakikita niya sa labas, mga kapitbahay nila na super loving at halos hindi na mag-hiwalay. Pero isang araw nalang ay nakita niya ang mga ito na nag-aaway. Nagsu-sumbatan. At nakita niya rin kung paano nasaktan ang babae dahil sa ayaw na ng lalake sa babae.

Simula no'n ay hindi siya nagpapa-akyat ng ligaw at mina-maigi niyang protektahan ang sarili sa pananamit tomboy. Kahit ang mga tropa niya ay hindi alam na babae pa rin talaga ang puso niya. Nahuhumaling din siya, pero dahil mas inuuna niya ang kailangan ay halos nakakalimutan na niyang pagtuonan ang pansin niya. She thought of living a comfortable life, 'yung simple lang na kagaya no'ng pamumuhay niya sa probinsya. Tiyaka ang relasyon ay nakakasayang lang ng oras lalo pa't wala namang kasiguraduhan. Kahit na sabihin natin na kilala mo nga ang tao pero hindi mo pa rin matutukoy ang tunay nilang intentions, kaya 'yun ang literal na nakakatakot kasi hindi mo gamay ang pakay at balak ng mga ito.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now