CHAPTER 07

391 32 4
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hey, mga vebs! Sorry kung natagalan ang pag-update ko rito. Inedit ko pa kasi ito. From 1st POV ay ginawa kong 3rd POV dahil sa ganoon ako mas kumportableng magsulat. Kaya kung babalikan ninyo ang previous chapters ay nasa 3rd POV na ito. Sana ay magustuhan niyo pa rin. Enjoy reading!











KAPIT sa patalim. Ganiyan ang pakiramdam ni Conan sa gagawin niya. Malaki ang chance na mapahamak siya pero kailangan niyang ituloy. Kakagaling niya lang kay Boss M na siyang magbabayad sa kaniya kapag nagtagumpay siya sa misyon na ipapagawa nito.

May isang grupo raw kasi ng mafia na bibili ng ecstacy at iba pang illegal drugs sa isang grupo at siya ang magpapanggap na magdadala sa mafia group na iyon ng kailangan ng mga ito. Bale, uunahan niya ang totoong nagbebenta para ibigay ang pekeng ecstacy at droga. Kukunin niya ang pera at saka aalis na. Malaking halaga ng pera iyon at nangako si Boss M na kapag naging smooth ang lahat ay meron siyang bonus.

Bukas na ng gabi ang transaksyon sa isang abandonadong ospital.

Nakakausap na ni Boss M iyong kikitain ni Conan na miyembro no'ng mafia group na iyon at napaniwala na nito na sila talaga ang magbebenta ng ecstacy. Binalaan pa ni Boss M iyong kausap nito na kapag may nagsabi na sila ang totoong katransaksyon ay huwag pansinin dahil maraming manloloko sa panahon ngayon. Na kahit ang totoo ay sila ang manloloko.

'Yong totoo? Abot-langit na ang kaba ni Conan. Iyon kasi ang unang beses na may makakaharap siyang member ng isang mafia group. Akala niya kasi ay walang gano'ng grupo dito sa Pilipinas at sa ibang bansa lang meron. Pero si Boss M mismo ang nagsabi na nag-e-exist ang mga ito dito sa bansa at protektado ang mga ito ng malalaking tao kaya hindi masyadong napag-uusapan ang mga ilegal na gawain ng mga ito.

Gabi na nang umalis siya sa bahay ni Boss M. Medyo naging matagal ang pagbibigay nito ng instruction sa kaniya kaya inabot siya ng ganoong oras.

Hindi niya talaga kilala 'yong si Boss M. Isang umaga kasi ay may nagpunta sa bahay at hinahanap siya. Tauhan ni Boss M. Pinapunta siya sa bahay nito at doon na sila unang nagkita. Sabi nito, matagal na siyang minamanmanan ng grupo nina Boss M. Hanga raw ang mga ito sa galaw niya sa kaniyang "trabaho". Mahusay raw siyang manloko ng tao dahil meron siyang kakaibang charm.

"Conan, kailangan kita sa malaking trabaho na ito na kikita rin ng malaking pera. Game ka ba?" Iyon ang sinabi sa kaniya ni Boss M.

Siyempre, sabi niya pag-iisipan niya pero ngayon ay desidido na siyang ituloy. Para sa pera. Para kay Lola Marie. At para sa magandang buhay.

Hindi muna umuwi si Conan sa bahay. Nagpaalam naman siya kay Lola Marie na medyo male-late siya ng uwi kasi OT siya kunwari sa trabaho kaya wala nang sapak at batok siyang matatanggap kahit madaling araw pa siya umuwi.

Alam niya na magagalit si Lola Marie kapag nalaman nito ang gagawin niya kaya hinihiling niya sa Diyos na sana ay huwag malaman ng kaniyang lola ang gagawin niya kasi mawawasak talaga ang puso nito.

Ibigay Niyo na po ito sa akin. Promise, pagkatapos nito ay magbabagong buhay na ako, Lord! Piping panalangin ni Conan.

Naghanap siya ng isang lugar na pwede niyang pagtambayan. Naglalakad lang siya. Patingin-tingin sa mga restaurants at maliliit na kainan sa paligid. May mga mamahaling restaurant na hindi pa niya napapasok kasi hindi niya afford ang mga pagkain.

The Mafia Boss' Only PrincessWhere stories live. Discover now