CHAPTER 46: ARIES' DOPPLEGANGER

Start from the beginning
                                    

Mukhang wala na siyang kawala kay Marco.

"Ayokong sumama sayo!" sigaw niya sabay kagat sa braso nitong nakayakap sa kanyang katawan sabay suntok ng siko niya sa dibdib nito nabitawan siya nito.

Nag-aral siya ng selfe defense pero noon hindi niya ginagamit iyon dahil ayaw niyang makapanakit ng ibang tao.

Pero sa tingin niya ngayon niya iyon kailangan at muli niyang nakaharap si Marco mukhang kakailanganin na niya iyon.

Malakas itong napahiyaw.

When she had the opportunity to stay away from him and run quickly as fast as she could!

Nakita niya sa kanyang peripheral vision ang dalawang lalaki na lumabas sa kotse na pupuntahan sana nila ni Marco at inilibas ng mga ito ang baril!

Alam na niya ang gagawin ng mga ito sa kanya.

Kahit nakasuot siya ng stiletto at ilang pulgada ang taas hindi naging hadlang iyon para tumakbo siya ng mabilisan papasok ng hotel.

"Don't!" narinig na sigaw pa na sinabi ni Marco bago siya tuluyang makapasok at nagtatakbo siya sa hallway.

Nanginginig ang mga tuhod niya at kalamnan sa sobrang takot.

"Ah!" sigaw niya nang may makabunggo siya! Sabay hawak sa kanya nang mahigpit payakap sa katawan nito.

"Bitiwan mo ako!" nagsisigaw na sabi niya habang nakapikit ang mga mata niya.

Natatakot siya na baka sa pagmulat niya ng mga mata ay ang mga tauhan ni Marco iyon!
"Magtigil ka sa ka pupumiglas!" nagmulat siya ng mga mata at si Aries ang kaharap niya.

"Aries! I saw your doppelganger...si Marco Madrigal...nasa likuran siya ng hotel! And he tried to abduct me!" nabubulol na sabi niya dahil sa kanyang pag-iyak! Ewan nalang niya kung naintindihan pa nito.

Tintigan lang nito ang mukha niya at maging ang ayos niya!

Nang tignan niya ang ayos niya nakababa na pala ang strap ng gown na suot niya inayos niya iyon.

Ang mga mata ni Aries na kaninang nagtataka ay may galit na iyon dahil nakatingin na ang mga mata nito sa direksyon sa kung saan siya nagtungo nang muli niyang tignan iyon ay ang papalayo nang sasakyan na malamang sina Marco ang sakay niyon

Nagulat siya ng haklitin siya nito sa braso! "Really? Do you think that I believe you? Don't joke around in front of me! Talagang gagawa ka pa ng kwento huwag ka lang mahuli? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Makikipagtagpo ka lang pala sa lalaki mo!"

"A-Aries!?" bulalas niya dahil sa akusasyon na naman nito sa kanya.

"Pasalamat kayo at hindi ko kayo naabutan sa akto! You slut!"

"A-ano ba ang mga pinagsasabi mo!"

"Look at yourself, woman! Para kang ginahasa ng demonyo!" sabi sa kanya ni Aries.

Hinila siya at itinapat siya nito sa isang full length body mirror sa pader.

Nakita niya ang kanyang mukha wala namang bahid ng make-up na nagulo dun ngunit ang kanyang buhok na kaninang nakatali nang maayos ngayon ay gulo-gulo na.

"It is not what you think, Aries. Trust me!" sabi niya habang nakatingin siya sa salamin dahil nakaharap ang mukha ni Aries dito.

"Sa tingin mo haharap ka ng ganyan sa mga bisita? How shameless of you! Let's get home!" galit na sabi nito at muli siyang hinila papasok sa elevator.

Bakit sasakay sila ng elevator?
Nakita niya sa salamin ng elevator na niluluwagan nito ang kurbata nito. Walang imik na narating nila ang toktok ng hotel na kung saan may helicopter doon at may driver niyon sa harap na malamang iyon ang ginamit kanina ni Aries papuntang Cavite.

"Get in!" sigaw nito. Wala siyang nagawa kung hindi sumakay nalang.

Nangingig pa rin ang katawan niya sa takot at nang umandar ang helicopter kasabay niyon ay ang pagdaiti nang karayom sa kanyang braso.

Muli’t-muli siyang ginamitan ng syringe na pampatulog hanggang sa kusang bumigat ang
talukap niya at nakatulog.

Pagkagising ng diwa ni Haven ay hindi siya makahinga pakiramdam niya nalulunod siya. Nang magmulat siya nang mga mata nasa loob siya ng tubig! Mabilis niyang iniangat amg sarili mula sa tubig ang mukha kaagad ni Aries ang nakita niya! Inilanga niya ang paligid she was in the swimming pool sa condo ng asawa! Hindi niya namalayan na nakauwi na sila.

Itinapon pa siya ni Aries sa swimming pool habang siya'y mahimbing na natutulog?

How dare him!

She was soaked in cold water!

"Ano bang problema mo? Papatayin mo ba ako!" sigaw niya dito habang yakap-yakap ang sarili.

Suot pa rin niya ang gown at maging ang stiletto. At malamang hinagis na lang siya ng basta sa swimming pool.

Ngumisi ito. "Naturally, I didn't want to say a word in front of others, but now were alone- really it's the worst scandal that ever happened if they might know what you did a while." sabi nito habang nakaupo sa bench at naka-dekwatro ang mga paa nito.

"Wala nga akong ginawang masama! Bakit ba pinaghihinalaan mo ako. Makinig ka sakin si Marco Madrigal, totoo siya! And he looks like you!" paliwanag niya pero ang asawa niya mukhang nagbubulagbulagan ito.

"Alam mo bang inimbestigahan ko ang resort na pinuntahan niyo ng mama mo, and they found out nothing! Wala ring Marco Madrigal na nanggaling sa mayamang angkan sa Mindanao. You storyteller! You lied to me!" galit na sigaw nito.

Nagulat siya sa kanyang nalaman na hindi nito ma-trace ang pangalan na Marco Madrigal?

Kung ganun sino ba talaga si Marco Madrigal!?

"Sinabi ko na sayo ang totoo! Bakit ba ayaw mong maniwala sakin! I'm telling the truth, Aries!" umiiyak na sabi niya.
Napakasakit na ang taong mahal niya ay hindi siya pinaniniwalaan iniisip pa rin siguro nito na isa siyang oportunista.

"Hindi mo pa rin sasabihin ang totoo? Okay, you stay there and don't move!" galit na sabi nito tumayo at muling pumasok sa loob.

Pagbalik nito may dala na itong bote ng wine at nagsalin ito ng inumin nito at marahang sumimsim niyon.

"What did you do all the time I was away? Pagbalik ko wala ka na dito I thought you're going to welcome me when I come back."

"I was bored! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na pumunta ang mama mo dito. Hindi ko alam kung ano talaga ang plano mo kinukulong mo lang ako dito. You can hardly expect me to welcome you with open arms?"she said frigidly.

"You did. But it was a rather poorly disguised lie. I had some reason to expect a courteous welcome but as I can see ako na naman yata ang nasurpresa." pagkasabi niyon may kung anong pinindot ito.

Ang aircon binuksan nito. Alam na niya ang binabalak nito!

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now