Ine-enjoy ko na ang pagsandal ko kay Will nang hindi na naman matahimik si Melanie at may napansin na naman.

"Ano 'to, Clark, bakit ganito 'tong tattoo mo?"

We all looked at what Melanie was pointing at Clark's back.

"Alin?" tanong ni Clark.

"Itong 'I love you'. Parang sulat ng bata. May anak ka na ba?"

"Gaga." Saglit na tinapik ni Clark ang kamay ni Mel paalis sa likod niya.

"Ngayon ko lang napansin 'yong mabuti. Akala ko, design lang talaga . . ." sabi ni Mel na halatang ngayon lang niya napansin.

Well, from afar, Clark's tattoo really looked like an abstract design or a premade font.

"Until now, hindi ko pa rin alam ang meaning kung bakit ganyan ang tattoo mo," nakangising sinabi ni Jaesie. "Sure ka, Clark, wala ka pang anak, ha."

"Wala nga. Mga tsismosa kayo."

"Ano 'yon? Bakit ganoon ang tattoo mo?" usisa ni Mel. "Si Calvin, ang aangas ng tattoo, e."

Then we shifted our attention to Calvin's left arm na may magandang rose tattoo.

Hinawakan ni Clark ang left side ng likod niya saka nagsalita. "Ito, kaya ganyan 'yan . . ."

Tutok na tutok kami sa explanation niya.

"Kasi mga marites kayong lahat. Tigilan n'yo 'yang tattoo ko."

"Hahaha! Ayaw pahuli!"

"E, ano yung nasa kanan?" tanong ni Jaesie, nang-aasar.

"Ay, meron pa? Patingin!" Sumilip pa si Mel, ayaw patalo.

"Ano ba, Mel? Parang tanga! Pat, yung buntis mo, ilayo mo nga sa 'kin!"

"Champ." Si Kyline na ang nagbasa kaya tumigil na rin si Mel sa pagsilip. "Why Champ? Name ng baby mo, Clark?"

"Wala nga akong anak! Taragis naman, pati ikaw, Ky?"

Pinagtatawanan lang siya nina Kuya kasi siya na naman ang nakita. Buti na lang, sinalo agad siya ni Patrick.

"I wrote that 'Champ' word. That's my handwriting," Pat explained.

"Ooohh . . ." The girls shut their mouths and listened to Pat.

"Para saan?" biglang dagdag ni Mel, akala ko, tatahimik na. Inakbayan pa si Patrick para mangulit.

"Beneath that tattoo, may scar diyan si Clark. Okay lang ba, dude?" Pat asked for permission to explain. Clark shrugged so Pat continued.

"When I was thirteen, fourteen like that . . . I had a terrible car accident. Racing. That was the last time na nakapag-race ako sa F1. After my operation, I met Clark sa hospital. Nag-share kami sa iisang room kasi mahirap kumuha ng private room na for one person lang that time kahit executive. Hospital policy, kasi doon lang may available na surgeon na kayang mag-treat sa akin and kay Clark. Clark broke his right arm, so need ng arm cast para sa fracture. Nagsusulat kami sa cast niya sa braso. I wrote champ on that, as in champion, because we survived the operations kahit muntik na kaming mamatay na dalawa. Meron kaming picture niyan sa bahay. Ang dami naming pictures together sa hospital for documentary as per his words."

I was looking at Kuya's other friends, and they looked like they had no idea about that incident. Si Kuya lang at ako yata ang nakaka-relate.

"Hindi pa okay ang grip ko niyan kasi naka-dextrose pa rin ako that time kaya scribbles pa ang stroke ng pen. But still, Clark managed to keep the original look of my penmanship for almost eighteen years ago. Shit, I feel so old."

AGS 4: The Best Man's WeddingWhere stories live. Discover now