Chapter 16

306 13 3
                                    

London's POV

"Shut up! You're too loud!" Lasing na sigaw sakin Ng babaeng kaharap ko. Pagewang gewang itong maglakad papunta sa kama.

Sinundo ko itong babaeng to sa Artemis dahil tinawagan na ako ng bartender. Ito na ang routine naming dalawa, pagtapos ng klase ay dumidiretso agad sya sa bar habang ako naman ay umuuwi agad para tapusin mga activities at assignments.

"Please don't shout at me" I pleaded looking directly into her bloodshot eyes. Agad nya akong iniwasan ng tingin at gumapang sa kama.

Napasapo nalang ako ng ulo at huminga ng malalim. Nagpainit ako ng tubig para ipapampunas ko sa kanya.


She's so beautiful and I'm lucky that I have her kahit na ganito palagi ang set up naming dalawa. Sa loob ng 3 weeks ay nakasanayan ko nang palaging pagsundo sa kanya ng disoras ng gabi sa bar.



I know na sa sobrang ganda nya ay lapitin sya ng mga lalaki, kahit medyo bitter ako kasi alam kong kayang ibigay ng mga yon ang magiging hinahangad nya in the future ay never akong nag doubt sa kanya, I trust that she won't entertain them. It's her freedom na makihalobilo sa mga tao kaya sino ang para pigilan sya?


Habang pinupunasan ko ang kanyang noo ay biglang nag vibrate ang cellphone nya sa bedside table, mejo nacurious kaya sinilip ko, it was a message from an unknown number




"I enjoyed our afternoon date, sana maulit xoxo"


Para akong sinapak sa puso sa nabasa ko, sabi nya sakin ay mauna na ako dahil tatapusin pa nya ang paggawa ng grado namin pero ano itong nakikita ng dalawang mata ko?

"Is she cheating on me?" I unconsciously whispered. My hands are shaking at kahit anong pigil ko ay ayaw tumigil sa panginginig ang mga ito.

Dahan dahan akong napaupo sa sahig at tinitignan lang ang dalawa kong kamay.


' Hindi nya magagwa sayo yon, baka friendly date lang yung kanina'


Medyo gumaan ang naramdaman ko, hindi namang ganung klase ng babae si Vian. Cold sya sa lahat ng tao pati sakin so imposible na there's something more going on.


After kong linisan si Vian ay umalis na ako ng apartment nya. Ayaw ni Vian na doon ako sa apartment nya natutulog, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na ito masyadong inisip baka kasi masyado nyang mahal ang kanyang privacy.

On my way out ay nakasalubong ko si Professor Zalsalado na may bitbit pa na paperbags. Sya lang naman ang lagi kong sinasabi kay Vian na iwasan nya kasi masyado itong dumudikit sa kanya, kulang nalang ay maging linta. Pero sadyang walang pinapakinggan ang babae na yon and she just shrugged all my worries.


Halata ang gulat sa mukha nya nung makita nya ako sa labas ng apartment ni Vian.


"Good evening po, Sir. Ano pong ginagawa nyo dito?" I asked curiously dahil sa pagkakaalam ko ay ako lang ang nakakaalam kung saan nakatira si Vian.


"Oh! Hello London! May ibibigay kasi ako kay Vian kaya nandito ako" nakangiting turan nito. Disoras pa talaga ng gabi nya naisipan ibigay ang ibibigay nya? Pwede namang ibigay nya nalang iyon bukas.


Nandiri ako sa pagbigkas nya ng pangalan ko. Never ako naging kampante sa presensya nya hindi ko alam kung bakit dahil bukod sa hindi ako kampante ay kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.


Ruin My LifeWhere stories live. Discover now