May itsura naman kasi talaga ang lalaki, itsurang nakakasura. Charot. But honestly, he looks like a foreigner not just because of his looks but also his height--his much taller than us. Sa taas niya ay hindi lang average na height ng Pilipino, he's 5'11 kaya kapag nadidikit ako sa kaniya nanliliit ako, kahit pa matangkad naman ako. I'm 5'7.

"Nakikinig ka pa ba sa akin, Pres. Amari." Sabay-sabay kaming napalingon sa third row na puwesto. Mukhang gulat ang ekspresyon ng isang tinutukoy na Pres. Amari, I already knew her since I've always seen her before particularly in competitions. Though, hindi ako palasali, sadyang maingay lang talaga ang pangalan niya.

I honestly, didn't expect that she was my classmate! Parang sa isipang kaklase ko siya, pakiramdam ko ang talino ko na!

Sa mga sumunod na araw, we still adjusting. Tunay ngang mahirap ang mga subjects katulad ng General Mathematics. Naku-culture shock nga rin ako kahit level pa rin 'to ng high school. Hindi ko naman kasi ni-research ang mga subject. Basta kinuha ko lang dahil pasok sa pagguguro ko.

Masaya ako dahil mukhang nae-enjoy nila Marcus ang strand na kinuha namin, Marcus seemed to stand out every time. Nakikipagsabayan siya sa talino ni Amari. Kaya nung nagnominate tuloy sa posisyon, silang dalawa ang nanalo. Though, trippings lang yung kay Marcus, sineseryoso naman niya ang tungkulin niya.

President si Amari, habang ang binata naman ang katuwang nito bilang Bise.

"Dapat pala nag-STEM ako, ang dami kong nakikitang pogi," malantod na ani Juni. "Ang pogi no'n." She heaved a dream sigh, napatingin din tuloy ako sa tinutukoy niya... but I'm just unsure kung sino roon ang tinutukoy niya.

Lahat naman sila ay masasabing guwapo. But the guy who has tan skin caught my attention. He's facing sideways while they getting some books. I just simply observe him, hindi ko rin kasi matanggal ang paningin sa lalaki. Ang tangos ng ilong niya, parang puwede nang magpagulong ng piso. His jawline also looks so perfect for him.

"They're best friends, kaya sino riyan? The other guy who looks approachable is Jameson, while the other one is Ethane." Paliwanag ni Wynter. Humalumbaba ako at pinagmasdan ang lalaking mukhang masungit.

"Ah, yung Jameson!" Napangiwi ako sa narinig kay Juni, wala man lang taste. Oo guwapo, pero mukha namang playboy.

"Chickboy 'yan, baka umiyak ka na lang kapag nakita mong may kasamang babae."

Umayos na ako ng upo at hinarap sila. Nagkunwari na lang akong nagbabasa.

"Oh, ano ngayon? Kaya ko naman maging flagpole for him."

The days came so fast. I feel like we're in a battlefield, pahirap nang pahirap at parami nang parami ang ginagawa namin. Parang every day may presentation!

"May assembly raw bukas." Kasama ko ulit ang mga kaibigan ko, pero we're incomplete. Simula nang maluklok si Marcus, parang lumalayo na siya sa amin! Parehas sila ni Juni na hindi nagpapansinan. Mahirap pa naman sila kung intindihin.

Sumimangot ako nang makitang kasama ni Marcus ang ilan sa mga kaklase namin, may taga-ibang strands pa at mukhang wala talaga siyang planong pansinin kami.

Inis akong nakiburaot sa pagkain ng mga kaibigan ko, dahil nagtitipid ako.

"What time ba?" Niña asks, tahimik lamang akong kumakain sa pagkain nila.

"Alas doce," mukhang si Juni at Wynter lang ang masaya. Sabay silang tumili at nag-apir pa sa isa't isa.

Suminghap ako, iniisip nang sobrang init sa ganoong oras! Madali pa naman akong mairita kapag mainit.

And that is what really happens. Para tuloy akong may sama ng loob, kakatapos lang din kasi ng presentation namin sa isang subject ta's kanina may Genmath pa, kaya grabe ang panlulumo ko.

Wynterlheigh Navarro:
bleachers na kami... pakiingatan si juniper, sabog pa yan

Napalingon tuloy ako kay Juni dahil sa chat ni Wynter. We're just preparing ourselves para makapunta na sa complex. Katulad ng sabi ni Wynter, mukhang sabog pa nga ang babae. Ni hindi nga magkandaugaga sa pag-aayos ng sarili. There are also visible dark circles all over her eyes, halatang nagpuyat kagabi, eh.

"Maganda na ba ako?" Halos masabunutan niya na ang sarili niya sa pagsusuklay. Kung hindi pa siya tulungan ni Niña, 'di siya matatapos. Pinunasan ko ang pisngi niyang may bakas pa ng pulbos.

"For all the grade 11 students, please proceed at the complex, thank you." It was announced by Pres. Amari through the speaker.

Mabuti na lang natapos din si Juni, kahit pa halos maiyak na siya kakamadali. Agad kaming sumunod sa pila at sa pinakadulo talaga pumuwesto ang dalawang 'to kahit pa ang height nila ay pang-elementary. Inutos ni Marcus na by height daw ang gawin, para magmukhang maayos. Hindi naman niya kami pinakielaman sa puwesto namin.

Pero nagtatampo pa rin ako sa kaniya, he never gave us a look.

"Pst, mga bruha!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pamilyar na tinig. Hindi naman na ako nahirapang hanapin siya. Katulad namin, they're also at the bleachers. Tatlong ang bleachers dito, at sa pangalawa sila nakapuwesto, kami naman ay sa may pinakauna. Maganda rin naman pumuwesto rito dahil bukod sa mahangin, kitang-kita rin ang ibang estyudante.

Wynter waved her hands at us, hindi na halos makita ang mga mata niya sa pagkakangiti niya. She also has a short her which makes her even cuter, though she's the second oldest of us. Pero dahil sa itsura at height niya, nagmumukha siyang pinakabata.

I unconsciously turned my gaze to the guy beside her. Siya yung lalaki sa library! Kaklase pala talaga niya si Wynter. Katulad nang pagkakakita ko sa kaniya sa library, wala pa rin siyang pinapakitang emosyon. Isa sigurong himala sa langit kung makita ko man 'tong nakangiti. He still faced sideways, masyado siyang seryoso the reason why he looks intimidating.

But honestly, he just stood up to the crowd the most. With his tan skin and wavy hair, even his nose. Though he looks so grumpy, he seems like the type of guy who can't be bothered by anyone.

Hard pass sa masungit.

***

Lost, Lose (Loose Trilogy #1) UNDER-REVISIONWhere stories live. Discover now