!TW!: RAPE
Izelaine Maren Alcantara's pov
"Opo mama pauwi na po ako." Sabi ko kay mama sa cellphone ko.
Six na ng hapon ang tapos ng klase namin kaya pauwi na ako ng bahay at naghihintay nalang ng trycycle na masasakyan.
16th birthday ko ngayon at pinapauwi na ako ni mama dahil magsasalo salo kami sa mga niluto niyang handa.
"O sige anak, mag ingat ka ha?"
"Opo mama ba-bye po." Pinatay ko na ang telepono.
Nakangiti ako habang nag-hihintay. Excited na akong umuwi at kumain ng mga handang niluto ni mama.
Habang nag-hihintay ay may humintong itim na van sa harap ko, nung una ay akala ko magtatanong pero laking gulat ko ng may lumabas na dalawang lalaking naka-takip ng bonet sa mukha nila at pwersahan akong hinila papasok sa van.
"S-Sino kayo!? Tulong-" Di ko na magawang sumigaw dahil tinakpan nila ng panyo ang bibig ko.
Sinubukan ko sila sipain, suntukin, at hampasin pero dahil sa laki ng mga katawan nila ay tuluyan na nila akong napasok sa loob ng van.
Madilim sa loob ng van laking gulat ko ng makitang marami pala silang nakatakip ng bonet lahat din sila ay nababalot ng mga tattoo sa katawan.
"Sino ba kayo! Pakawalan niyo ko!" Sigaw ko at pilit na kumakawala sakanila at inaabot ang pinto ng sasakyan.
"Saamin kana, ibebenta ka na namin." Tumawa silang lahat.
"B-Benta?" Nanginig ako sa takot.
"Sa mga costumer ni boss... Mukhang malaki laki ang kikitain namin sayo..." Ani ng isa sa katabi ko at dahan-dahan gumapang ang kamay niya paounta sa hita ko, tumawa sila ng iniwas ko ang hita ko.
"Ano pang hinihintay niyo? Patulugin niyo na yan." Utos ng driver, agad nilagyan ng katabi ko ng kung anong likido mula sa bote ang panyo at akmang ilalagay sa ilong ko pero agad akong lumaban.
"Hawakan niyo nga!" Inis na utos ng lalaking may hawak nung panyo, agad naman akong hinawakan ng mga lalaking nasa likuran.
"Wag! Ano ba-" Naputol ang sasabihin ko ng tuluyan na niyang matakpan ang ilong ko ng panyo, unti-unti akong nakaramdam ng hilo at paglabo ng mga mata hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
Nagising ako sa ingay ng mga nag-sasalita, nakita kong nasa isang madilim na lugar kami at may nag-iisang maliit na bumbilya ng ilaw ang nagbibigay ng kaunting liwanag.
Nakita ko ang mga lalaking kumidnap saakin, anim silang lahat at kinakausap nila ang isang babaeng maganda, kulot ang mahaba niyang buhok na hanggang beywang, kitang kita mo rin ang laki ng kanyang hinaharap at ang hubog ng katawa niya sa black dress na suot niya, siya ata yung boss na sinasabi nila.
Sinubukan kong gumalaw pero nakita kong nakatali pala ang kamay ko sa likod ng upuan, nakatali din ang nga paa ko at nakatali ang katawan ko sa sandalan ng upuan.
Ginalaw-galaw ko ang kamay ko baka sakaling lumuwag ang pagkakatali ng lubid pero sa tuwing ginagalaw ko ang kamay ko ay napapapikit ako sa sakit dahil sobrang higpit ng pagkakatali nila saakin.
Nakarinig ako ng mga yabag papalaput saakin, nag-angat ako ng tingin at nakitang lahat sila ay nakaharap saakin ngayon.
"Buti naman nagising ka na." Nakangiting sabi nung boss nila.
