Chapter 18 Feelings

Comincia dall'inizio
                                    

"Dahil nagseselos ako!" amin ko, "Alam mo ba kung gaano kahirap sa'kin na panoorin ka na kinakagat ng ibang bampira?!"

Hindi siya nakaimik.

"Sabagay, manhid ka nga pala."

"A-anong manhid? Ikaw ang nagsabi sa'kin na bawal mainlove sa'yo tapos tatawagin mo 'kong manhid? Tin*nga mo pa 'ko ngayon? Ano ba talagang problema mo sa'kin hah?"

"Mangako ka, na hindi ka na magpapakagat sa kahit na sino sa kanila!"

"P-prang ang daling gawin ng gusto mo. May magagawa ba ako kung pilitin nila ako?"

"Basta mangako ka!" hagip ko sa braso niya, "Hindi ka nila pipilitin kong tatanggi ka."

Napatingin naman siya sa dumudugo kong kamao.

"S-susubukan ko.."

"Gawin mo!" diin ko.

"Aray, babaliin mo ba ang braso ko?"

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka nangangako sa'kin!"

"O-oo na! Promise!"

Saka ko niluwagan ang hawak ko sakanya. Tuluyan namang bumukas ang robe niya dahil nabitawan niya yon. Di sinasadyang makita ko ang hubad niyang katawan sa loob. Nayakap ko siya sa pagkabigla para takpan yon. At naramdaman ko ang kaba sa dibdib niya.

"A-ayusin mo na ang tali ng robe mo.." sabi ko sakanya.

Tahimik niya yong ginawa.

"O-okay na.." sabi niya.

Pero hindi ko na siya binitiwan.

"Prim.." tingin ko sa mukha niya.

Binaba ko ang isa kong kamay sa baywang niya para kawitin siya palapit sa'kin. At mabilis na sinalubong ang labi niya. Natukso ako ng husto sa init ng katawan niya.

Mas dumiin pa ang paghalik ko sakanya nang hindi siya nanlaban. Rinig na rinig ko ang lalong pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nakakatakam. Nakakaakit.

Kusang bumaba sa leeg niya ang halik ko nang lumapat ang likod niya sa pader. Pakiramdam ko nawala na ko sa katinuan kaya hindi na ako nag-alinlangan nang mapatingala siya. Dahil sa pagpapaubaya niya ay mas lalo akong natukso na magpatuloy.

Napaliyad siya kasabay ng impit na ungol nang sakupin ng bibig ko ang kanyang dibdib. Dama ko ang pagtaas ng kanyang temperatura. Napasabunot pa siya nang lumipat ako sa kabila at pisil-pisilin yon.

"Trojan.." pigil niya sakin.

Habol ang hinga ko ng huminto ako.

'Hindi ko sinaㅡ"

ㅡGutom na ako," sa halip ay sabi niya.

"Huh?"

Bakas sa mukha niya ang labis na pamumula ngunit nagtaka ako na hindi siya nagalit sa ginawa ko? Kaswal lang ang pagkakasabi niya na gutom siya. Napahiya tuloy ako sa sariling kag*guhan.

Narinig ko pa ang pagkalam ng sikmura niya. Kaya lumayo na ako sakanya bago pa 'ko may magawa ulit na hindi maganda.

"I-im sorry about that Prim.. I mean, the skin contact, your heart race.. that's uhm.. I was turnㅡ argh!" napahilamos ako, "Sige lalabas na 'ko.."

"T-thanks." sabi niya.

Awkward akong lumabas ng banyo at pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto. Nakaabang na pala si Empire sa labas.

Prim's pov

NAPAUPO ako at nagtakip ng mukha. Pakiramdam ko ay naiwan pa rin ang kuryenteng dulot sakin ng paghalik at paghapit ni Trojan sakin kanina.

Vampire's MenuDove le storie prendono vita. Scoprilo ora