"Umalis ka riyan sa likod ko! Hindi ka naman kakainin ng kaibigan ko!" Pilit na inaalis ni Luna si Vincent sa likod niya pero mahigpit ang kapit ng bata sa uniform na suot niya.

Napailing ako.

Wala naman akong ginagawa sa kaniya, ah? Tiningnan ko lang naman siya.

Nagpaunang maglakad ang Section Breaker dahil sila ang may alam kung nasaan ang Cafeteria. At habang naglalakad kami, napansin kong kulang kami.

Wala si Kairus, Luther at yung lalaking taga Section Ruiner. Lalong-lalo na si Ethan.

"Nasaan yung iba?" tanong ko sa kanila.

"Hindi namin alam, eh. Biglang umalis si Kairus pagkatapos ng performance niyo tapos nakita kong sinundan siya ni Luther at Raede," kaswal na sagot ni Yakov.

Nasaan naman kaya sila pumunta?

"Sinong Raede?" Nangunot ang noo ko.

Gusto kong tanungin sila kung nasaan si Ethan kaso may pakiramdam ako na hindi rin nila alam.

At baka nga, nauna na ang batang iyon sa Cafeteria at kumakain na, hindi man lang kami inaya.

Narinig kong tumawa ang mga taga Section Ruiner kaya saglit ko silang nilingon na nasa likuran namin at nakita kong mga mapang-asar silang nakatingin kay Luna na ngayon ay nakasimangot.

"Bebe boy ni Luna!" Tumawa si Karton na sinundan naman ng tawa ng iba.

"Shut up, Karson! Nagseselos si Noah!" Malokong sabi ni Jared at tinuro pa yung lalaking salubong ang kilay at handa na yatang manuntok ng mga kaibigan.

Lumingon ako kay Luna na at nakitang hawak-hawak na ang tenga ni Karton at Jared.

"Hindi ko siya Bebe boy!" Pikon na sabi niya. "Are you gago?!"

"Ah—A-Aray!" Naiiyak na tumingin sakin si Karton at parang nanghihingi ng tulong.

"A-Aray ko po, g-gago masakit!" Pilit na binabawi ni Jared ang tenga niya na hawak ni Luna.

Tumigil kaming lahat sa paglalakad at pinood silang magrambulan. Napakagat ako ng labi at pinigilang matawa.

"Itong mga gagong 'to, rito pa gumawa ng gulo!"

"Mamaya na 'yan! Nagugutom na ako!"

"Hays, nakaka-stress kayo ha!"

"Kaloka!"

"Feeling ko maaga akong tatanda at mapapanot dahil sa mga gagong 'to," salubong ang kilay na sabi nung lalaking taga Section Breaker.

"Panot at matanda kana man na talaga, Zion," asar ni Rafael sa lalaki.

"Ulol!" Inambahan niya ng suntok si Rafael na agad na nagtago sa likod namin ni Eris, magkatabi lang kasi kami Eris.

"Luna!"

Napatingin kaming lahat sa kanila at nakita si Luna na nakaupo sa lupa.

Anong nangyari? Bakit nakaupo 'yan sa lupa?

"Tangina, laking gulo nito," rinig kong kinakaban na sabi ni Ichiro.

"Gosh, ang daming mga basura here!"

Napatingin ako sa maarteng babae na nagsalita. Hindi ko siya kilala pero isa siyang representative base palang sa suot niya.

Muka silang mga taga R.U. Ganito umasta ang representative nila?

Wala silang taste.

"Amputa," mura ni Eris sa tabi ko. "Sinong nagbigay ng permiso sa kaniya na pwede niyang saktan ang kaibigan ko?!"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن