Chapter 4: Arranged

Começar do início
                                    

"Mum—"

"It's already end of September, Sabrina. Ikakasal na si Patrick sa January. And he's marrying a Vizcarra."

Oh my God, eto na naman kami . . .

"I already forgave your kuya for marrying someone below our class kasi kahit paano, hindi pabigat sa pamilya ang pinakasalan niya."

"Magastos si Jaesie!" I complained. "She even borrowed five million to Kuya last July, di ba?"

"She returned that with interest a few weeks ago. I don't see a clear comparison between Jaena and Ivo because you always spend your money on your boy toy na wala man lang bumabalik sa 'yo!"

"But I love him!"

Dinuro na agad ako ni Mum. "Don't you give me that stupid reason na mahal mo ang tarantadong 'yon. Gastos ka lang nang gastos!"

My brow furrowed, and I avoided Mum's gaze. I did those things because I loved Ivo!

Kuya loved Jaesie too, and he even spent hundreds of millions for her, tapos ako, hindi puwede?

"Sino'ng kasama mo kagabi?" Mum asked. "The guard called, pumunta raw sa penthouse si Ivo pero umalis din agad."

"E di sana tinanong n'yo na rin ang guard kung sino, tsk!"

"Uhmp!" Nagulat ako kasi bigla akong pinalo ni Mum sa braso. "Tinatanong kang bata ka!"

"Mum! Grabe kayo ni Kuya!" Hinimas ko ang braso kong pinalo niya. "Clark's with me last night! Pinatawag daw ako ni Kuya para sa tux ni Patrick!"

"Si Clark?"

"Yeah." I was irritated with my Mum's handprint on my arm. Ang bigat talaga ng kamay!

"Good!"

I glanced at Mum. She favored Clark, of course, matutuwa siya.

"I will talk to Fernando by tomorrow. Sasabihin kong ready ka nang ikasal."

Napaurong ako sa upuan saka pinandilatan si Mum. "I'll marry Tito Ferdz? Mum, what the fuck!"

"Tonta!" Mum slapped me again and I managed to run a bit away from her deadly hand. "Huwag kang aalis dito sa mansiyon, bantay ka sa amin ng daddy mo."


♥♥♥


Mum wanted her children to marry the best of the best people in the world, probably because it was really a bragging achievement to have a daughter or son-in-law na hindi basta-basta. Yet, Kuya married a girl na galing sa middle class family at walang sariling pangalan ang angkan.

Jaesie's dad was Filipino-German. Puro Filipino naman ang mom niya. Unfortunately, they both died before they met my family. I guess lucky for Jaesie. She worked hard for herself, and Dad was so fond of her day by day kasi grabe siyang magpabibo.

Or maybe she wasn't really that showy sa parents ko. She's terrorizing Mum, and Dad has no plan to stop them from declaring war every day because of money. At hindi 'yon dahil mahilig gumastos si Jaesie para sa luxury things or luho niya. She's showing Mum that she can handle money better than how Mum manages it, and now, pataas nang pataas ang net worth niya, so she could compete with Mum for being the best lady in the house.

Sobrang favored na nga ni Dad si Jaesie more than he favored Kuya. Ibang level ang greed ni Jaesie, nakikipagsabayan sa parents ko. Lagi tuloy busy sa mansiyon.

Ang room ko sa mansion, nasa third floor, one hall ang layo kay Kuya and ten steps lang ang layo kina Daddy.

When I was a kid, I didn't have a yaya apart from Inday Sita. She's handling the whole family. Sa province, sobrang rare lang naming mabantayan ng nannies kasi hindi kami basta-basta pinalalabas. Sa school, walang nanny, pero may nagbabantay pa rin sa akin; either si Clark o si Mat. Si Kuya kasi, wala talagang silbi 'yan maliban sa i-bully ako every day. Magpapakita lang siya ng affection (na labas pa sa ilong) kapag pinagagalitan na siya ng parents namin.

AGS 4: The Best Man's WeddingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora