Ay Lekat! Ipis! [One Shot]

21.4K 881 247
                                    

Hello there people of the world! Hahaha. Dahil umuulan, Imma write a new story. Conyo lungsss?! :)) Ahihihi. 6th story ko na po ito. Thank you po sa mga nag-follow, read, comment, and vote pati na rin sa mga taong naglagay sa kanilang reading list ng mga kwentong barbera ko. Ashishihi. *blushing* Oh sya, daming daldal tae, ito na! Enjoy! :))

***

"Jessica! Ingat ka pauwi. See you tomorrow! Good night."

"Ingat din Kath! Good night! Labyu! Mwuah laplap xoxo!"

"Kadiri ka talagaaa! Sakay na ako ng jeep baka maiwan pa ako."

"Arte mo! If I know deep inside gustung gusto mo naman! Hahaha! Kk powzzzz! Oyy, bawal tanga ah? 'Wag matutulog baka lumagpas ka na naman." Ayun, sumakay na ng jeep yung babaeng yun. Hinatid ko pa muna kasi naman minsan medyo lutang yung friend ko at hindi alam ginagawa minsan. Biruin nyo ah, pa-Quiapo ang daan niya pauwi pero sa pa-Vito Cruz na jeep sumakay. Narealize niya na lang nung nakita niya yung La Salle! Susme. Nakakaloka db? 19 years old na kami at graduating na ng college pero ganun pa rin siya. Iniisip ko nga, kulang yung intake ng iodine ng nanay nito nung fetus pa lang siya! Bakit ko nasabi? Wala lang, magaling ako eh! No shattering of trips ika nga ni superstarmarian! Ahihihi. Pero labs na labs ko yan kaya nga hinahatid ko pa minsan para lang 'di siya mawala. Oh sya, tama na tayo sa life story ng friend ko. 

Sasakay na rin ako pero bus naman ang sinasakyan ko. Sa Quezon City kasi ako umuuwi eh, ang layo nga sa school ko. Ayaw naman ng dakila kong mga magulang na mag-dorm ako, gastos daw! If I know, mamimiss lang nila ako kasi bihira lang makahanap ng anak na nga, katulong pa! Hihihi. 

4th year college na ako pero wala akong love life nagkaroon naman ako nung high school pero sandali lang puppy love lang ata yun eh. At isa pa, yung ex ko mukhang galisin so ok lang na nagbreak kami! Haller! Ayaw ko magkaanak ng galisin baka habang iniiri ko anak ko, magasgasan pa si pussycatdoll ko. Ahihihi. Oo, naiisip ko yun dati! Bakit ba?

Hayy, ito nakasakay na ako daily routine ko na ito. Itong sem kasi na ito lahat ng uwian ko hanggang 6 PM. Kakapagod na naman kasi Friday at rush hour pa eh db kapag Friday ay Quiapo day? Buti sana kung may katext ako na gwapo para naman kahit 10 hours na ako sa bus parang biyaheng langit pa rin. Hahaha! 

Sa mga ganitong panahon ko naaalala yung nangyari sa akin 2 months ago, it was second semester of my junior year that time. Patapos na halos yung sem kaya patong patong na yung school works then sa sobrang puyat ko hindi kinaya ng katawan ko kaya nagkasakit ako. Although may sakit ako, pumasok pa rin ako kasi I have to pass my formal report tapos umuwi na rin ako right after kasi hindi ko na talaga kaya. Pagkabayad na pagkabayad ko natulog na ako then when the bus reached Morayta already something embarassing happened.

*FLASHBACK*

"Ay lekat! Ipis! 'Wag kang lalapit! Gapangin mo nang lahat 'wag lang ako. Huhuhuhu."

"Miss, miss... Miss! Gumising ka nasasakal na ako!"

"Ay panga mo nalaglag! Kuya, sorry po! May ipis kasi eh, ayaw niya ako tantanan."

"Walang ipis miss. Nananaginip ka lang."

"Ga-ganun ba? Hehe. Sorry ah, pa-pagod na pagod lang po kasi ako. Sorry po talaga." Tapos tinanggal ko na yung yakap ko sa kanya, nakayakap pala ako sakanyang matigas na matigas na katawan. Hihihi. Hiyang hiya ako pero ang bango niya kaya kahit labag sa loob ko tinanggal ko na pagkakayakap ko! Oportunista ako bakit ba?! Yum! Yum! Yum!

Tapos syempre sabi ko nga db hiyang hiya ako? So natulog na lang ako ulit plus nahihilo talaga ako dahil may lagnat ako so napasarap ulit yung tulog ko. Paggising ko boom! Sumabog yung bus, kaluluwa na lang ako at ngayon ay nasa mundong ibabaw ako at humihingi ng hustisya sa nangyaring pagsabog. 

Ay Lekat! Ipis! [One Shot]Where stories live. Discover now