Chapter 1: First Encounter

12 0 0
                                    

Ellie's POV

"Ellie!... Ellie gising na at may pasok ka pa!" Pasigaw na sinabi ni mama sakin habang ginigising ako.

"Ugghh...Yes ma." Pabangon ko na sinabi kay mama. Hayy.. Unang araw na naman ng klase. Antok na antok pa ako, 6:30 pa lang ng umaga. Sino ba gusto bumangon ng ganto kaaga?

"Bilisan mo na at baka ma-late ka pa sa klase mo, first day mo pa naman sa bago mong school." sabi ni mama sa akin.

"Opo ma, ito na mag aayos na po ako." sabi ko kay mama. Sa totoo lang, ayaw ko talaga pumasok. Anxious ako lagi sa first day of school, just the thought na new student ako at kailangan ko na naman ipakilala sarili ko sa buong klase, di ko maiwasan kabahan lalo na't lahat ng mga mata nila nakatingin sa'kin habang pinapakilala ko sarili ko.

As an introvert, socializing with students is challenging. Communicating is something that I struggle with, and even voicing out what I really feel. I like being alone, but I sometimes admit I feel lonely. Di ko alam ano pakiramdam na may mga kaibigan na lagi kang gusto makasama at makausap. Minsan iniisip ko dadating kaya yung araw na yun para sakin?

Sometimes I do wonder, will I ever change?

Will I ever make friends?

Will my life ever be different?

"Mama! Tapos na ako mag ayos, aalis na ako. See you mamaya." Paalam ko kay mama habang namamadali kinuha yung bag ko.

"Mag ingat ka anak ha, Mag- enjoy ka sa first day mo." sabi ni mama sa akin.

------

"Saan na ba ako? Parang naliligaw ako..." Ito ako ngayon di alam kung saan na ang direksyon na pupuntahan. May daanan papunta sa kaliwa at kanan, di ko matandaan kung saan ba kasi pangalawang beses pa lang ako pumunta dito.

"Ughhh, malapit na ako ma-late" Sabi ko sa sarili ko habang gulong gulo kung saan papatungo.

First day sa klase tapos late ako? Nakakahiya.....

"Uhmm.. Excuse me?" Napatingin ako sa likod ko at muntik na ako magulat kasi ang tangkad niyang lalaki. Unti-unti ako napatingin sa mukha niya.

At.....Wait, ang gwapo niya...

Matangkad, itim ang buhok, singkit ang kanyang mga mata, ma-amo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, mapula ang labi at maputi.

"Yes, po?" sabi ko sa lalaki

"Uhhh, sa Beckham Highschool ka rin di'ba? Uhmmm nahulaan ko lang dahil sa uniform na suot mo... sorry pero mukha ka kasing naliligaw. Sa kanan yung daan incase di mo alam" Pangiti niyang sinabi sa akin habang tinuturo yung daan. Kita din sa mukha niya na medyo nahihiya siya.

"Aahh, salamat!" Pangiti ko na sinagot sa kanya na medyo nahihiya rin.

Nagulat ako sa reaksyon niya dahil bigla na lang pumula yung mukha niya.

"Tristan! Halika na malapit na tayo ma-late!" Sigaw ng kasama niyang lalaki sa kabilang street.

"Okay, susunod na ako!" sabi ng lalaki sa kaibigan niya.

"Uhmm, see you" Sabi niya sakin bago siya namadali pumunta sa kaibigan niya.

Hmmm. Tristan? Mukhang yun ang pangalan niya...

Will I ever see him again? I guess not.

-----

Ito ako ngayon namamadali na pumunta sa klase. Tumatakbo at hinihingal na ako.

"Aaahhh, Room 316, nahanap din kita..."

Pagpasok ko ng classroom, ang ingay ng mga estudyante sa klase. May iba nagkwekwentuhan tungkol sa mga bakasyon nila, tungkol sa lovelife nila at kung anu-ano pang experience na hindi ako makaka-relate.

Tahimik akong pumunta sa bakante na upuan sa dulo ng classroom at napayuko na lang ako sa desk. Pagod at antok pa ako..

"Flag Ceremony na guys! Labas na daw tayo!" Sabi ng estudyante sa amin.

Tumayo ako at napalingon ako sa gilid ko...

"HUH?" Sabay naming nasabi at napaturo kami sa isa't isa.

Di ko inakala na kaklase ko pala yung lalaki kanina,

si

Tristan.

-----

Tristan's POV

ito ako ngayon naglalakad na papunta sa school kasama ang
kaibigan ko.

"Tristan, ano ba room number mo?" Sabi ni Drew sakin habang naglalakad kami.

"Hmm Room 316, ikaw?" Sabi ko kay Drew.

"Pareho pala tayo, magkaklase na naman tayo this year" -Drew

"Ano oras na? Baka ma-late tayo." Sabi ko sa kanya. Tiningnan ni Drew ang kanyang relo.

"7:15 na, bilisan na natin baka di natin maabutan ang flag ceremony" - Drew

Habang naglalakad kami, may nakita akong babae nakatalikod at mukhang nakasuot din ng uniform namin. Nakatayo siya sa gitna ng kalsada. Naliligaw ba siya? Turo ko na lang siguro yung direksyon at baka maling daan puntahan niya.

"Drew, sandali lang." Sabi ko kay Drew at nilapitan yung babae.

"Uhmm.. Excuse me?" Sabi ko sa kanya habang nakatalikod siya.

Napalingon siya.

"Yes, po?" Sabi ng babae.

"Uhhh, sa Beckham Highschool ka rin di'ba? Uhmmm nahulaan ko lang dahil sa uniform na suot mo... sorry pero mukha ka kasing naliligaw. Sa kanan yung daan incase di mo alam" Pangiti na sinabi ko sa kanya.

"Aahh, salamat!" Pangiti niyang sagot sa akin. Nagulat ako at muntik na akong di makapagsalita.

Ang ganda ng ngiti niya. Di ko maintindihan sarili ko bakit bigla akong kinabahan nung ngumiti siya.

Namumula ba ako? Aaaaahh.. Nakakahiya.

"Tristan! Halika na malapit na tayo ma-late!" Sigaw ni Drew sakin.

"Okay, susunod na ako!" pasigaw na sinabi ko kay drew.

"Uhmm, see you" sabi ko sa babae bago ako umalis.

Aaahhh, di ko natanong pangalan niya. Nahihiya ako, namula ba mukha ko?

Makikita ko pa ba kaya siya ulit? Sana...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sincerely, YoursWhere stories live. Discover now