Chapter 3: Guardians

Start from the beginning
                                    

Matagal nang lunatic si Kuya Ronie. Nagtataka nga ako, walang nagsasabi sa kanya maliban sa akin.

I was hugging Mat the whole time. Kahit kumakain na kami ng lunch, magkatabi kami at sinusubuan niya ako.

Kung puwede lang mag-combust out of deadly glares, malamang kanina pa ako naging abo habang pinanonood kami ni Kuya Ronie. Si Clark, patay-malisya lang naman. Clark was with me the whole night, and he was the one comforting me until I went to sleep. And since morning na, time to shine na ni Mat to take care of me.

Kaso kasi, sino ba'ng may sabi kay Kuya na sumama siya rito kung pupunta naman pala si Mat? Puwede naman na siyang lumayas, no one needs him here, duh!

"'Sexy mo, Mat," sabi ko habang ngumunguya. Paulit-ulit kong hinawakan ang waist niyang sobrang slim. She even wore a black and midnight blue bodycon dress na V-neck at short sleeves pa.

She's taller than me, like ka-height niya na si Kuya, pero mas malaki pa yata ang waistline ko.

"Silicone?" I asked again, pinching her showing boobs.

"No, darling. Ang ganda ng gamot from Thai, really."

"Wow . . ." I was so amazed and I even cupped her boobs to touch them firmly. "Woooow. Ang lamb—ouch!"

Ang talim ng tingin ko kay Kuya nang paluin niya ang kamay ko.

"Kumakain tayo, di ba?" sermon sa akin ni Kuya. I looked at Clark to see if he was mad as well pero naka-smile lang siya.

"Tuloy mo, dali," buyo pa ni Clark.

Mat was laughing so hard and slapped Kuya's hand away from me. "Hayaan mo na si Sab! Ikaw, lagi kang galit."

"She's harrassing you in front of us!"

Tawa lang nang tawa si Clark habang gigil na gigil si Kuya sa akin.

"Tama ba 'yang ginagawa niya na hinahawakan ka sa—" Hindi maituloy ni Kuya ang sinasabi niya. Pinagtuturo lang niya ang hangin para ituro ang dibdib ni Mat na kanina ko pa hinahawakan.

"She's just amazed, Ronie. Puwede mo rin namang hawakan, if curious ka."

"HAHAHA!" Ang lakas ng tawa ni Clark habang parang seal na pumapalakpak sa upuan niya.

"You're all hopeless." Kinuha ni Kuya ang plate niya at pairap na umalis sa dining table. Nakasunod lang kami ng tingin pagpunta niya sa living area saka ibinagsak ang sarili niya roon sa couch.

Ang KJ talaga ni Kuya, nakakairita.

I stared at Mat's smiling face again.

What I really like about her face is the fact that wala siyang pina-enhance. Matagal nang soft ang almond eyes niya, and her eyebrows are naturally medium thick kaya kaunting pluck lang, okay na. She has a natural thick eyelashes and high-bridged nose. Meron din siyang natural pouty lips kaya kahit noong hindi pa siya transgender, matagal na siyang maganda. Nagpahaba siya ng buhok, pati ang straight black hair niya, natural din.

'Yon lang, dahil halos lahat, natural sa kanya, kapag nagtataas siya ng timbre ng voice para magtunog babae, mahahalata agad na hindi siya inborn female kasi sa kanilang tatlo nina Kuya, siya ang may natural baritone voice. As in sobrang sexy ng man's voice niya, nakakapanghinayang mawala, especially, he was a choir singer before. Kaya gamit na gamit ang voice niya for a deeper tone.

Hindi ako nakaligo nang maayos last night. Hinilamusan saka binihisan ako ni Clark, but that was all. Yung ligo na maayos, nope. And Mat wanted me clean so I took a bath as she waited for me.

Sabi niya, magpa-party raw kami para makalimutan ko si Ivo.

Kapag bumabalik si Ivo sa isip ko, naluluha pa rin ako. Kaya nga paglabas ko sa bathroom, naabutan ako ni Mat na malungkot na naman.

AGS 4: The Best Man's WeddingWhere stories live. Discover now