CHAPTER 02

3 1 0
                                    

♡♡♡

《》《》《》

"Sabi ko sa iyo Carla, tama ang hinala ko. Matagal ka nang ginagago nina Alfred at Nikki. Ayaw mo kasing maniwala sa akin," nagngingitngit na sabi ni Irish sabay baling ng tingin sa kanya. Umiigting rin ang panga nito at kulang na lamang ay makipag away ito sa kung sino man ang gusto nitong awayin.

Tinatanawan kasi nila ng tingin ang dalawang tao na nakatayo malapit sa harapan ng isang mamahalin at kilalang restaurant. Nagyayakapan ang mga ito at pasimpleng ninakawan ng halik ng lalaki ang babaeng kayakap nito. Tila kilig na kilig naman ang babae dahil sa ginagawa ng lalaking kasama nito. Kilala niya ang dalawang iyon. Sa sobrang kilala ay halos ayaw niyang maniwala na magagawa siyang traydorin ng mga ito.

Sa restaurant din na iyon madalas siyang dalhin ng kasintahan niya kapag may date sila pero ngayon nga ay iba ang kasama nito sa halip na siya. Halos hindi siya makapagsalita. Nakatingin lamang siya sa dalawang tao na tinutukoy ng kaibigan niya sapagkat hindi niya mawari kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Tila ba namamanhid na ang kanyang puso.

"O, ano na ba Carla? Wala man lang ba tayong gagawin sa mga hinayupak na iyon?" Muli siyang tinanong ng kaibigan niyang si Irish. Napapabuka ang labi niya ngunit walang salitang lumalabas mula sa kanyang bibig.

Bahagya pa siyang napaigtad ng bigla siyang yakapin ni Irish. Akala niya kasi hindi na siya makakaramdam ng sakit, hindi pa rin pala. Napaluha na ulit siya at hindi unang beses iyon nangyari sa kanya. Marami na rin beses siyang napaiyak ng dahil sa pagmamahal ng mga maling tao. Hindi pa rin siya natututo kahit ilan beses na siyang nagkamali.

Akala rin niya si Alfred na ang sagot sa matagal na niyang hinihiling na masayang buhay PAG-IBIG. Hindi pa rin pala.

"Sorry, Beshie! Hindi ko naman intensyon na masaktan ka pero hindi na kasi kaya ng konsensya ko na makita kang niloloko ng dalawang iyon," saad ni Irish. Medyo nanginginig pa ang boses nito habang nagsasalita. Pinipigilan din nitong maiyak. Palaging nakasuporta sa kanya si Irish sa tuwing nagkakaroon siya ng problema.

"Umuwi na tayo. Sa bahay na lang natin pag-usapan ang lahat." Suhestiyon ni Irish sa kanya. Umalis siya mula sa pagkakayakap ni Irish at nagtungo sila sa kotseng dala-dala niya. Nakita rin niyang sumakay sa kotse ang dalawang tao na kani-kanina lamang ay minamanmanan nila.

"Irish, gusto ko silang sundan." Saad niya sabay tingin kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse niya.

Bahagyang natulala si Irish nang dahil sa tinuran niya ngunit pamaya-maya ay muli itong nagsalita.

"Wala naman akong tutol sa balak mong gawin pero sigurado ka na ba riyan sa gagawin mo?" May pag-aalangan sabi ni Irish sa kanya. Halos tumaas ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.

"Oo, may gusto lang ako malaman. Tatapusin ko na rin ang pakikipag-ugnayan ko sa kanilang dalawa," tugon niya. Buo na ang loob at pasya niya. Sapat na ang mga nasaksihan niya para magdesisyong tapusin na ang pakikipagrelasyon niya kay Alfred at ang pakikipagkaibigan kay Nikki.

"Okay, masusunod boss! Kung kailangan mo ng resbak, nandito lang ako para makipagsabunutan. Sisiguraduhin kong makukulot ang mga unat nilang buhok." Nakangising sabi ni Irish ngunit may pagbabanta ang tono ng pananalita nito.

FINDING TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon