Who Am I

5.4K 155 4
                                    

Chapter 5: Who Am I


Sa bawat panahon na nabubuhay ang iba't ibang klase ng tao ay may kanya kanya itong karanasan sa nakaraan na matagal nang nakabaon sa pagkatao ng bawat isa.

Akala niyo 'Nakaraan na nakabaon sa limot' noh? Aba! Hindi naman ako gaya gaya ano! Pero pwede rin 'Nakaraan na nakabaon sa hukay'. Ay! Ano ba yang naiisip kong kagagahan!

Lahat ng iyon na naranasan at naramdaman mo kahit matamis o mapait na pangyayari man iyan ay kasama na sa pagkatao mo ngayon. Dala dala mo iyan hanggang ngayon kahit itago mo pa sa sarili mo, hinding hindi mo maloloko ang sarili mo kase nakatatak na iyan sa pagkatao mo. Hindi mo na yan matatakasan kase parte na iyan kung sino ka man ngayon.

*Tik Tok Tik Tok*

Pinagpapawisan ako habang palinga linga ako sa orasan.

*Boggshh*

Binatukan niya po ako. Tss.

"Ano bang problema mo?" asar kong singhal kay Auburn.

"Ako pa talaga ang tinanong mo niyan, ha?" balik niyang tugon sakin.

"Bakit ka sumasagot ng patanong din? Ako ang naunang nagtanong ah?"

"Bakit ba? Trip ko to eh. Gaya gaya ka noh?" konting konti na lang at masasapok ko na ang bruha na to.

"Nangaasar ka ba?" tanong kong muli.

"Meron ka ba ngayon? Bat ang init ng ulo mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ba ang sungit mo?" Ayan na! Sumabog na ako! Hindi ko na kaya. Lagot siya sakin ngayon.

*Toggshh*

Sabay kaming napalingon ni Auburn sa kamay na nasa tapat namin. Sunod sunod na lunok ang tangi kong nagawa.

1..
.
.
.
.
.
2..
.
.
.
.
.
3...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"GET OUT OF THIS CLASSROOM NOW!"

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko." kabadong sambit ni Auburn.

"Yes! Makakalabas na ako!" tuwang tuwa kong sabi.

Napahilamos na lang sa mukha ang teacher namin.

At ang mga kaklase ko naman ay hindi malaman kung ano ang irereact. ~~~> (o_O) ~~~> (O_o) ~~~> (O.O) ~~~> (^0^)

Aba't natuwa pa sila sa lagay namin! Tss.

"Hay! Kabataan nga naman. Ms. Alcanta ang Ms. Ectasy you may now go out. Go and do whatever you want outside. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo."

At siyempre kaming dalawa ni Auburn ay nagsaya sa kinahantungan ng walang sense naming pagbabangayan kanina.

Habang ang mga naiwan naming kaklase ay nanlulumo sa kinauupuan nila.

"But Sir! Pano kami?!" Lalaking kaklase no. 1

"Anong kayo?! Anong pinagsasasabi niyong mga bata kayo?" Sir

"Baka pwede rin kaming magfree time sa labas! Hehe." lalaking kaklase no. 2

"Oo nga Sir ang unfair!" maarteng kaklase no. 1


"Yeah right, girl! Ang unfair!" maarteng kaklase no. 2

"Che! Magtigil nga kayong mga bata kayo. Balik sa upuan! At kayong dalawa, anong tinutunganga niyo diyan? Alis! Lumayas na kayo!" Singhal ni Sir na halata mong iritado samin.

At dahil masunurin kaming estudyante ay umalis na nga kami. At nang makalayo na kami doon ay nagtinginan kami ni Auburn at wala kami sa sarili na nag apir ng todo todo.

***

"Caster, bakit ka ba nagmamadaling makalabas sa room kanina? Para kang natatae na ewan, eh! Haha." natatawa niyang sambit.

"Eh kase may mahalaga kase akong gagawin mamaya. Pero *munch* bago *munch ulit* muna *munch na naman* iyon. Ay kakain *munch munch* muna ako *munch munch munch*."

May naintindihan ba kayo sa sinasabi ko? Ako wala eh. Tsk.

"Wala ka bang ibang ilalabas diyan sa bibig mo kundi MUNCH MUNCH MUNCH? Sabagay, kumakain ka." siya na rin ang sumagot sa tanong niya, eh. Bopols.

"Hoy, narinig ko iyon! Hindi ako bopols!" nagtatamputampuhan niyang sambit.

"Kung ganun ano ang gusto mong tunog na ilabas ko habang kumakain? Tunog *Oink* ng *Oink Oink* baboy *Oink Oink Oink* ?!" Ako habang walang humpay na kumakain. Gusto niyo? Meron pa ako, oh!

"Sabi ko nga na MUNCH ang tamang tunog na ilalabas mo habang kumakain. Eh hehe." inirapan ko na lang siya.

"Ewan ko sayo. Tara na nga at pagod na ako. May gagawin pa ako eh."

"Okay, master!" natutuwa niyang sabi.

Ayan na naman ang master master na tawag niya sakin.

"Tsk."

*****

"Whoo! Nakauwi rin.. Magagawa ko na ang kanina ko pang gusto gawin!" sabay higa ko sa sofa habang ang mga paa ko ay nakapatong sa maliit na lamesa katapat ng sofa.

"Come to Mama!" sabay kuha ko ng libro na hiniram ko sa library.

Pero nang mahawakan ko na ang libro ay lumiwanag iyon. At parang mabubulag na ako sa kaliwanagan. Hala! Anong nangyayari?



------
A/N: To continue reading the story. Search this story at..

www.dreame.com

Thank you readers!

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Awakening of the Vampires (PUBLISHED BY DREAME) 🎉
The Awakening of the Vampires (PUBLISHED BY DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon