Her Journey Begins

8.1K 200 1
                                    

Chapter 2: Her Journey Begins


Ang buhay ay parang pagkain, kahit anong gawin mong pangrereserved ay mapapanis at mapapanis din yan. Katulad ng buhay ng bawat tao o nilalang na nabubuhay sa mundong ito, kahit anong gawin mong pagtatago at pagiiwas sa disgrasya at kapahamakan, hahabulin at hahabulin ka ng pagkakataon.


Dahil ako na lang ang magisa sa buhay ay patuloy pa rin ako sa pagpapakatatag para kay nanay. Susundin ko ang sinabi ni nanay. Gagawin ko ang huling habilin niya sa akin kahit gaano pa iyon kahirap basta para sa akin at sa kalahi ko.


Ngayon ay nasa loob ako ng kwarto ni nanay. Tinitingnan at sinusulit ang huling pagkakataon na mahawakan ko man lang ang mga gamit niya. Bago kase ako umalis at hanapin ang sinasabi ni nanay ay titingnan ko muna ang kwarto niya. Hanggang sa naisipan kong maghalungkat ng gamit ni nanay. Naisip ko kase na para bang alam na alam ni nanay na mamamatay siya at may hinabilin pa sa akin na para bang matagal na niyang hinala at pinlano.


Nang mabuksan ko na ang drawer ni nanay ay bumalagta sa paningin ko ang isang maliit na treasure chest. Hindi naman siya yung sobrang liit, yung tama lang. Nang mabuksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang liham na nakasulat sa papel, isang credit card, at isang..... kwintas...?


Una ko munang tiningnan ang liham,

Mahal Kong Anak,

Alam kong nababasa mo na ito ngayon. Itong liham ay pinlano ko nang matagal, bago pa ako mabawian ng buhay ay alam kong may mangyayaring masama sakin. Kaya naisip kong ito na ang tamang panahon para malaman mo na ang lahat. Ang pinanggalingan mo, kung ano kang klaseng nilalang, at ang tunay mong pagkatao.
Hindi na ako magpapaligoyligoy pa, dati pa lang anak ay may mga nagtatangkang kumuha at patayin ka. Simula nang isilang kita madami nang nagtangka ng buhay mo. At dahil sa ako ang iyong ina. Hindi ako tao anak, isa akong bampira. Isang makapangyarihang bampira, pero nang tumapak na ako dito sa mundo ng mga tao ay unti unti akong nanghihina at nawawalan ng lakas at yun ang dahilan kung bakit ako namatay sa kamay ng isang Newly Reborn Vampire, hindi lang sa dahil ako ang iyong ina kundi na rin sa ama mo na si.. Brandon Luxury. Isa siyang makapangyarihang bampira sa mundo natin, sa mundo ng mga bampira. At dahil sa pagmamahalan namin ay nagbunga iyon, at ikaw iyon anak. Hindi ka lang basta bastang bampira anak, isa kang makapangyarihang bampira. Taglay mo ang kakaibang lakas at kapangyarihan na ikaw lang ang meron. Dahil doon ay maraming nagtatangka sa buhay mo, maraming gustong makuha ka dahil sa taglay mong kakayahan. Sa tamang panahon ay saka mo lang malalaman ang katauhan namin ng ama mo, lalo na ikaw. Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo dito sa liham dahil baka magkagulo ang mga pangyayari. Lalo na't hindi mo pa natutuklasan ang mga kakayahan mo. Sa tamang oras ay lilitaw din yan kaya magiingat ka palagi. Dahil wala na ako ngayong nababasa mo ito ay gusto kong pumunta ka sa lugar na siguradong ligtas ka. Pumunta ka sa paaralan na Warden Academy. Diyan mo matututunan ng maayos ang kapangyarihan mo. Wag kang mag alala, matatagpuan mo ito sa pinakadulo ng Clandestine City. Yun lang anak, kahit wala na ako ay patuloy pa rin ako sa pagbabantay sa iyo tandaan mo yan anak. Gamitin mo rin anak ang credit card para may ipangtustos ka sa sarili mo at sa pagaaral mo sa academy. At bago ang lahat ay gusto kong palagi mong suotin ang kwintas na kasama sa pinaglalagyan ng liham at credit card, magsisilbing proteksyon mo ang kwintas sa kapahamakan. Pagkatapos mo itong basahin ay pumunta ka na agad sa Warden Academy para ligtas ka, wala na ako ngayon para protektahan ka kaya ingatan mo ang sarili mo anak. Iligtas mo ang mga kalahi natin, mangako kang tatalunin mo ang mga kalaban para sa akin at sa ama mo. Magiingat ka anak. Mahal na mahal ka ng nanay."


Pagkatapos kong basahin ang liham ni nanay ay bumuhos na ang kanina ko pang pinipigilan na luha.


Pagkatapos ay umalis na ako ng bahay. Dumaan muna ako sa banko para magdeposit ng pera sa credit card na bigay ni nanay. Para ito sa pangangailangan ko at sa pagaaral ko. Pagkatapos ay sumakay na ako ng bus papunta sa Warden Academy.


Pinapangako ko nanay na gagawin ko ang lahat ng sinabi at binilin mo sa akin. Para sainyo ni tatay at sa mga kalahi natin, gagawin ko ang lahat maprotektahan sila. Hindi ko hahayaang may mawalan na naman na pamilya ko lalo na ang mga kalahi kong mga bampira. Nagsimula ang lahat sa akin, kaya ako rin ang magtatapos ng lahat.

The Awakening of the Vampires (PUBLISHED BY DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon