A new start

7.4K 183 5
                                    

Chapter 3: A New Start


Sa lahat ng mga mapapait na nangyari sa buhay ng bawat tao, ang kasunod niyan ay ang magandang kinabukasan. Na saiyo na iyon kung pipiliin mong maging miserable sa buhay o ang magpatuloy at magsimula muli.


Kung pagod ka na, magpahinga ka. Kung nasasaktan ka, magmove on ka. At kung sawa ka na sa mga pangyayari sa buhay mo, magsimula ka sa umpisa at gumawa ng panibagong simula.


Yan ang gagawin ko, ang magsimula ng panibagong chapter ng buhay ko. Pagod na kase ako at nasasaktan. Kaya pipiliin kong mag bagong buhay kaysa maranasan muli ang paghihirap na kailan man ay hindi na mabubura sa pagkatao ko.


Sa ngayon ay naguumpisa pa lang ako. Sa pagtapak ko sa bagong mundo na dapat ay kasanayan ko na mula ngayon, nararamdaman ko na sa huli ay makakamit ko rin ang kasiyahan na hinahangad ko.


Maraming puno na matataas ang nakapaligid sakin. Malamig ang simoy ng hangin na masarap sa pakiramdam. Sa gitna ng kadiliman ay may sinag ng buwan ang gumagabay sakin.


Hindi ko alam kung nawawala na ba ako o kung ano. Pero sinusunod ko ang gabay sa akin ni nanay. Naniniwala akong matatagpuan ko rin ang lugar na para sakin. Ang lugar na karapat dapat kong paglagyan.


Hindi nga ako nabigo kase sa pagtapak ko ng lupa ay tanaw ko na sa malayo ang isang masariwa, malawak, at magandang tanawin. Kung saan may isang nakakamanghang bundok na may malaking malaking sakop ng isang napakagandang bayan na may nakapalibot na bakod.


Ito na iyon, ito na ang lugar na para sa akin. Dito ako nababagay dahil nakatadhana ito para sa akin.


Kahit na madilim na ang gabi, hindi yun hadlang para hindi ko marating ang napakagandang lugar na kinabibilangan ko.


Tinahak ko ang mahaba at malawak na daan papunta sa bayan na iyon.


Lahat ng pagod at paghihirap kong dinanas makarating lang sa paroroonan ko ay napawi agad nang makita at mapagmasdan ko kung gaano kaganda ang lugar na natatanaw ko.


Maraming nilalang na magaganda ang naroon. Kaya pumasok na ako pero bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa gate pass.

"Miss, kailangan muna tingnan muna ang dugo mo kung isa ka samin bago ka makapasok sa loob." pahayag sa akin ng gwardya.


"Ano po? Titingnan niyo po muna ang dugo ko?" pagtatanong ko.


"Oo miss kaya akin na ang pulso mo. Titingnan ko." binigay ko naman ang pulso ko saka may kinabit na metal ang gwardya sa pulso ko, tapos naramdaman ko na lang na sinisipsip ang dugo ko. Kinuhaan nila ako ng dugo.


Saka chineck nung gwardya ang dugo ko.


"Positive ma'am, isa ka samin. Pwede ka na pong tumuloy. Welcome po sa Vampire World ma'am!" masyayang bati sakin ni manong guard.


Nginitian ko na lang siya pabalik.


Nang makapasok na ako sa loob ay mas lalo akong namangha. Sa labas pa lang kay ganda ganda na, pano pa kaya sa loob! Dahil sa pagkamangha ko ay hindi ko napansin na naka nganga na pala ako kaya ayun pinagtitinginan na ako.


Dahil sa marunong din naman ako mahiya ay lumakad na ako.


Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako didiretso. Sa lawak ba naman ng Vampire World na ito, talagang maliligaw ako.


Pinagmasdan ko ang paligid ko. Kahit na gabi ay maraming bampira ang nandito. May mga malls, park na magaganda, malalawak na buidings, at kung ano ano pa. Grabe ang ganda talaga dito! Dito talaga ako nababagay, sa mga kalahi kong bampira.


Hanggang sa makuha ng attensyon ko ang isang malawak, maganda, at magarang paaralan. Paaralan pa ba yon? Parang kastilyo na eh. Siguro ito na yung Warden Academy na sinasabi ni nanay na lugar kung saan ako ligtas. Pinuntahan ko ang academy pero may malaki at magarang gate na gawa sa.... ginto?! Wow! Ang yaman naman ng eskwelahan na ito!


Nang hahawakan ko sana ang gate ay bigla itong bumukas magisa. Hindi na nakakapagtaka. Nilapitan ko ang lalaki na guwardya na nakabantay sa tapat ng gate.

"Manong, saan ho ang administration office? Mag eenroll ho ako."

"Ah. Diretsuhin mo lang ang daan saka ka lumiko sa kaliwa at doon mo matatagpuan ang Admin. Office. May nakalagay naman doon na pangalan kaya madali mo ito matatagpuan. Saka tamang tama ka lang ineng magpapasukan na sa lunes. Sige." sabay ngiti sa akin ni manong.


"Salamat po!"


Sinunod ko ang tinurong daan ni manong kaya nakita ko nga ang isang building na may nakalagay sa tapat nun ng 'Administration Office'


Pumasok ako at bumungad sa akin ang isang tahimik na lobby tapos may nagiisang maliit na kwarto na may lamesa sa loob tapos maraming babaeng bampira ang abala sa mga papeles na inaayos nila. Tapos may malaking glass doon at may butas para kapag may kakausap sa kanila ay doon sila pupunta.


Lumapit ako sa glass tapos sumilip ako sa square na butas.


"Ahm. Miss mag eenroll po ako."humarap naman sa akin ang babae.


"Ano pong pangalan at age niyo?"


"Caster Alcanta po at 16 na po ako." nabigla ang babae sa sinabi ko.


"A-Alcanta? Alcanta ang apilido niyo?" tumango naman ako.


"Ahh. 5 000 lang po ang tuition at isang beses lang po kayo magbabayad. Eto po ang uniform niyo at room no. niyo.. Welcome po sa academy Ms. A-Alcanta."


"Salamat po." pagkatapos ay tinungo ko ang isang building na may naka lagay na 'Dormitory Building'


Hinanap ko ang room ko at hindi naman ako nabigo. Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang isang malawak na kwarto na may isang queen size bed, walk-in closet, flat screen tv, magara na banyo, study table, at malawak na terrace. Airconditioned naman pala ang room ko. Grabe ha. Para lang ako nasa isang magarang hotel room.


Inayos ko muna ang mga gamit ko. Inilagay ko ang mga damit ko sa closet, nilagay ko ang mga pangkatawan ko sa banyo, nilagay ko ang laptop ko sa study table, at ang mga sapatos ko sa shoe rack na hindi ko pala napansin kanina.


Saka ako naligo at nagbihis ng short at loose shirt. Pagkatapos kong maligo ay humiga ako sa kama. Wow ang lambot! Ang sarap naman matulog ngayon.


Iidlip na sana ako nang may kumatok sa pinto. Pagod kong tinungo ang pinto. Bumungad sakin ang isang babae at lalaki na naka uniform katulad ng babae kanina sa administration office. Employee siguro sila.


"Hello po, ma'am. Inihatid lang po namin ang mga school supplies. Kasama na po 'yan sa binayad niyo na tuition. Kasama na rin po diyan ang class schedule niyo sa pasukan. May kailangan ka pa po ba?" inabot ko naman sa kanila ang mga libro at notebook. May kasama na ring ballpen ah. Ayos to ah.


"Ahh. Salamat po. Gusto ko lang po sana na magpahatid ng pagkain dito. Pagod na po kase akong bumaba sa may dinning hall eh." kahit na nasa baba lang ang dinning hall ay tinatamad pa rin ako. Andami ko kayang inasikaso!


"Sige po, ano po ba ang gusto niyong kainin?"


"Yung pinakamasarap niyong pagkain na available. Thank you." sabay abot ko sa kanila ng isang libo.


"Okay po ma'am. Sandali lang po at ihahatid na lang namin." tumango ako at isinarado na ang pinto.


Makalipas ang limang minuto ay dumating na ang pagkain ko. Nagpasalamat na ako at kumain na.


Ito na ang simula ng panibago kong buhay. Tutuparin ko ang pinangako ko kay nanay. Para sa mga kalahi ko at kay nanay at tatay. Itatama ko na ang mga mali. At aalamin ko na talaga ang katauhan nina nanay at tatay kung bakit sila malakas na bampira. Hahanapin ko rin ang pagkatao ko. Malapit na dahil ako si....... Caster Alcanta-Luxury...

The Awakening of the Vampires (PUBLISHED BY DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon