Chapter 9

19 1 0
                                        






Kaagad akong tumalikod sa kanila at naglakad palayo. Sapagkat hindi ko na kayang pigilan pa ang mga nagbabadiyang luha sa'king mga mata.

"Cy..!"

Ang sakit. Sobrang sakit. Makita silang dalawa. Masaya ako na masaya si Madi pero bakit ganito? Para bang tinutusok ng paulit-ulit ng matatalim na karayom ang puso ko?

"Cy!"

Madali sana kung kinamumuhian ko si Madi e. Pero kasi hindi. Bestfriend ko siya. Mahal ko si Madi bilang pinaka matalik 'kong kaibigan. Hindi ko siya magawang saktan.

Ako na mismo ang naaawa sa sarili ko.

"Cybele!"

Napalingon ako sa likuran nang hawiin ni Devon ang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang galit ngunit nang makita niya kung gaano ka-maga ang mga mata ko. At kung gaano kabasa ang mga pisngi ko. Ay napalitan iyon ng awa

Huminga siya ng malalim. Hinila ako nito para sa isang yakap. Hindi na rin ako nakatanggi. Pagka-baon ng mukha ko sa dibdib niya ay hindi ko na napigilan ang paghagulgol.

Sa aming apat, si Devon lang ang napag-sabihan ko ng sikretong 'to. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Dahil maging siya ay may gusto na rin 'kay Madi. Pero sa kadahilanang gusto siya ng bestfriend niya... wala na rin itong magawa. Kagaya ko..

"Shh.. tumahan ka na. Mamaya makita pa tayo ni Madi" malumanay niyang sabi habang hinahagod ang buhok ko.

Suminghap-singhap ako at sinubukang pigilan ang pag-iyak. Ilang saglit pa ay lumayo na ako mula sa pagkaka-yakap niya sa'kin. Kumalma na rin ako ng kaunti habang pinupunasan ang mga luha ko

"Alam ko. Ayaw mo lang isipin niya na tayo dahil umaasa ka pa ring may pag-asa ka sa kaniya" suminghap ako at tumingala sa kaniya.

Hindi ito sumagot sa sinabi ko. Seryoso lang siyang nakamasid sa'kin. Tama ako.  Ito na yata ang sinasabi nilang unrequited love. Tsk napaka pathetic.

"Umamin ka nalang kasi"

Umiirap-irap akong tinalikuran siya at nagpatuloy sa paglalakad. Kaagad naman itong humabol saka tumabi sa'kin. Naglalakad kami patungo sa canteen para bumili ng extrang makakain

"Ikaw kaya muna" balik nito sa'kin.

Hindi ako nakasagot. Nanatiling diretso ang tingin ko sa harapan.

Gusto ko mang umamin, ayaw ko namang ma-reject. Ayaw ko rin saktan ang nag-iisang bestfriend ko. Siya'ng palaging kumakampi sa'kin kahit wala nang ibang may gustong pumanig sa pinaniniwalaan at mga gusto ko. Ayaw ko rin mawala si Madi sa'kin

Pero kasi ang sakit lang tignan. Ang taong mahal mo at ang bestfriend mo. Sa harapan ko pa mismo.

Naiiyak nanaman ako dahil sa naiisip ko. "Stop tearing up. Pinagtitinginan tayo"

I looked around dahil sa sinabi niya. Lumingon ako 'kay Devon na may masasamang tingin. Lumingon din siya sa'kin ngunit may ngiti sa labi. Paano kami pagtitinginan e walang tao rito ngayon. Tsk

Inirapan ko siya at humalukipkip nalang. Nakarinig ako ng maliit na tawa mula sa kaniya. Before I knew it, may isang panyo na'ng naka alok sa harapan ko

Tinignan ko siya ng nagtataka at tumango ito, sinasabing kunin ko na. Padabog ko nga'ng kinuha mula sa kaniya ang panyo at pinunasan ang nakakadiri 'kong mukha.

Kung 'kay Devon nalang sana ako nagkagusto, baka mas naging madali pa. I mean, mabait naman siya. Gentleman. He's caring. Good-looking too. Pero doon ako sa isa nagkagusto. Kagaya nalang ng bestfriend ko

The Fine Line Between UsWhere stories live. Discover now