Chapter 9: Fond Feelings

Start from the beginning
                                    

"Next next day na iyun isasubmit. Bakit ngayon ka lang nagpakita?" halos mangiyak ngiyak niyang tanong.

"I am busy." Diretsang sagot ko.

"Gabi naman eh! Ibabagsak daw ako ng professor ko kung hindi ako makapagsubmit next next day eh!"

"You mean, OVERMORROW?"

"WAKOMPAKE KUNG ANONG TAWAG SA NEXT NEXT DAY! BASTA HELP ME NA LANG! PWEESH!"

"Tsk. Ang ingay mo." At nilagpasan ko siya para pumunta sa nagkukumpulang mga estudyante sa harap ng announcement board.

I wondered what it had but I grimaced. Tungkol pala sa school event. It posted all the lists of the contest, one of those was the painting competition.

"Gabi, tulungan mo na ako. Papalitan ko naman yung stand kapag---ARAY!" Tumama ang mukha niya sa likod ko ng may sumagi sa balikat ko. I nonchalantly looked at the guy. He doesn't mind at all.

"Sorry Miss Cute, pasensya na, hahara-hara kasi 'tong maputlang lalaki. Nasagi ka tuloy..." sabi ng lalaking kasama ng nakabunggo sa akin.

"Ang lawak boy ng daan, bulag ba kayo? Tsaka spokesperson ka ba ng lalaking 'to?" Laban na tugon ni babae sabay turo sa lalaking nakabungguan ko.

Sasagutin pa sana ng isa, but the guy who bumped on me stopped him. I grimaced and walked away. I can't stand watching acting-superior dramas.

"Kaibigan ko sila Arthur, huwag nyo namang patusin." biglang sabat ni Paolo. Hindi ko siya napansin.

"Huwag na kayong gumawa ng gulo. Sorry Miss..." sa wakas ay biglang salita ng lalaki bago umalis.  Amusing, I never expected that I'll encounter such students by my own.

"Magkasama kayo ah? San punta niyo? Sama ako!" Humiwalay si Paolo sa kanila at sumunod sa amin.

"Mga kaklase mo ba yun? Bakit ka nakikijoin sa mga yun?" Inis na tanong ni Darlene.

"Oo eh, may pinag-uusapan kaming activity kaya kasama ko sila."

I made the monitor scan my card bago pumasok ng library. I don't have a choice, magiging labag sa prinsipyo ko kung hindi ko tutuparin ang sinabi ko.

"Ano bang ipatuturo mo?" tanong ko bago siya nilingon. Agad na nagningning ang mga mata niya.

"Bakit nga ba tayo nasa library ngayon?" Paolo asked.

Darlene told what she needed. Bumuntong hininga na lamang ako at pumunta sa shelves to check some references.

Malaki ang library kaya't kailangan mong pag-aaralan ang arrangements ng iba't ibang genre ng libro, maging ang pwesto nito, at dahil arts ang usapan, malamang na alam ko iyun.

When I arrived at a specific shelf, kinuha ko na ang mga librong kakailanganin at dinala sa pang-apatang mesa na napili nila.

"Ito. Aralin mo kung anong meron diyan." At nilagay sa tapat nila ang mga libro.

"Mabilis kang makakakuha ng ideas lalo kung may nakikita kang example ng iba't ibang paintings." 

I nod in agreement to what Paolo said.

Pinanood ko lang silang magbuklat at magbasa sa mga librong pinili ko.

"Abstract art, surrealism, impressionism, expressionism, cubism, oil painting, and etc. Choose what you think will suit your style." I said after they scan the references.

"Hays, ang hirap naman eh..." reklamo ni babae at ginulo ang buhok niya.

"According to Gustav Klimt, Art is a line around your thoughts. Kung nahihirapan ka, iguhit mo na lang ang bagay na unang maiisip mo, without any particular reason."

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now