Chapter 13

353 15 0
                                    

 

NANG makabalik sa table ay hindi ko na nakita si Reizen, ganon din si Lance. Hindi rin nagtagal ay kami naman ni Adler ang sunod na magpe-perform. Sabay kaming tumayo at inalalayan niya ako paakyat ng stage. May nakalagay nang upuan doon kaya inalalayan niya ulit ako at tinulungang ayusin ang gown ko bago naupo. Napangiti na lang ako sa inakto niya. Saglit pa niyang inayos ang gitara saka nagsimulang kumanta.

"My lungs are black
My heart pure
My hands are scarred from nights before
And my hair is thin and falling out of all the wrong places
I am a little insecure"

He huskily sang while strumming his guitar and looking at me with a big smile plastered is his lips.

"My eyes are crossed, but they're still blue
I bite my nails and tell the truth
I go from thin to overweight
Day-to-day it fluctuates
My skin is inked, but faded too

But, she loves me, she loves me
Why the hell she love me
When she could have anyone else
Oh, you love me, you love me
Why the hell d'you love me
Cause I don't even love myself"

Pagkanta niya at tumayo pagkatapos ilapag ang gitara sa sariling upuan saka kinuha ang mic at lumipat sa tabi ko. We decided before to just go with the flow. Kanta lang ang inensayo namin at hindi na kasama roon ang gagawin pagdating ng performance. Wala sa sariling napangiti ako nang hawakan niya ang kamay ko saka kinanta ang chorus.

"Baby, the best part of me is you
Lately, everything's making sense too
Oh, baby I'm so in love with you"

Aniya at halos mabingi kami nang magsitilian at magsigawan ang mga nasa baba. Mahina kaming napatawa saka ako naman ang kumanta.

"I overthink and still forgive
I lose my phone and place my bets
And I never catch the train on time
Always thirty minutes behind
Your worries ain't seen nothing yet"

Tumayo ako habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko.

"But, you love me, you love me
Why the hell you love me so
When you could have anyone else
Yeah, he loves me, he loves me
And I bet he never lets me go
And shows me how to love myself "

Nagkatinginan kaming dalawa saka niya ako iginiya sa gitna ng stage. Napaharap ako sa kanya at napahawak sa dibdib niya nang humawak siya sa bewang ko at hinapit ako palapit habang marahang sinasayaw. Sabay naming kinanta ang chorus.

"Baby, the best part of me is you
Lately, everything's making sense too
Baby I'm so in love with you"

Hinawakan niya ang kamay ko saka ako marahang inikot, pagkatapos ay binalik na naman ang kamay sa bewang ko.

"Baby, the best part of me is you
Lately, everything's making sense too
Oh, baby I'm so in love with you
Oh, baby I'm so in love with you
Baby, I'm so in love with you"

Humarap kami sa mga nanonood habang ang kamay niya ay nasa bewang ko pa rin at sabay ulit na yumuko bago bumaba ng stage. Natawa pa ako nang ikinawit niya ang kamay ko sa braso niya habang pilit na sinasara ang slit ng gown ko na mas bumubuka habang naglalakad ako.

Iginiya niya ako pabalik sa upuan habang nagpe-perform ulit ang ibang students. Nang makabalik ay nandoon na ulit sila Lance at Reizen pero pansin ko ang pagiging ilag nila sa isa't-isa. Nang dumapo ang tingin ko kay Amy ay agad akong napangiwi nang makita na naman ang mapanuksong tingin nito.

"My expectations are right, isn't it?" aniya habang nakangisi.

"Anong expectation 'yan?" takang tanong ko.

Umupo ako saka inayos ang gown pero napaigtad ako at halos tumayo lahat ng balahibo ko nang dumampi ang kamay ni Adler sa hita ko nang ayusin niya ang gown ko. Sinamaan ko siya ng tingin at umayos ito ng upo.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now