Chapter 11

381 24 0
                                    

 

"You two are under arr*st. R*bbery for stealing each other's heart. The court judge—which is me, orders you to stay with each other's side." sabi ni Lance saka kami pinahila sa stage.

Tumigil ako sa pagpupumiglas nang maramdaman ang pagsakit ng pulso ko. Nang makarating sa mini stage ay nagsalita ulit si Lance.

"Backing-up is allowed. But, you need to pay 1000 pesos, per person." nakangising sabi niya.

Pinandilatan ko siya ng tingin saka binuksan ang shoulder bag na dala para sana kumuha ng pera nang makitang wala ang wallet ko sa loob. Kunot-noong hinalukay ko ang bag pero wala talaga akong nakita. Inis akong napapikit at naalalang nasa backseat iyon ng kotse ni Amy at hindi ko nakuha kanina. Tumingin ako kay Adler nang makahulugan.

"You have your wallet with you, right?" tanong ko at alangan naman itong tumango.

"Ikaw na magbayad." utos ko na ikinamaang niya.

"W-wala na. Ubos na." aniya saka nag-iwas ng tingin na ikinatawa ng mga nanonood sa amin.

"Wala nang atrasan. Continue the wedding!" anunsyo ni Lance saka nagsigawan ang lahat.

May lumapit sa amin para kalasin ang posas na nakalagay sa pulso namin. Aalis na sana ako nang bigla akong harangan ng ibang kasama nila Lance saka pinapunta na sa harap ng ginawa nilang altar, nandoon na rin si Adler na nakatayo. Nakasuot na ito ng itim na suit, may lumapit rin sa akin at hinubad ang suot kong blazer saka isinuot sa akin ang mahabang palda at nilagyan ng veil sa ulo.

Nakatanga lang ako simula nang magsalita si Lance at natauhan lang nang marinig ang pamilyar na linya.

"You may now kiss the bride." aniya na ikinalaki ng mata ko.

Gulat akong lumingon kay Adler nang makita ang paglapit nito at saka niya itinaas ang veil ko at walang anu-ano ay dinampi ang labi sa akin.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Lance mula sa stage kasabay ng sigawan ng mga students.

Nang matapos ang kasal-kasalan ay may sumunod pa sa amin pero agad nangunot ang noo ko nang pagkatapos nila ay tinawag na naman ang pangalan ni Adler pero kasama na si Karina. Biglang nag-init ang ulo ko nang makita ang paghawak nito sa braso ni Adler.

"Game or Pass?" nakangiwing tanong ni Lance nang makitang masama ang tingin ko.

"Pass." mabilis na sagot ni Adler.

Agad silang kinalagan at mabilis niyang dinukot ang wallet saka kumuha ng dalawang libo na ikinataka ko. Lumapit na ito sa akin nang mailagay na ulit sa bulsa ang wallet.

"Akala ko ba ubos na ang pera mo?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

Ngumiti lang siya sa akin saka ako inakbayan at bumalik sa stall nila Amy. Saglit nila akong inasar bago ako magpaalam na magbabanyo lang muna. Mabilis ang lakad ko habang nakangiwi dahil ihing-ihi na talaga ako. Pagpasok sa girls comfort room ay nakahinga ako ng maluwag nang walang makitang tao at isasara na sana ang pinto pero nagulat nang makita si Adler na nasa labas at tuloy-tuloy lang na pumasok. Gulat lang akong nakatingin sa kanya habang sinara naman niya ang pinto at walang pasabing sinakop ang labi ko. Napatigalgal ako pero agad ring napapikit nang mas pinalalim niya iyon. Hinihingal kaming humiwalay sa isa't-isa at nangunot ang noo nito nang makita ang pagngiwi ko.

"Why?" takang tanong niya.

"Naiihi na talaga ako." sagot ko saka mabilis na pumasok sa isang cubicle.

Nang matapos ay binuksan ko na rin ang pinto nang cubicle at nagulat nang bigla siyang pumasok at nakisiksik sa akin sa loob.

"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now