Chapter 8

399 16 0
                                    

NANG sumapit ang last afternoon class namin ay hindi na ako pumasok at dumiretso na lang sa gym dahil doon din kami mag-uusap tungkol sa events. Pagdating sa hallway ay naabutan ko pa si Adler kaya sabay na kaming pumunta sa gym. Halos lahat ng officers ay naroon na kaya naupo na kami sa designated seats namin na magkatabi lang din.

"Siguro naman alam niyo na kung bakit tayo nandito." sabi ni Adler na nasa tabi ko.

Tumango lang ang mga kasama namin at nakinig na sa kanya.

"Since our events are still not finalized, can anyone suggest what do you think is good for valentine's day?" aniya at nagsimula na ring magsalita.

"I suggest to have booths, pres." sagot ni Megan.

"What booths then?" tanong naman ni Adler.

"Photo booth."

"Marriage booth."

"Free hugs."

"Something like gaming booths?"

"Let's sell drink with free hugs."

"Kissing booth?" tanong ko na ikinatingin nila sa akin.

"Why?" takang tanong ko nang mapansin ang palipat-lipat nila ng tingin sa akin at kay Adler.

Napalingon ako sa kanya at napansin ang nakakunot nitong noo. Nagbuntong-hininga pa ito bago nagsalita.

"Who will do the kissing?" tanong niya sa akin.

"Definitely not me." sagot ko at nakita na parang nakahinga ito ng maluwag.

"Si Pres naman, masyadong nerbyoso." pang-aasar ni Theo na ikinatawa ng lahat.

Napapailing na lang si Adler saka inayos ang salamin pero pansin pa rin ang pamumula nito.

Akala ba niya ako ang hahalik?

"DISMISSED." sabi ni Adler.

Isa-isang nagtayuan ang mga kasama namin at nagpaalam nang umuwi. Tumayo na rin ako at lalabas na sana nang magsalita si Adler.

"Wait for me." aniya habang may inaayos na ibang folders na ikinatigil ko.

Umayos ako ng tayo habang hinihintay siyang matapos. Nang maayos ang mga folders ay lumabas na rin kami ng gym at napansing madilim na sa labas.

"Where's your things?" tanong niya habang nasa hallway na kami.

"Nasa classroom." sagot ko habang sinisilip ang ibang rooms.

"Come on. I'll come with you." aniya saka hinawakan ang bewang ko at hinapit ako palapit.

Nabigla ako sa ginawa niya kaya wala sa sariling napahawak ang kaliwang kamay ko sa balikat niya habang ang kanang kamay naman ay nasa dibdib niya. Dahil sa mga ilaw sa hallway ay kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Bahagya akong napatitig sa muka niya na nasisinagan ng ilaw. Natauhan kaming dalawa nang marinig ang kaluskos hindi kalayuan at lumabas ang isang pusa.

Napabuntong-hininga siya. "Let's go get your things. It already late." aniya saka kami pumunta sa classroom.

Nang makarating doon ay kinuha ko na ang gamit ko at sinabihan siyang dadaan muna sa lockers dahil kukunin ko ang textbook ko. Sinamahan niya ako sa lockers nang maalala niyang naiwan niya ang sapatos sa gym.

"I'll be back. Stay here, okay?" aniya habang nakahawak sa magkabilang braso ko.

Tumango lang ako pero hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan.

"Will you be okay here?" tanong pa niya.

"Yeah, I can handle my self just fine." sagot ko kahit bahagyang nag-aalinlangan.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now