Lalong nalukob ng takot ang katawan niya ng kumilos ang babae at humawak ng mahigpit ang kamay sa braso niya.  Ang naaagnas na kamay ng babaeng nababalot ng dugo at isa sa pinanggagalingan ng amoy  malansa at nabubulok na karne. Takot na takot na pilit niyang tinanggal ang kamay ng babae sa braso niya. Pero sa halip na matanggal iyon mula sa braso niya  niya ay ang mismong kamay ng babae ag natanggal mula sa balikat  nito! Nananatili pa ring nakakapit ng mahigpit  ang duguang kamay sa kanya. May lumalaglag pang mga uod at laman-laman sa ibabaw ng kama na doon nanggagaling.

            "Ahhhh!!!" Hindi na niya napigilan ang mapatili ng may dalawang kamay pang humawak sa magkabila niyang balikat na muntik ng magpalaglag sa kanya mula sa ibabaw ng kama.

            "Hey Phibs, it's me." Bahagya pang niyugyog ni Kiko ang balikat ng nobya upang magising ito sa tila isang bangungot.  Mabuti na lamang at naisara niya ang pinto ng kwarto kung hindi ay baka umalingawngaw sa buong mansion ang malakas na pagitiling ginagawa ni Phoebe.

            "K-Kiko..." hinihingal na sabi ni Phoebe ng sa wakas ay makilala ang yumuyugyog sa balikat nita.  Tuluyan  na siyang napabitaw sa kamay at yumakap sa binata bago muling ibanalik ang tingin sa inalisang ibabaw ng kama.  Wala na ang malabangkay na babae doon. Wala na rin ang putol na brasong nakahawak ng mahigpit sa kanya. "M-may babae kanina sa tabi ko..."

            "H-ha? Sinong babae?" Hindi alam ni Kiko kung maiinis ba siya sa inaasal ng dalaga. Pero hindi niya rin maiwasan ang ma-alala dahil sa matinding takot na nakikita niya rito.

            "N-nakita ko na naman siya..."

            Nagsimulang magpatay bukas ang ilaw sa loob ng kwarto. Napayakap ng mahigpit si Phoebe sa nobyo. Naramdaman niya rin ang pagtugon ng yakap ng binata sa kanya na tila pati ito ay nagsisimula ng manakot.  Namayani ang nakabibinging katahimikan na sinasabayan ng  nakakakilabot na malamig na hanging pumapasok mula sa bukas na bintana. "K-Kiko, natatakot na talaga ako..."

            Napalunok naman si Kiko at walang makapa na salitang maaring itugon sa nobya.

            "Kiko!!!" Isang pares ng kamay mula sa ilalim ng kama ang biglang humila sa mga paa ni Phoebe. "Kiko, help me!!!"

            Nanlaki ang mga mata ni Kiko na hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ni Phoebe. "Phoebe! Phoebe, humawak ka sa akin! Humawak ka ng mahigpit"

            "Kiko!!!" Ramdam ni Phoebe ang higpit ng hawak sa mga paa niya ng kung sino man ang may-ari ng mga kamay na iyon! "Kiko, don't let me go please... Ayoko pang mamatay..."

            "Fvck!" Magkahalo na ang tension at takot sa dibdib ni Kiko. Sinasabayan ng patuloy na pagbubukas-patay ng ilaw ang nangyayaring pakikipaghilahan niya sa kung sino man ang nasa ilalim ng kama. Inipon niya ang natitirang hangin sa katawna niya bago buong lakas na hinatak ang nobya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang taong nasa ilalim ng kama. Tao nga ba? Isang duguang mukha ng babae na agad na nilamon ng dilim. Bumalik na ang ilaw sa kwarto at tuluyan ng naglaho ang babae sa ilalim ng kama. Yumakap sa kanya ang nanginginig na katawan ni Phoebe.

            "I told you, she's real! The red lady was real!"

            Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Kiko na nakatingin sa ilalim ng kama. Wala na doon ang babae pero pati siya ay halos nanginginig na rin sa hindi niya malamang dahilan. Dahil ba sa nangyari kani-kanina lang o dahil mga pwede pang mangyari?

           

           

***

Napamulat si Mon dahil sa malakas na kulog mula sa labas ng bintana. Lumingon siya sa katabing si Gabby na mahimbing pa ring natutulog. Maingat siyang kumilos upang alisin ang makapal na kumot na pinagsasaluhan nila bago binuksan ang switch para sa magbigay ng bahagyang liwanag sa loob ng kwarto.

            "Quarter to 12 midnight," bulong niya ng mapatingin saglit sa bilog na orasang nakasabit sa dingding bago tumuloy na bumaba ng kama at naglakad patungong banyo.

            Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili. "Ang gwapo ko talaga," nakangising sabi niya at binuksan ang kaharap na gripo. Nakatungo na siya at handa ng basahin ang mukha ng biglang mabilis na ibinalik ang tingin sa kaharap na salamin. Bumilis at lumakas ang tibok ng puso niya. Wala na ang repleksyon ng babaeng nakita niyang naktayo sa may likuran niya. "This is bullsh*t!" napapailing na sabi niya bago itinuloy ang paghihilamos na gawain na niya upang mas lalong mahimbing sa pagtulog pagkatapos. Ilang kuskos pa ang ginawa niya bago napansin ang masangsang na amoy ng tubig na ginagamit niya. Nakapaikit na inamoy pa niya kamay na sumasalo sa tubig bago nagawang dumilat ng mapagtantong iyon nga angumaalingasaw na amoy.

            "Holy sh*t!" napamura siya ng makitang dugo na pala ang nilalabas ng gripo. Muli siyang humarap sa salamin at nanlaki ang mga mata ng makitang nababalot na ng dugo ang buong mukha niya hanggang sa may leeg. Mas lalo siyang nagimbal ng muling makita ang babaeng nakatayo sa may likuran niya. Nanlalagkit sa dugo ang makapal na buhok nitong halos tumakip sa buong mukha. Ilang malalim at mabilis na paghinga pa ang ginawa niya bago nagawang lumingon sa may likuran. Inilibot pa niya ang mga tingin sa buong banyo. Wala na saan mang sulok ang babae. Muli niyang tiningnan ang mga kamay at humarap sa salamin. Wala na rin ang mga bakas ng dugo alinman sa mukha at mga kamay niya. Nagdesisyon na siyang tuyuin ang mukha at mga kamay gamit ang kalapit na malaking tuwalya bago mabilis na lumabas ng banyo at bumalik sa kama. Patalikod siyang humiga sa nobya bago mariing ipinikit ang mga mata.

            "Mamatay kayong lahat... Papatayin ko kayong lahat..."

            Napalunok siya bago muling napamulat dahil sa nakakapangilabot na boses na narinig. Dahan-dahan siyang bumaling sa nobyang nakatalikod rin mula sa kanya at nababalot ng makapal na kumot hanggang sa may tainga. Lalo siyang natakot sa naisip na hindi na si Gabby ang katabi niya ngayon.

            "S-sweety?" nauutal na tawag siya pero hindi ito lumingon. Nilakasan na niya ang loob at tinaas ang kamay upang hawakan ang dalaga sa balikat. "S-sweety?"

            "Hmmm? Bakit?"

            Isang malalim na buntong hininga ang nabitawan niya bago napasandal sa headboard ng kama. Inihimalos niya sa mukha ang mga palad. Hindi pa rin natatanggal ang maitinding kaba sa dibdib niya na dahilan ng pamumuo ng pawis sa mukha niyang kakahilamos lang kanina.

            "Sweety, are you okey?" tanong ni Gabby na napabangon na rin ng mapansin ang kakaibang inaasal  ng binata.

            Napatingin si Mon sa nag-aalalang mukha ni Gabby. Iginuhit niya ang pilit na ngiti sa mga labi at tumango bilang tugon. Ano bang nangyayari sa kanya at kung anu-ano ang nakikita at naririnig niya? Bakit pakiramdam niya anumang oras ay may masamang mangyayari... Hindi siya naniniwala sa multo... Kaya kahit kailan, hindi siya maniniwalang bumalik na taong matagal na niyang ibinaon sa limot.

***

***

***

***

Bumalik na nga kaya siya?

Ano nga ba ang pwedeng mangyari?

O mga pwede pang mangyari?

Mamamatay kaya silang lahat?

***

***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much!  :) :*

29th of February (Published under VIVA Books)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora