CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!

Magsimula sa umpisa
                                    

Break time na and may meeting sa DSG. Remember the singing guild? Ngayon kasi iwewelcome yung mga nakapasok. BV talaga! Makikita ko na naman pagmumukha niya.

"Rylie, ang gwapo talaga niyaaaa," Sabi ni Cheska.

"Sayo na."

"Ano baaa!"

"Joke lang naman kasi," I laughed pero si Cheska, ngiting ngiti pa din na nakatitig kay Justin.  Nakaupo kasi kami sa harap ng mga new members. Ang ingay nila I swear. Kahit ang konti ng sumali sa guild namin, ang ingay ingay pa din!

"P-pero hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya?"

"Sobrang nagagwapuhan." O________________O

"Ha?" Tanong ko ulit kunwari di ko sinabi yung sinabi ko. 

"Uy crush mo siya no?" Siniko niya ko at tumingin ng nakakaloko.

"Hindi ah. Sino ba sinasabi mo? Si Kent kasi sinasabi ko," Remember yung mysterious na  lalaking sinasabi ko na walang reaction noong kumanta si Justin?

Oh well. Nevermind. Haha!














"Ayaw," Sabi ko.

"Ano ba, dali na."

"Ayaw ngaaaa. Kinakabahan ako."

"Maganda ka na ano ba!"

"Hindi nga e. Hindi! Kinakabahan ako. Paano pag di niya ko magustuhan?"

"Hoy! Bumabalik ka na ba sa dating Rylie?"

"H-h-ha? Hay nako. Sabi ko nga tara na sa loob diba?"

Hay. Kasi ano e. Nandito na kami sa restaurant kung saan ako makikipagdate. Sht. Ano ba ang nangyari at naisipan ko makipag ganito. Nagiging weird na ko lately...

"Rylie, may 10 guys ka na makakadate ha. Don't worry lahat sila may itsura. Pipili ba naman ako ng walang itsura. Anyway, text yes if gusto mo tapos pag ayaw mo, text no."

"Ehhh? Kailangan ba yun?"

"Oo naman. Ako na bahala! Sige na pasok ka na sa loob. Goodluck sayo ha." Then kiniss niya ako sa forehead ko. Ehhhh? O_O

"Dito lang ako sa car," Sabi niya. 

"Okay na ba itsura ko?"

"Kahit hindi ka mag make up, maganda ka na. Basta be yourself!"

I nodded.

"Thank you." Nag inhale exhale ako tapos pumasok na sa loob.

Woah ang gwapoooooooo.

"Hi. Goodevening, I'm Rylie." Nakipagshake hands ako.

"Good evening din. I'm Jason. So yeah, I'm an athlete. Magaling ako sa lahat mapaacademics or not. Magaling din ako sa chicks pero gusto ko na magbago at tumino. Kaya nga ako nakikipagblind date ngayon e. You're beautiful. Hindi kita lolokohin promise."

Promises are meant to broken. Halata naman na nangloloko 'to e. Ang yabang nakakainis! Ang sarap ibato! Sayang lang kagwapuhan niya.

"T-talaga? I'm Rylie and I'm me."

"Weird huh? Oh I like weird girls."

"Excuse me?" Inirapan ko siya. Anong weird pinagsasabi niya. 

"Jasooooooooooon! Anong ginagawa mo dito? Haaaaaa? Patay ka sa nanay mo!" Sabi noong babae. Sinong weird ngayon!

"Hi miss. Ako po si Emily, childhood friend ni Jason. Sorry sa abala ha. Pero kasi, basta. Lahat po ng mga pinagsasabi niya, hindi totoo." 

"Ano ba Emily! Pakielamera ka talaga! Girlfriend ba kita? Hindi naman diba? Ugh." Sabi ni Jason. 

I texted "NO" na kay Josh.

"Hey Honey. Ano ginagawa mo dito?" JOSH? O_O

Inakbayan niya ako.

"Tara na, madami ka pang kailangan ipaliwanag." Ehhhh? O_O

Umalis na kami sa resto. Tapos biglang tumawa si Josh.

"Hoy anong nakakatawa?!"

"IKAW! Pablind date blind date pa kasi e."

"Heh! Nasaan na yung pangalawa?"

Hay nako. So yun tinawagan na niya yung pangalawa. Pumasok na ako sa loob...

"Hello!"

"Miss, may kamukha ka."

"S-s-sino?"

"Next girlfriend ko."

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Mukhang funny siya ha.

Kaso habang tumatagal, hindi na ko natatawa tapos paulit ulit na lang mga jokes niya.

I texted "NO" na ulit kay Josh kasi sobrang corny na >.<

Someone hugged me from my back.

"Baaaaabe? Akala ko ba ako lang?" SI JOSH NA NAMAN!

Pinandilatan niya ko ng mata na parang sinasabi, maki-ride ka!

"Ah-ano. Baaaaabe! SOOOOORRY! Ahuhuhuhu! Hindi na mauulit. Let's go?" Tumingin ako sa lalaki na nakausap ko, "Ahuhuhu! Sorry ha, may asawa na ko nakalimutan kong sabihin."

Lumabas na kami ng resto. Tawa kami ng tawa. Hahahahahahaha! Naging joke time ang blind date na ito seryoso!

"SINO BA KASI NAGSABI NA CLOWN ANG KUNIN MO?!" Sigaw ko kay Josh. Seryoso na ulit ako. Napapagod din naman ako no!

"Sooooorry naman kasi. Malay ko ba!"

Sunud sunod na yung blind date pero wala pa din si Mr. Right. Yung isa wala kaming mapagusapan. Naispeechless yata sa beauty ko? Hohohoho! Yung isa naman puro math ang lumalabas sa bibig. AYAW KO NGA NG MATH DIBA?! Yung isa naman, lasing. Bv. Ginawa pa kong keeper. Yung isa, sobrang sungit. Yung isa, may asawa na. Yung isa, ughhhh. BASTA! WALA AKONG TYPE!!! Lahat may problemaaaaa!!! 


Pang eight na 'to. Napapagod na koooo! Not funny anymore T__T 

"Hello. Goodevening." Nakipagshake hands ako then he kissed my hand. Wow, gentleman! Sana ito na please, sana ito na.

"Good evening miss beautiful. Can I fck you?"

"Fck you!" Tumayo ako tapos kinuha ko yung tubig at binuhos ito sa kanya. Tumayo naman siya at hinawakan yung kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Sht, I'm wet!

"Bitawan mo ako," Naalala ko bigla yung ginawa ni Justin, yung 10 things scene namin recently. Yun nga lang, noong si Justin, mabilis heartbeat ko dahil sa kaba, hatred, at kung anu ano pa pero noong ito, nandidiri ako!

"I said let go of me, you ass!" I pushed him hard and kicked his center of attraction. Adrenaline rush! Tumakbo ako ng mabilis papunta sa labas.

Pinuntahan ko si Josh sa car niya.

Nanggigigil ako sa takot, sa galit! Napapagod na ko, "Uy Rylie, okay ka lang ba? Ano ginawa niya sayo?" Tears rolled down my cheeks. Peste! 

"J-josh," Kinwento ko kay Josh yung ginawa noong lalaki. Sabi niya susugurin niya kaya pinigilan ko siya. Ayaw naman niya magpapapigil.

"WAG NA KASI!" Kaya ko naman sarili ko no!

Papasok na sana kami sa loob ng resto pero nakita namin na bugbog sarado na yung lalaki at nakasandal na siya sa wall...

"HOY IKAW!" Itinayo niya yung nakaupong lalaki at hinawakan sa collar.

"Tama na! Sorry na miss. Hindi na mauulit. Ang ganda mo kasi e. Tama na!"

Lumapit ako sa kanya, "Sino gumawa sayo nito?" Tanong ko.

"H-hindi ko kilala pero s-sabi niya, b-boyfriend mo daw," Boyfriend?!?!?!

Hindi ko na tinanong yung itsura kasi basta, ayoko malaman.

"Josh tara na," I said.

Pang nine naaa! Please sana umayos na! Inayos ko muna sarili ko bago ako pumasok sa loob. Naglakad na ako papunta sa side ng lalaki at...

"Hello, good..." Tumingala siya sa akin, "KENT?!" Goodness!!! Anong ginagawa niya dito? Malamang Rylie, nakikipag-blind date! Pero... SIYA? Ang mysterious na si Kent, nakikipag-blind date?! I can't believe this.

He looked away, "I gotta go." Kinuha niya yung coat niya at tumayo.

"Wait-" Hinawakan ko braso niya. 

"Piece of advice, Rylie. Alamin mo muna yung side ng isang tao bago ka gumawa ng bagay na ikakasakit niyong dalawa," Inalis niya kamay ko sa braso niya and left me hanging.

Hindi ko siya ma-gets! 

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon