Kabanata 12

18 5 6
                                    

"Ayoko na dito! Palabasin mo na ako, nakikisusap ako sayo!" Umiiyak kong sabi pero parang bingi lang itong tumawa saka ako tinulak sa sahig. My body started shaking, my eyes began soaking in tears. Begging to my twin.

"Kasalanan mo lahat, Venus! Ikaw ang dahilan kaya ako nag kaganito!"

"Hindi yan totoo!"

"Yun ang totoo! Mang aagaw ka! Inagaw mo sila Papà sakin! Wala kang kwentang kapatid! Arghhh!" She slapped me. Pushed me. Hurted me like I'm nothing to her.  Lahat nang galit nito ay inilabas sakin. Hanggang sa nanghina na ang katawan ko at kusa na akong napahiga. Umiiyak na tumingin sakanya.

"Mamamatay ka, Venus. Mamatay kana!"

"No! Danica, 'wag mo kong iwan dito!" Pero iniwan ako nitong mag isa sa kwarto. Nag pa panick ko itong kinatok, umaasang may makakarinig sakin.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Mamà! Papà! T-tulong, po." Mas lalo lang akong nabuhayan nang makita kong gumagalaw ang doorknob. May tao sa labas.

"Tulong! Ayoko na rito! Danica, please buksan mo na ang pinto!" hanggang sa may kumatok nang tatlong beses. Muli akong nabuhayan. Dahilan kung ba't ako napatigil sa pagsigaw.

Pero halos mawala ang pag-asa ko nang malaman kong si Danica ito. "Kung hindi mo ako inagawan baka mabuhay ka pa kasama ko." Bakit? Wala naman akong alam sa mga ginagawa niya. Nakatago lang ako buong buhay ko. P-pero bakit ako pa rin ang masama?

"Sino 'yan!?" Nagulat ako nang marinig ko muli ang sigaw niya. Mukhang tama ako. May tao nga kanina bukod sa kan'ya. Pero hindi puwede. Mapapahamak siya.

"Danica!" Umaasang mababaling komg muli ang atensyon niya sa akin.

"Tumahimik ka!" Gan'yan nga. Ako lang ang pasakitan mo. Kahit huwag na ang iba. Ako na lang.

"Ang ingay-ingay mo! Kahit kailan talaga papansin ka! " rinig ko ang pagtawa niya pagkatapos akong sumbatan.

"Mamamatay ka kasama ko. Pareho tayong aalis sa mundong 'to, Venus. Walang mabubuhay. Wala. At silang lahat? Madadamay sila sa mga plano ko." Ramdam ko ang pait sa kan'yang boses habang tahimik lang akong nakikinig. 

"Masama si Danica. Masama ako kaya ayaw nila sa ugali ko. Ikaw na lang ang kakampi ko. Pagkatapos ay iiwan mo pa ako? Hindi ako papayag, isasama kita kahit saan ako magpunta." Saka muling tumawa. Hindi na ako umimik pa at mas piniling libutin ng tingin ang kuwarto niya. Ang mga litrato kong may bahid nang dugo at may mga butas ay dahilan kung ba't pinili kong umiyak at lumuha.

Hindi ko alam na ganito ang nangyayari sa kan'ya. Ilang minuto akong nagmukmok hanggang sa makaamoy ako nang gasulina. May kung ano sa dibdib ko na sobrang hirap makahinga nang ayos lalo't paunti-unti ay mas kumakapal ang usok.

"Tulong po!" Muling sigaw ko nang makatakbo sa harap ng pintuan at pilit itong binubuksan.

"T-tulong." Ilang oras akong nanghina hanggang sa umikot na ang paningin ko. Hindi. Kailangan kong lumaban. Malakas ka, Venus. Kahit pagod ang katawan ay nagawa ko pang mag mulat ngunit ang pakiramdam ko ay mainit. Bakit mainit? A-anong nangyayare? H-hindi! My lips quivered in fear and my body started shaking with mere sight of helpless, covering my being, and altering my sanity of blocking my senses.

"D-danica." I murmured. Bago tuluyang nawalan ng malay. Patawad, patawarin mo ako.

.

Behind The Story Of HerWhere stories live. Discover now