MULING sinilip ni Thalia ang sarili sa salamin. Tiniyak na magandang maganda siya sa suot na bestidang umabot lamang ang laylayan sa gitnang hita. Spaghetti ang straps kaya litaw ang mapuputing balikat niya.
    Casual ang kanyang look at kahit nagpapakita ng kaunting laman ay hindi naman siya mukhang bastusin sa tingin niya.
Manipis lang Ang kanyang make-up at hinayaang nakalugay ang mahabang buhok.
Two-inch sandal kanyang suot na nagpadagdag sa height niya.
    Palabas na siya nang madaanan sa waiting room si Aurora na noo'y abala sa pagmamando sa boy na nag-aayos ng mga house plants. Binati siya nito ng "Magandang umaga" at tinanong kung gusto muna niyang mag-almusal, pero tumanggi siya at sinabing hindi siya sanay na nilalamnan sa umaga ang sikmura.
     "Papunta ka na ba sa minahan, hija?"
tanong nito habang kasabay niyang lumabas ng pintuan. "Naikwento na sa akin ni Genaro kagabi ang ilang bagay tungkol sa iyo," dugtong nito nang makita ang pagtataka sa kanyang mukha.
    Napatango siya kahit nagkukutkot ang kalooban sa isiping kung anu-anong negatibong bagay angn ikinuwento ni Genaro sa tiyahin tungkol sa kanya.
    "I gotta go, Aurora. I'm terribly late," aniya nang mapatingin sa relo at makitang ilang minuto na lang at alas-diyes na ng umaga.
    "Good luck on your first day, hija," pahabol ni Aurora.
    "Thanks," aniya at sumakay na sa sports car.
Wala pang limang minuto ay narating na niya ang minahan. Katulad kahapon ay kailangan muna niyang iwan ang ID upang papasukin siya ng guwardiya.
    Ipinarada niya ang Ferrari sa espasyo sa tabi ng asul na Musso. Taking notice of the sign, nagpapahayag na ang sasakyan ay kay Genaro base na rin sa posisyong nakasulat sa karatula.
Suot ang cardigan na bumaba siya ng kotse. Nagmamadaling pinanhik ang pitong baitang na hagdang nagbigay ng impresyong elevated ang may isang palapag na office building.
    Pagpasok sa pinto ay sinalubong siya ng ingay ng makinilya at ng mahinang love song na nagmumula sa maliit na cassette recorder. Ang dalawang babaeng nakita niya roon kahapon ay sandaling tumigil sa ginagawa at tinapunan siya ng tingin.
    Tumayo ang isa sa mga ito at sumilip sa opisina ni Genaro. Narinig niyang ipinaaalam ng babaeng naroon na siya. Nang umalis ito sa pagsilip sa pinto ay binalingan siya at sinabing tumuloy na siya sa loob.
    Walang kangiti-ngiting tinungo niya ang opisina ni Genaro. Pagpasok na pagpasok palang niya'y sinalubong siya ng singhal ng lalaki
    "I thought you're here to work. Bakit ngayon ka Lang?"
    "I know I'm late... but that doesn't give you tht right to shout at me!"
    "I have all the right, Miss Rodriguez," nagdidilim parin ang anyong sabi ni Genaro.
    "I'm your boss. At huwag mong isipin na porke anak ka ng may-ari ng GMC ay puwede ka ng pumasok ano mang oras mo gustuhin. Time applies to all here. Eight to five ang office hours kaya kailangan, alas-otso pa lang ay narito kana. Do you understand?"
    "Yes," sagot ni Thalia na ang inis na nararamdaman ay nahalinhinan ng paghanga sa lalaki, na habang nagagalit ay lalong gumaguwapo sa paningin niya.
    "Damn! Don't look at me like that," ani Genaro sa nagngangalit na mga ngipin.
    "Like what?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga. Nagmaang-maangan kahit malinaw na nauunawaan ang ibig sabihin nito.
    Nagbuntong-hininga si Genaro bago pinindot ang intercom at tinawag ang babaeng nangangalang "Rebecca". Hindi naglipat-saglit ay pumasok ito.
    "Samahan mo si Miss Rodriguez sa kanyang magiging mesa, Rebecca, at ituro mo sa kanya ang mga dapat niyang gawin."
    "Yes, Sir." anang babae at binalingan si Thalia. "Tayo na, Miss Rodriguez," sabi sa palakaibigang tono.
    "I hope you remember everything that I told you," sabi pa ni Genaro bago tuluyang makalabas ang dalawa.
    "I hope, too, Mr. Sacramento. At sanay huwag ako magkaroon ng amnesia," tugon ni Thalia sa tonong nang-iinsulto.
Bago pa nakasagot ang lalaki ay mabilis nang nakalabas ng opisina ang dalaga.
    "Ito ang magiging mesa mo, at nandito sa mga folder ang mga invoices at resibo na dapat mong i-post sa computer," ani Rebbeca matapos siyang dalhin sa mesang katabi ng mesa ng babaeng nagmamanikilya. "Siyanga pala, ako si Rebbeca Castro at siya naman si Edna Alipio."
    "Hi!" Huminto sandali si Edna sa ginagawa at kinawayan siya.
    "I'm Thalia. Thalia Rodriguez,"
maikling pakilala niya sa sarili.
    "Taga-Maynila ka ba?" ani Edna.
    "Yeah."
    "Kaano-ano mo si Don Sebastian?" tanong pa uli nito.
    "I know Rodriguez din ang apelyido ng may-ari ng GMC, but unfortunately, nagkataon lang na pareho kami ng apelyido," kaila niya.
Ayaw mangyaring pakisamahan lang siya ng dalawa nang dahil sa kaalamang anak siya ni Don Sebastian.
    "Oo nga Naman, Edna. Napakaraming Rodriguez pero hindi ibig sabihin niyon na kamag-anak na sila ng may-ari," natatawang sabi ni Rebbeca.
    "Bakit, masama bang magtanong?" anang babae na pinandilatan ng mga mata ang una.
    "Ikaw talaga, kahit kailan, pikon."
    "How long have you been working here, Rebbeca?" tanong ni Thalia sa babae. Maganda ito at sa tantiya niya'y matanda lamang siya ng isa, o dalawang taon. Morena ang kulay ng balat, hugis-puso ang mukha at nangungusap ang mga mata. Makapal ang kilay nito kompara sa kilay niyang anomo iginuhit upang maging perpekto. Matangos ang iling at mapula ang makipot na mga labi.
    "Kailan lang," anang babae at binuksan ang computer. "Si Mr. Sacramento na ang nag-hire sa akin."
    "Sino? Sino'ng nag hire sayo?" may panunuksong tanong ni Edna.
    "Si Mr. Sacramento," ani Rebbeca at pinukol ng nagbababalang sulyap ang babae.
    Hindi nakaligtas iyon sa matalas na paningin ni Thalia. At pakiramdam niya ay may lihim ang dalawa na ayaw ni Rebbeca na malaman niya.

"IS THIS the best you can do?" iritadong tanong ni Genaro ng mabasa ang business letter na pinagawa kay Thalia.
    "What do you expect? I'm new in my job and there's always a room for imperfection."
    "That's not excuse, Miss Rodriguez," anito, at matapos lamukusin ang papel ay itinapon iyon sa basurahan. "Dapat ay handa ka sa trabaho mo at hindi ka nandito para maglaro, do you understand me?"
    "You're so cruel! Ganyan din ba ang ginagawa mo kapag nagkakamali si Edna o si Rebbeca?" inis na bulalas niya at binigayang-diin ang huling pangalan ng babae.
    "May ibig ka bang sabihin, Miss Rodriguez?" kunot-noong tanong ni Genaro.
    "I think you're being unfair. At akala ko ba'y hindi dapat isinasali ang emosyon sa trabaho?"
    "Ikaw ang emosyonal, Miss Rodriguez?" kalmado nang sabi ng lalaki. Isinandal ang sarili sa executive chair at masusing pinagmasdan ang dalaga.
    "Kung sa akala mo'y mapapaalis mo ako sa pagsigaw-sigaw at pagpapahiya ay nagkakamali ka. Hindi ako ganun kadali sumuko, Mr. Sacramento."
    Sinamahan niya ng panunuya ang tono habang buong tapang na sinalubong ang titig nito. Hindi siya pasisindak kay Genaro at Hindi siya titigil hangga't hindi ito sumusuko sa kanya.
    "Oh, yeah? Tignan naten Miss Rodriguez," nakangising sabi ni Genaro. Sa mga mata'y mababakas ang kakaibang damdaming hindi kayang bigyang kahulugan ng dalaga.
    "Bakit mo ba ako ginaganito?" hindi nakatiis na bulalas ni Thalia. "Did I commit a crime nang gustuhin kong magtrabaho para makatulong sa papa?"
    "Hindi mali ang magtrabaho, Miss Rodriguez. Ang mali ay ang gawin ang isang bagay na ginagawa mo lang para asarin ang kapwa mo."
    "What a choice of word! At sino sa akala mo ang gusto kong asarin? Ikaw? Sakaling tama ang iniisip mo, bakit ko naman gagawin iyon?"
    "Oh, come on! Alam mo ang sagot sa tanong mong 'yan. May iba kang plano sa pagpunta mo rito."
    "At ano naman kaya 'yon?" nagmaang-maangan niyang sabi. Gustong hangaan ang lalaki sa talas ng pakiramdam nito.
   "That's for me to find out. At titiyakin ko sa iyong malalaman ko rin ang pinaplano mo."
   "You're waisting your time, Mr. Sacramento. Dahil wala kang makukuhang impormasyon sa sinasabi mong plano ko."
    Pagkasabi niyon ay mabilis nang lumabas ng private office ni Genaro si Thalia. Naabutan pa niyang nagbubulungan sina Edna at Rebbeca, na agad ding tumigil nang makita siya,
pero hindi na lamang niya pinansin ang mga ito.

GENAROWhere stories live. Discover now