Chapter 2: Nerve-wracking

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry. Now, can I go back to what I'm doing? Hindi ko kasalanan na aanga anga yan..." I said and turn my back away from them.

"Hoy, tara na. Wag mo nang ipilit ang sarili mo sa taong ayaw. Nagsasayang ka ng oras" mapaklang pagkakasabi niya. Is he mad? Maybe he can try more next time if he wanna fight.

Buong akala ko'y matatapos na roon pero naramdaman ko ang paghatak sa akin sa braso.

"Hindi naman ako nandito para kunin yang sorry mo. I am here so I can ask you again" She's not gonna back down. Her perseverance irritates me to the core.

"Hindi mo ba alam na nakakairita ka na? Who would hang around with an average girl like you?" I mocked. Logically, people tend to stop minding you once you show your darkest side. It's her fault for annoying me.

"Teka, maghinay hinay ka sa mga salita mo..." palag ni Paolo at agad akong kinuwelyuhan.

I smirked at him to trigger him more but I stopped when I gaze at her. She's a bit crying. Tsk. This is annoying...

"Fine. I'll do it" Out of nowhere, I said like it automatically came out without any other thoughts.

"Talaga!?" she exclaimed with those glittering eyes. Pinanlisikan ko silang dalawa ng mata. I can't do anything now, I spoke it.

Another day came at ngayon ay dismissals. It's Friday afternoon, kaya dadaan ako sa artclub para kunin ang materials at maiuwi ko.

There's no one at this hour so it'll be tranquil. I only come to the art club when there's not much crowd. However, the said tranquillity was spoiled when I'm about to sit. The door sprang open.

"Gabi! Tara! Kung anong napag usapan!" Darlene shouted at pumasok.

"Not now. And what's with the name?" naiinis kong sagot at agad tinakpan ang canvas ko.

"Hindi yan makikinig. Once she made up her mind, there's no turning back" aniya na nakasunod kay Darlene at nagsimulang mag-ikot ikot.

My solitude is already ruined by the two, pero dahil pumayag na ako, I can't take it back anymore.

"Let's just be quick." I said and fixed my things.

Ngayon ay nasa labas na kami ng campus. I don't know where exactly we're going.

"Hindi ko naitatanong pero ano bang pumasok sa isip mo't may listahan kang ganiyan?" Paolo asked.

"Mamaya ko na ikukwento" sagot naman ni Darlene.

They're talking like I am not around. Though I don't mind, I still didn't like the idea, pero wala namang mawawala kung susubukan. Oras ko nga lang ang mawawala.

I'm silent the whole time while they keep on talking hanggang sa makarating kami sa isang old japanese restaurant.

"Tada! Masarap ang beef nila dito kaya ipapatikim ko sa inyo, lalo kay Eve!" masayang pagkakasabi ni Darlene.

"Baka mahal naman diyan. Wala pa naman akong pera..." reklamo naman ng isa, pero halata namang gusto niyang makakain.

Sabay silang napatingin sa akin. I frowned because of it. May masama akong nararamdaman.

"Wag kang mag-alala! Si Eve ang bahala..." Darlene said and tap my back.

Pinukol ko siya ng matalim na titig, yung tipong mapupugot ang ulo niya. She's a danger to my pocket. Even so, I just let out a sigh. Just this once Eve, let her do this thing today and there'll be no next time.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now