PREMIRO

11 0 0
                                    




     

Imaginative.

 

 

Creative.

 

 

Iyan ang dalawang salita na kaya kong ilarawan sa sarili ko. Siguro, dahil na rin lumaki ako na mahilig manuod nang mga animation, movies and dramas? O di kaya ay mag basa nang mga fiction novels na galing sa library nila Mommy and Daddy. Maybe those things helps my brain to be more creative and imaginative. Iyon rin yata ang dahilan kung bakit sa iilang maliliit na bagay ay kaya ko na ito gawan nang estorya.

 

 

It was like as if my brain has its own body. May kakayahan siyang gumawa nang estorya at karakter na hindi naman totoo. It was my safe haven. Ang mga bagay na iyon ang nagpapabuo sa aking pagkatao. I was around ten years old when I started grabbing a pen and writing my fictitious world in an abandoned notebook. At first, I wrote alternative endings for a Disney story. Hanggan sa gumawa na ako nang mga fanfiction simula nang naengganyo sa pagtatangkilik sa isang Korean boyband.

 

 

My stories are private. They are mine alone and written in sacred paper.

 

 

I never talk about it to anyone. I tried once, but people are getting tired of hearing it. It hurts, but what can I do? Ang hirap lang ibahagi ang parte nang pagkatao mo sa isang tao na hindi naman ito kayang tanggapin.

 

 

My talent in writing are like the fire in the woods. Once being ignite, you can't stop it. Kahit na sinubukan kong ilihim, may usok pa rin na lumalabas. Slowly, during on my middle year in Junior high, my teachers, especially in English and Filipino are starting to notice it. Iyan rin ang dahilan kung bakit tuwing may paligsahan sa Buwan nang Wika at English Month ay ako ang pinapambato sa classroom.

 

 

"Your words are too powerful, Miss Ingrid. Para itong alon na hihilain ka sa malalim na parte nang dagat. It would pull you in." sabi ni Miss Janice, teacher ko sa English.

 

 

Break time na at kakatapos niya pa lang sa oras niya sa amin. She was holding the paper I wrote for our English Month Essay Writing Contest. Ang mga gamit niya katulad nang libro, class record at pencil case ay naka ayos na sa ibabaw nang lamesa. She was supposed to leave but she suddenly called me just to compliment me with my work.

 

 

Ngumiti ako sa kanya. Feeling flattered with her words. "Si Miss nambobola pa." tawa ko.

 

 

Umirap siya sa akin. "Totoo kaya." sabi niya at sinuklian ang ngiti ko. "Bakit hindi mo subukan sumali sa Literary Club natin? I always wondered why you never joined. Kung hindi mo gusto maging feature writer, you can try literary writer. Sayang naman kung hindi natin mailalagay ang mga sinulat mo sa school paper. Students would love to read it."

 

 

"Babasahin ba kaya, Miss? Hindi nga kami nag babasa nang homework mo." biro ko pa. Totoo naman kasi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We don't have an EndingWhere stories live. Discover now