"Ano bayan para naman kayong di nadidiligan dito. " aniya ko habang patuloy na nag didilig ng mga halaman. Mas mabuting kausapin ko sila dahil sabi ni Nanay ay mas magandang kausapin ang mga halaman para mas maging magamda ang tubo nila.

"Pero okie lang yan ako din naman tuyot ihh hehehe." natatawang aniya. Aminado ako na medyo may pagka bastos ang bibig ko pero nilulugar ko naman. Mag-isa lang naman ako dito ihh.

"Señorito?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Tiya kaya napalingon ako sa may pintuan mula sa likod ng Mansion kung saan patungo dito sa hardin.

Hala! Narinig nya kaya ang mga pinag-sasabi ko. Dahil narin sa hiya ko ay mas minabuti kona lang na ituloy ang pag-didilig at binalewala si Señorito.

Napansin ko kanina na naka sando lang sya at pajama putok na putok ang mga muscles. Mukhang suki si Señorito ng gym sa lugar na pinang-galingan nya.

"Just coffee, Nanay." rinig ko ang boses nya at mga yabag na mukhang tatambay pa dito sa hardin.

Kape lang sa umaga? Nako asan ang sustansya kung kape lang ang iinom nya. Daig pa nya ang diet.

Humarap ako sa kanya at nag-pamewang "Oyyy, bat kape lang dapat may sandwich. Teka gagawan kita." aniya ko saka binitawan ang hawak ko na host saka nagpagpag ng aking sarili at iniwan si Señorito na nakatambay.

"Tiya, ako napo ang mag hahatid nyan." kuha ko sa kape mula sa kamay ni Tiya. Gumawa ako ng tatlong pirasong sandwich kaya tatlo yun dahil special si Sir tatlo kasi I like him. Char!

Bitbit ko ang agahan na ginawa ko para kay Senorito saka marahan akong naglakad patungo sa likod ng mansion.

Nilapag ko ang agahan na gawa ko sa harapan nito "ohhh! Ayan ang kainin mo hindi yung kape lang ang agahan mo. Hindi ka naman mabubusog sa kape." aniya ko saka iniwan syang naka-tulaley dahil sa winika ko.

Patay! Señorito yun tapos ginanon ko, pero auos lang concern citizen lang naman ako. Aanhin nya ang magandang katawan nya kung hindi naman nya lalamanan ng masasarap na pagkain ang tiyan nya. Sayang ang pero pag ganon.

Nang matapos kong magdilig ay nikingon ko si Senorito na simpleng nasulyan saakin kaya naman umiwas nalang ako ng tingin at pinatay ang host na ginagamit ko para magdilig ng tuyot na halaman saka ako pumasok sa loob ng mansion at kumuha ng almusal ko.

Tumulong narin ako sa gawaing bahay at tanging kaninang umaga kolang nakita si Senorito dahil nag kulong na naman ito sa kanyang silid katulad ng nakagawin nya.

____

Sa loob ng dalawang buwan kong pananatili sa mansion ni Señorito ay naging magaan na ang loob ko sa kanya at habang tumatagal ako ay lalo narin lumalalim ang aking pag tingin sa kanya.

Literal na expect the unxpect talaga pag-kasama ko sya ko sa bakuran dahil andami naming na o-open na mga bagay bagay sa isa't-isa kagaya nalang ng mga nalaman ko isa na doon ang pagkamatay ng kanyang ina dahil sa sakit at tanging ang Mommy Ansunsion na nya ang kinilala nyang Ina.

Na kwento kona rin kay Señorito kung bakit nawala ang aking mga magulang and he feel sorry for asking pero para saakin ay ayos lang naman dahil hindi namna maiiwasan an matanong iyon saakin.

"Lean!" sigaw mula saaking likuran kaya nilingon ko ito at nakita ko si Señorito kaya napangiti ako.

"Oyyy! Andyan ka pala, Señorito." bati ko habang nag tatanggal ng mga tuyong dahon sa halaman.

"Himala at hindi mo ata kausap ang halaman ngayon." natatawang wika nito kaya pati ako ay natawa narin.

" Hindi kasi sila tuyot, Ako lang." sabay tawa ko na kina-iling nito. "Kita moyun?" sabay nguso ko sa kape at sandwich "Hinanda kona, Señorito." sabi ko saka tinuloy ang pag tanggal ng mga panget at tuyong dahon.

Señorito 1: Hugo Montenegro   (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now