Chapter 44

20 0 0
                                    

Chapter 44

Tw: extreme panick attack

I found myself in the familiar memorial park that my mother had been buried sixteen years ago. Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang luha mula sa mga mata ko dulot ng mga salita ng lalaking mahal ko kanina na nakatatak na sa puso kong alam kong hindi na mabubura pa.

Sa bukana pa lamang ng memorial park ay humagulgol na ako lalo dahil pagkatapos ng ilang taong dumaang huli akong nakatapak dito noong limang taong gulang pa lang ako ay nakatapak ulit ako rito... hindi sa bibisitahin ko ang tita kong namatay, kundi ang bisitahin ang tunay kong ina na siya pa kang nakahimlay roon matagal na.

I felt betrayed. I felt really betrayed that I want to personally talk to my mother this time to complain about the betrayal that filled my being.

Hindi ko namalayang nakapangyapak na pala ako nang pumasok para hanapin ang kaniyang puntod. Sa bawat lapidang dinaraanan ko, ramdam na ramdam ko ang lalong pagbigat ng dibdib ko dahil hindi ko akalaing... matagal na palang naka-lapida ang pangalan ng Mama ko gamit ang pangalan ni tita.

I was trying to remember where was her grave was placed... and when I finally saw the name of my auntie... that Priscilla Ferrari should had been put there. But because they lied to me, it was instead being written with Philomena Ferrari.

Napako ako sa kinatatayuan at tila walang balak na umupo sa harapan ng puntod niya dahil hindi ko pa kaya... at alam kong habang buhay kong hindi matatanggap na wala na siya... na inilihim sa 'kin ang pagkamatay niya sa matagal na panahon.

No words can explain how agonizing it is to think that I can't talk to her anymore. Ang mga salitang para sana sa kaniya sa nagdaang mga taon ay naialay ko sa kakambal niya. Those appreciation words, I love yous, I miss yous, everything that I would always give to my mother who deserves the world... Sa kaniya dapat iyon, e.

Durog na durog akong humagulgol nang dahan-dahang umupo sa harapan ng puntod niya. My sobs made a sound as I slowly bowed and held her grave. Pagsisisi, pighati, pangungulila, at iba pang emosyon ang namamayani sa dibdib ko habang patuloy pa rin sa paghikbi.

"M-Mama... ang sakit po..." mahina ang boses na sumbong ko. No enough words could really explain the agony that I am feeling right now. It's as deep as the sea... and even the word 'deep' can't entirely describe it unless you experience being swallowed by its profoundness.

"M-Mama..." I called her again, hoping that she could hear it in heaven. Even if she talks back right now, I won't be startled because I badly wanted to hear her soft voice again... I want to cover up the last moment of her existence in the world where all I could hear was her agonizing and feeble voice while begging my father.

"M-Mama... Inilihim po nila sa 'kin. I-Inilihim nila na wala na pala ang n-nag-iisang Mama ko bata pa lang ako. B-Bakit mo ako iniwan, Ma? W-Why did you leave me when my father left us? Why didn't you face the pain with me, Ma? B-Bakit mo hinayaang mamatay ka sa mga salita niya?" Muli akong humagulgol nang nagsimulang magsumbong.

Mula sa pagkakayuko ay tumingala ako upang tingnan ang payapang kulay asul na kalangitan na kabaliktaran sa magulong puso't isipan ko ngayon.

"Ma..." nanghihinang sambit ko ulit, imagining her smiling at me from above.

"Hija?"

Taranta lamang akong napatigil nang may marinig na boses. I quickly wiped the tears away from my eyes even though they still wanted to stream. Lumukob sa akin ang hiya dahil hindi ko naisip kanina na may tao rito, kaya paniguradong may nakakita sa akin sa ganitong kalagayan.

I slowly and shyly glanced. Tumambad sa akin ang matandang babae na ang mga mata'y nag-aalalang nakatingin sa akin... ngunit hindi ko alam kung bakit tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa reaksiyon niya nang lumingon ako.

Painted by Fate (✔️)Where stories live. Discover now