Chapter 19

9 0 0
                                    

Chapter 19

"Nauna na raw sila Nathaniel, 'yong tatlo kanina pa. Buti naman at sasali na ang mahal kong Caleb!" sabi ni Janelle nang naglalakad na kami patungo sa simbahan. To San Nicolas De Tolentino Church.

Sabado ngayon at team building kaya iba't-ibang youth ang makaka-encounter namin mula pa sa ibang Baranggay. I felt the excitement whilst nervousness because I'll encounter new people again.

"Sasali na si Caleb?" gulat kong tanong dahil the last time, hindi 'yon sumali dahil sa rason niya. I am glad now because whenever they talk about Youth Ministry to him, I often see how his eyes would glow as if he wants to experience it, too.

"Oo raw! Feel na feel kong naiinggit siya sa tuwing kinukuwento natin sa kaniya ang tungkol sa ginagawa sa simbahan, 'di ba? Ibig sabihin, he'll be happy genuinely," nakangiting aniya habang nakatingin sa kalangitan na payapa.

I beamed, too. I can see how in love she is to him but it seems like she doesn't have the courage to confess when they're the only around. Nagtagal ang titig ko sa mga mata niya nang makitang namamaga ang mga ito na parang galing lang sa pag-iyak. Napatingin ako sa braso niya dahil parang namumula ito. I don't know why nervousness just began to build inside me.

Gusto ko sanang itanong 'yon pero iba ang natanong ko, "Wala ka ba talagang planong umamin kapag kayong dalawa lang?"

She halted. She slowly lowered her gaze and sighed. I regretted why I asked that because I wasn't used to seeing her being like this. Palagi siyang tumatawa't nagbibiro kaya nakakapanibagong makita siyang ganito.

Umiling siya at mapait na ngumiti, tumingin ulit sa kalangitan. "I don't want to ruin the friendship that has been created. Alam ko na rin naman ang sagot kung aamin man ako. Mabuti nang stay na lang sa ganito. Imposibleng magkagusto siya sa 'kin dahil parang wala namang interes sa mga babae 'yon. Kuntento na akong mapalapit sa kaniya't maging kaibigan niya." Her voice cracked.

She looked away and laughed but I know that she was just forcing herself.

"Ano ba 'yan, ang drama! Hayst, basta wala akong plano! I'd rather die, 'no!"

I felt how sadness enveloped my heart upon hearing her words. Even if she said that she's contented, I can feel that there's a part of her that is wanting to have more than that.

"Tsaka kung sino mang babae ang magugustuhan niya, support na support ko siya--"

Pareho kaming napatigil nang may namataan sa labas ng simbahan.

Si Caleb... at iyong maputing chinitang babae na malamig kung makitungo.

"Teka lang, Miss!" Sinundan ito ni Caleb at halata ang ngiti sa labi nito. A kind of smile that I haven't see before... like a smile of being in love. Lumingon ang chinitang babae at salubong na salubong ang kilay nito kaya nakakakabang tingnan.

"Ito oh, panyo." May inilahad si Caleb sa harap nito.

The furrowed brows of the girl vanished and was replaced with a very cold stare. "I don't need that. Hindi ko rin kailangan ang tulong mo." Sobrang tigas at lamig ng boses nito.

Nakita ko ang nang-aasar na tingin ni Caleb at 'di mawala-walang ngiti nang pumantay siya sa lakad ng babae. How can he bear talking to her? Kasi kapag ako... mapuputulan yata ng hininga dahil kung makatitig nang malamig ang babae ay tila nanghuhukay ng kaluluwa.

It was the first time that I saw a different and peculiar emotion on Caleb's eyes... an admiration.

Doon ko lang naalalang nasa tabi ko pala si Janelle dahil humigpit ang hawak nito sa aking braso. Lumingon ako at nag-aalala siyang tiningnan nang makita ang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata niya habang nakatingin sa dalawang naglalakad na papasok ng simbahan.

Painted by Fate (✔️)Where stories live. Discover now