"YOU SHOULD'VE come here with a little decency!" agad na sikmat ni Genaro pagkasarang-pagkasara ng pinto ng opisina.
    Imbes na kabahan ay cool na cool paring tingnan si Thalia. Na para bang ang sinabi ng lalaki'y maganda naman ang kanyang mga legs kaya hindi niya dapat ikahiya.
    "Are you listening to me, Miss Rodriguez?" untag nitong naroon parin Ang kunot sa noo.
    "Yes. Ano nga ba ang sinasabi mo?" maluwang ang ngiting tanong niya.
Nagtagumpay siyang inisin ito. At lihim siyang nasisiyahan sa nakikitang pagkabagot ng lalaki.
    "Just as I thought, you're going to give me a headache! Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko sa iyo."
    "Ikaw lang ang nagpapasakit sa ulo mo Genaro," aniya sa kaswal na tono. "I couldn't help it kung humanga ang mga tauhan mo sa akin. Bakit, kataka-taka ba yon?"
    "I'm just protecting you from them. At anong gusto mong mangyari? Magpatayan sila ng dahil sayo?"
    "Now that's exaggeration," nasusuya niyang sabi. "At bakit sila magpapatayan ng dahil lang sa pagsusuot ko ng lintik na micromini na ito? Masyado bang sex starved ang mga tauhan mo?"
    Sa isang saglit ay nakita ni Thalia sa mga mata ni Genaro ang kakaibang damdaming hindi niya malaman kung ano ang kahulugan. Then he moved closer. Hanggang sa halos magkadikit ang kanilang mga katawan.
    "Habang narito ka sa teretoryo ko ay susunod ka sa lahat ng aking kagustuhan, do you understand me?" saad ng lalaki na nakatitig sa kanyang mga mata.
    "What's wrong with my clothes? Masama na ba magsuot ng miniskirt ngayon?" kunwa'y nagulat pang sabi.
    "Everything about you is wrong, Thalia..." anito sa mababang tono.
    She could hardly speak sa lapit ng mukha nito sa mukha niya. At ang mabango-mainit na hininga nito ay nagpapaliyo sa kanyang pandama.
    "From your beautiful brown eyes to your delicious body..." patuloy nito at nagsimulang humaplos ang kamay sa kanyang braso. "I don't want a beautiful woman in my custody, habang sa labas ay naghihintay lang ng pagkakataon ang mga lobo.
    "I-I can take good care of myself," aniya ngunit maging sa sarili'y hindi kumbinsido.
    "You little witch!" bulalas nito at sa pagtataka niya'y hinawakan siya sa braso at iginiya palabas ng opisina. "Go now before I lose my head. I'll see you tomorrow."
    Animo natuod na nakatayo lamang soon si Thalia habang nakatuon ang mga mata sa pintong ini-lock ng lalaki. He slammed the door in her face!
    At talaga palang walang modo ang hudas, barabas, hestas na ito!
    Tumingin siya sa paligid at nakaramdam ng hiya ng makitang nakatingin sa kanya ang dalawang babaeng naroon. Na nang makita n
siyang nakatingin ay agad na ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
    Sa nangyari'y lalo lamang nagbangon ang galit niya kay Genaro. Sa ikalawang pagkakataon ay ipinahiya siya nito. At wala pang nanghiya sa kanya na nakaligtas sa kanyang paghihiganti!

"GOOD afternoon, Miss Rodriguez," nakangiting bati ni Aurora Tanjuatco, ang may-edad na biyudang may-ari ng old mansion na ikinomberte sa isang pension house.
    "Good afternoon, Mrs. Tanjuatco," tugon ng dalaga na agad nakagaanan ng loob ang matandang sa kabilas ng edad ay bakas pa rin ang kagandahan. Nakapusod ang buhok nito sa ituktok ng ulo. Mahaba ang damit na halos sumayad na sa sahig.
    "Aurora nalang, hija. Bata pa naman ako," anito sa pabirong tono. "Kahapon ko pa ipinahanda ang magiging kuwarto mo. There's a private bath and fireplace. The other best room in the house. The other one is being occupied by a relative. Kung gusto mo nga pala mananghalian ay magpapahanda ako sa kusinera...
    "I think I need some rest, busog pa naman ako. Can I use your telephone?" aniya na balak tawagan ang ama upang ipaalam na naroon na siya sa Baguio at si Mang Isidro ay patungo na sa airport. Pinag eroplano na niya ang matanda upang huwag ito masyado mapagod sa biyahe.
    "There's a telephone in my office. You can use it, hija."
    "Thanks Aurora."
    Iginiya siya ng matanda sa maliit na kuwartong nalilibot ng salamin at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang makapasok siya'y iniwan na siya nito at sinabing tatawagin ang utusang magdadala ng mga gamit niya sa kanyang kuwarto.
    Matapos maupo sa single sofa na nasa tabi ng teleponi ay agad niyang pinindot ang mga nunero sa private line sa opisina ng ama. Si Gracie ang nakasagot sa tawag niya at makaraang kamustahin nito ang kanyang biyahe ay ibinigay na ang telephone sa kanyang ama.

    "Well, what did you expect? He was so happy to see me," aniya ng itanong nito kung papano siya tinanggap ni Genaro. But she was sarcastic. Gayunman ay hindi niya sasabihin sa ama ang ginawa sa kanya ng lalaki.
    Matapos makumbinsi ang ama na wala itong dapat ipag-alala at nasa mabuti siyang kalagayan ay ibinaba na niya ang telepono at lumabas ng opisina.
    Naghihintay sa kanya sa waiting room si Aurora at nang makita siya'y tumayo na ito at sinamahan siya sa reserbadong kuwarto.
    It was a large room with a floor-to-ceiling window na natatakpan ng draperies na kulay-tsokolate. Nakaipon sa isang side ang draperies kaya malaya niyang napagmasdan ang garden sa labas kung saan sa gitna niyo ay may fountain.
    Sa itaas ng fireplace ay painting ng isang beach house. Kulay-krema ang pintura ng kuwarto na nag accentuate sa kulay-tsokolateng mattress at mga punda ng unan. Maging ang carpet na nakalatag sa sahig ay kulay-tsokolate.
    Malapad na kama at sa tabi nito'y ang antigong dressing table. Sa di-kalayuan ay ang pinto ng banyo.
    Pinabango ng nakasinding scented candles sa maliit na altar ang buong kuwarto.
    "If you need anything... anything at all, puntahan mo lang ako sa aking opisina. Kung wala ako roon, use the bell on the table to get my attention," sabi ni Aurora. "Dinner is served at seven. Deretsuhin mo lang ang hall-way sa kaliwa ng office at makikita mo na ang dining hall."
    "I'll do that," aniya at pagkatapos ay nagpaalam na ang babae. Nang mapag-isa'y muling iginala ni Thalia ang paningin sa loob ng kuwarto. Hindi na rin ito papahuli sa mga kuwarto ng hotel na napuntahan niya. At kaya ito ang pinili para sa kanya ni Gracie ay ito ang pinakamalapit na bahay-panuluyan sa minahan.
    Nang mapagtuunan niya ng pansin ang dalawang maleta sa ibaba ng kama ay saka lang niya naisip na mag-unpack. Nang matapos ay nagbabad siya sa bathtub upang i-relax ang katawan.

NAG-INAT si Thalia at tinatamad na bumangon nang makitang madilim na sa labas. Nang check-in niya ang oras sa relo ay nakita niyang alas-sais na ng gabi. Sa sobrang pagod ay halos tatlong oras din pala siyang nakatulog.
Nang makaramdam ng gutom ay naalala niyang malapit nang mag-ikapito. Malapit na ang hapunan.
    Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago tumayo at nagbihis ng slacks at sweatshirt. Sana'y siya sa napakalamig na aircon kaya hindi niya gaanong iniinda ang lamig ng lugar. Pangunahin ang klima sa dahilan kaya gusto niya ang Baguio.
    Paglabas ng kuwarto ay agad niyang narinig ang mahinang pipe-in classical music na nagmumula sa speaker sa kisame. Naisip niyang marahil ay mahihiligin sa musika si Aurora.
Paliko na sana siya sa pasilyo patungo sa dinning hall nang makabunggo niya ang kung sino. She was about to say "sorry" nang makilala ito.
    "Why, you're following me!" bulalas niya sa nagulat ding si Genaro. "Hanggang dito ba naman ay gusto mong makita kung nag-e-exercise ako ng decency?"
    "I'm not following you," kaswal na sabi ni Genaro.
    "Oh, yes you are!" aniya at pinamaywangan ito. "Talaga bang malakas ang radar mo o sinabi sayo ni Tita Gracie na dito ako tutuloy?"
    Bago nakasagot si Genaro ay inunahan niyang muli ito. "Maybe you're following me, huh?" aniya saka ngumiti ng nakakaloko.
    "Maybe you find me irresistible after all."
Mockery and disbelief ang nakita niyang bumakas sa mukha nito bago marahang napailing. He looked as if he was about to say something she he was cut by Aurora
    "Ah, there you are. I see you've met our new guest," anito na Kay Genaro nakatingin.
    "Magkakilala kayo?" takang-tanong niya sa babae.
    "Oh, yes, of course! He lives here habang nagtatrabaho siya sa GMC."
    "D-dito ka rin nanunuluyan?" hindi parin makapaniwalang sabi ni Thalia.
    "No. He doesn't have to pay, if that's what you mean.Siya ang kamag-anak na sinasabi kong umuukupa sa isa pang kuwarto na katulad ng sa iyo."
    Magkahalong panlulumo at pagkapahiya ang naramdaman ni Thalia sa natuklasan.
    Pagkapahiya dahil ipinagpalagay niyang attracted din sa kanya si Genaro at sinusundan siya nito. Panlulumo sa kaalamang makakasama niya sa iisang panuluyan ang lalaki, na sa kabila ng katotohanang ito talaga ang dahilan ng pag punta niya sa Baguio at hindi niya ito napaghandaan.
    "Halina nga kayong dalawa at ituloy na lang natin ang kuwentuhan sa komedor. Ipapahanda ko na ang hapunan since narito na kayong dalawa. Anyway, ang mag-asawang okupante sa isang kuwarto ay nagpaalam na hindi na dito mag hahapunan."
    Hinawakan ni Aurora sa kamay si Thalia kaya hindi na nakatanggi pa ang dalaga. Napabuntong-hininga na lamang siya at naisip na hindi siya kailangang maapektuhan ng presensya ni Genaro sa mga oras na iyon.

GENAROWhere stories live. Discover now