KABANATA 1

24 7 1
                                    

Si Lucianna ay abala sa pag aayos ng mga bulalak na binibenta nila. Pinangalangan ito ng ‘Florianna's Flowershop’ na pag aari ng kanyang kinikilalang ina. Katulong siya ng mga kinilalang pamilya sa pagpapalago ng flowershop nila.

Habang abala siya sa pagchicheck ng orders. Biglang may pumasok na naka all black coat na lalaki.

"Flowers for Sir Kai." wika ng lalaki.

Nang banggitin nito ang pangalan na 'Kai'. Dali dali niyang inabot rito ang flowers na palaging inoorder sa kanila ng nagngangalang 'Kai'.

Naging suki na nila ito. Kada buwan ay bumibili ito ng bulaklak sa kanila. Kung para saan ito ay hindi niya alam. At ang nakakapagtaka ay hindi niya pa nakikita ang mukha ng suki nila. Oo nga at kilala niya ang pangalan nito pero hindi ang mukha nito. Palagi kasing may isang taong kumukuha lang ng bulaklak sa ika 27 araw kada buwan.

"Anak, okay na ba ang mga orders?" tanong ni Mang Ricardo— ang kanyang kinikilalang ama.

"Opo, 'tay." nakangiti niyang tugon.

Si Mang Ricardo ay siyang nagdedeliver ng mga bulaklak sa mga nag oorder sa kanila. Habang si Aling Flor naman ang taga check ng mga order. Pero ngayon ay si Lucianna ang nagchecheck ng orders dahil may linakad na importante si Aling Flor. Si Lucianna naman ang taga ayos ng mga bulaklak at taga design. Sa awa ng diyos ay naitataguyod naman nila ng mabuti ang kanilang Flowershop.

HABANG NAGHAHAPUNAN ay nagkwekwentuhan silang tatlo. Walang anak sina Mang Ricardo at Aling Flor kaya nag ampon sila. Sakto namang walang wala si Lucianna sa panahong iyun kaya inampon siya ng mag asawa. Mang Ricardo and Aling Flor considered her as their true daughter. Kahit hindi ang mga ito mayaman at hindi naibibigay ang mga bagay na gusto niya. Pero binibigay naman ng mga ito ang mga kailangan niya lalo na nung nag aaral pa siya. Lubos siyang nagpapasalamat sa diyos dahil binigyan siya nito ng ganitong mga magulang na mapagmahal at maalaga. Kaya pinapangako niya sa sarili na susuklian niya ang lahat ng mabuting ginawa ni Mang Ricardo and Aling Flor.

Pagkatapos nilang kumain ay siya ang naghugas ng pinagkainan nila. Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na siyang maghugas. Nagpaalam siya kina Mang Ricardo and Aling Flor na nasa sala nanonood ng T.V na matutulog na siya.

"Nay, Tay. Akyat na ho ako sa kwarto." paalam niya sa mga ito. Hinalikan niya ang mga ito sa  pisngi.

KINABUKASAN maaga siyang nagising. Araw ng linggo ngayon. Palagi silang nagsisimba at kumakain sa labas kasama sina Mang Ricardo at Aling Flor.

"Lucianna, bumaba kana jan!" sigaw ni Mang Ricardo mula sa baba.

Agad naman niyang nilock ang kanyang kwarto at bumaba na. Nakita niya sina Mang Ricardo at Aling Flor na nakaupo sa sala, naghihintay sa kanya.

"Tara na po, 'nay, 'tay." aya niya.

Sumakay na sila sa kanilang tricycle na pinagmamanehuan ni Mang Ricardo.

The second mass is at 9:00 am. It was 8:30 am when they arrived at the church. Kaya sa unahan sila pumwesto para maayos na pakinggan ang sasabihin ng pari.

Maya maya ay nagsimula na nga ang misa. Mas dumami ang mga taong nagsisimba na ikinatuwa naman ng pari.

Maraming mga payo ang pari at sinabi lalo na tungkol sa pamilya.

Nang matapos ang misa ay diretso sila sa paborito nilang kinakainan na Japanese Restaurant.Habang naghihintay ng order nila ay kung saan saan naglakbay ang isip niya.

Ang iba na mga kaedad niya ay mga barkada nito ang mga kasama. Nawawalan na ng oras sa pamilya at yung iba pa nga ay humihiwalay na sa pamilya. At hindi niya iyun gagayahin, malaki ang utang na loob niya sa mga magulang niya ngayon. Pinalaki siya simula walo anyos. Inaalagaan at pinag aral ng mabuti. Hindi niya sila ipagpapalit kahit kanino. Mahal na mahal niya ang mga ito.

Nang dumating na ang kanilang order ay nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan sila kung saan sila susunod pupunta pagkatapos kumain.

"Mall tayo." suggested Mang Ricardo.

Napatango naman si Aling Flor bilang pagpayag.

Napatingin si Lucianna sa mga ito. Sigurado siyang bibilhan na naman siya ng mga ito ng mga damit.

"Nay, Tay. Bibilhan na naman po ninyo ako ng mga damit noh?" tanong niya sa mga ito.

Natahimik ang dalawa.

"Nay, Tay. Hindi na po ako bata. Yung pera na ibibili niyo ng mga damit para sa akin. Gamitin niyo nalang po sa mga gastusin sa bahay." nakangiti niyang sabi.

Naiiyak naman si Aling Flor dahil sa mga sinabi niya. "Dalaga kana talaga anak." wika ni Aling Flor.

"Nay, 26 anyos na ho ako haha." natatawang wika ni Lucianna.

"26 anyos ka na nga pero baby ka pa rin namin ng nanay mo." malambing na sabi ni Mang Ricardo.

"Tatay naman." na touch siya sa sinabi nito.

Pagkatapos kumain ay pumunta sila sa plaza para magpahangin. Habang sina Mang Ricardo at Aling Flor ay nakaupo sa may bench, nag uusap. Si Lucianna naman ay inoobserbahan ang paligid.

Clean surroundings. Dancing trees. Fresh air. The children are playing. People's happy and their faces are full of hope.

Habang patingin tingin sa paligid ay may nakita siyang pamilyar na mukha. Nang makita siya nito, agad siya nitong kinawayan.

"Oliver." sambit niya nang nasa harapan na niya ito.

Oliver was one of her classmates in college.

"Lucianna, musta?" nakangiti nitong wika.

"Ayos naman, ikaw?" tugon niya na may ngiti sa mga labi.

"Ok naman. Meron na akong trabaho." masayang balita nito.

"Talaga? Saan ka nagtratrabaho?" tanong ni Lucianna.

"Sa Devilles Company." sagot nito.

"Wow, that's one of the big companies here in the Philippines, right?" mangha ni Lucianna.

Natawa naman si Oliver sa reaksyon nito.

Oliver stopped when he remembered something, "Uhm, maybe you want to work at Devilles Company too? My boss is looking for a PA slash Secretary because his secretary left for some reason. If you're interested, you can apply at Devilles Company on Monday." nakangiti nitong wika at may ibinibigay na papel para sa mga impormasyon.

Nanlaki ang mga mata ni Lucianna, "Oh, thank you so much talaga, Oliver!" pasasalamat niya at tinanggap ito.

"Walang anuman. Alright, I'm leaving. May importante pa kase akong pupuntahan. Nice to see you again, Lucianna." paalam nito.

Napatingin si Lucianna sa mga magulang na masayang nagkwekwentuhan. Papayag ba ang mga ito sa pagtratrabaho niya sa Devilles Company?

^_^

Protecting the Criminal's Daughter (Daughter Duology #1)Where stories live. Discover now