01

5.2K 153 11
                                        

July 

"You listen to me. You're here for work, not for games, not for pleasure, not for sex and not for bad decisions. I want you to bitch the hell out of your aura and show them that you earn this spot. Remove that fake persona and be real with it. You're not a freak, you're not miserable, and you're not a trans because you're a real fucking woman. So own it and be a woman! Got it?"

"Got it!" She replied, taking a record in her head of every single word I said.

"Who are you again?" I asked her again, full of enthusiasm.

"Just call me Honey!" She shrieks, screaming her name.

Mabuti nalang at cool ang aming driver na binook ko papunta sa venue ngayon ng party kung saan ako naimbitahan. Kanina pa kami nagsisigawan ni Honey sa passenger seat para lan ma-boost ko ang confidence niya sa gabing ito.

"Idura mo na 'yang teeth whitening strip sa bunganga mo, baka malunok mo pa 'yan." Sabay abot ko sa kanya ng wipes at tissue dahil nasa harapan na kami mismo ng village gate.

Inabot ng driver ang kaniyang ID sa guard sa harapan at ang nasa likuran ng sasakyan ay inilawan kami ng flashlight.

"Ma'am saan po ang punta niyo?" Tanong nito sa amin matapos ibaba ng driver ang salamin sa bintana.

I caught quickly how the guard isn't looking at our faces, instead he's looking at Honey's chest. Manyak.

"Xiu's mansion, we're here for the party," naka-ready na sa phone ko ang e-invite na sinend sa akin last week pa.

"Patinging nalang din po ng ID niyo." Utos niya. Nang maiabot ko sa kaniya ang IDs namin ni Honey, naging parang tigre ang kaninang maamong mukha niya. "Ay kala ko mga babae," tawanan nila ng guard sa harapan.

"Excuse me, okay na ba?" Nangangati ang pwetan ko na tumayo at lumabas para ako na mismo ang humablot sa ID namin.

"Sir Alex, wala po sa invitation 'yung pangalan ng kasama niyo..." nagpipigil ito ng tawa.

I didn't want my anger to ruin this night, so remained composed, ignored how they are treating me like men, and dialed someone from my contacts.

"Hi, Theon, we're here na sa guard house near your gate. It seems like they didn't want us to come to your party." I pouted like a baby, making sure the two guards saw my face.

[What the fuck? Put it on my loud speaker and me the phone to them!] He's shouting both for the reason of his anger and the loud music in his background.

"Theon Xiu wants to talk to you—" iniabot ko ulit ang phone ko sa kanila. Kung kanina ay ang lalakas ng loob nilang magtawanan, ngayon ay nagtuturuan pa sila kung sino ang sasagot sa tawag.

"Hi Sir Theon, okay na po, kino-confirm ang namin for security—"

[Mga kupal talaga kayo eh 'no? I was very specific that you let my guests in! Just wait 'til my dad hears about this—]

I was side-eyeing Honey the whole time, trying not to laugh. Hindi ko alam kung 'yung mga guards ba ang tatawanan ko o si Theon na nag-aalburoto.

"Ay nako Sir, okay na po, all goods na po kami here, papunta na po sila diyan—" agarang inabot ng lalaki ang phone sa akin at bago pa umandar ang sasakyan, nagawa ko pa silang titigan.

"Oh and by the way, it's Miss Lexi!" I said, giving them the sweetest smile while Honey throws them flying kisses and giggling.

When we reached the main gate, akala ko ay papasok kami sa isang resort or private villa, ang laki nga pala talaga ng mansion. Pagbaba namin ng sa harapan mismo ng porch ng unang bahay, I made sure that everything is all set for Honey.

Solstice FantasyStories to obsess over. Discover now