432128

1.1K 74 75
                                    

"Karen, 432128" Iyan ang lagi niyang sinasabi sa'kin tuwing uwian.

Tiningan ko lang siya at saka inirapan tulad ng lagi kong ginagawa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit dikit siya nang dikit sa akin.

Mag-aapat na taon ko na siyang kaklase. At sa loob ng taong iyon, palagi ko siyang pinagtutulakan sa iba. Napaka-clingy kasi niya at napaka-bolero pa.

Gustuhin ko man o hindi, parati kaming sabay pumapasok at umuuwi dahil magkalapit ang bahay namin. Minsan nga, naisipan kong magpa-late ng pasok para hindi ko siya makasabay, pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng gate namin, nandoon siya sa labas, naghihintay.

Kahit walang okasyon ay binibigyan niya ako ng apat na maliliit na piraso ng chocolate bar. Dahil sa ginagawa niya parati kaming tinutukso at napagkakamalang may relasyon kaya naman walang ibang naglalakas ng loob na ligawan ako.

Noong una naiirita ako, di ko naman kasi siya kilala ng lubos. Hanggang sa pinabayaan ko na lang at tinanggap na kahit kalian, hindi ako makakalayo sa matalino ngunit maingay, singkit, matangkad, moreno, kaklase at kapit-bahay kong si Milo.

Inisip ko na lang, malapit na kaming magtapos sa high school at kalaunan, lilipas din ang mga kalokohan niya. Baka nga isang araw, magising siya sa katotohanang hindi nakakatuwa ang mga ginagawa niya-na nakakasagabal na siya.

***

November 21 nang ligawan ako ni Bryan. Tatlong araw lang ang nakalipas ay sinagot ko na siya. Hindi na ako nagpa-hard to get pa dahil matagal ko na siyang crush.

Tatlumpung minuto na lamang ay magpapasko na kaya naman puno ng galak at pananabik kong kinuha ang cellphone ko nang nag-ring ito sa pagbabakasakaling si Bryan ang tumatawag, ngunit agad din itong napawi nang napag-alaman kong hindi siya.

Nalungkot ako. Mula kasi nang nakalabas kami sa condo ni Bryan ay hindi pa ito nagpaparamdam.

Masakit na nga ang damdamin ko, masakit pa sa pagkababae ko. Oo, ibinigay ko kahapon kay Bryan ang buong pagkatao ko. Gan'on ko siya kamahal. Handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Lahat ng hingiin niya ay ibibigay ko kaagad tulad na lang noong sinabi niya na gusto daw niyang 'S. O.' muna kami. Secret on. Labag man sa loob ay pumayag ako.

Pumayag akong itago ang tunay na relasyon namin sa likod ng maraming tao at ginamit namin si Milo para hindi kami mabuking. Noong una nakokonsensya ako sa pagpayag, subalit katagalan nakasanayan ko na rin.

Maganda ang reputasyon ni Bryan sa school dahil isa itong tanyag na varsity player. Maputi, matangos ang ilong at malakas ang appeal nito at halos lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Bilang girlfriend, hindi ko maiwasang 'di magselos, pero kada magseselos ako, iniisip ko siya. Baka kasi mas lumala lang ang sitwasyon kung paiiralin ko ang pagiging selosa ko.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luhang matagal ko ng pinipigilang bumagsak. Ang sakit. Parang ikinahihiya niya kung ano ang mayroon kami. Muling umagos ang mainit na likido sa aking mukha, subalit nagulat ako nang may nagpunas dito--- si Milo.

Tinanong ko kung anong ginagawa niya sa kwarto ko gayong nakasarado ito. Hindi ko kasi ugaling iwanang bukas ang pinto. Hindi niya ako sinagot sa halip ay binitawan niya ang mga katagang hindi ko inaasahang manggagaling mismo sa kanya.

"Iyak na. Alam ko kailangan mo ko"

Nang mga panahon na iyon, naging traydor ang mga luha ko dahil kahit gaano kalakas ang sigaw ko na hindi ko siya kailangan ay kusa itong bumagsak, lalo na noong niyakap niya ako. Napagtanto ko na tama siya. Ilang beses ko mang sabihing walang kwenta si Milo para sa akin, alam ng puso ko na hindi ito totoo.

432128 (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon