Naramdaman ko ang paglapag at pag-ayos ng higa sa'kin ni Draven sa kaniyang kama, matapos naming makarating sa unit niya. "Just how much did you drink, Miss?"

My lips twitched as I held the bridge of my nose. "I don't know..."

"Inom pa!" He flicked his tongue, "Inom lang nang inom!" nakapamewang na pangaral niya sa'kin, habang nakatayo pa rin sa gilid ng kinahihigaan ko.

"Shut up." My eyes rolled at him, despite my aching head, before I raised my arms up.

Dahil sa ginagawa ko ay kaagad nawala ang simangot sa kaniyang mukha. He didn't even try his best to stop himself from grinning. From there, seconds later, I felt the mattress sinking as he sat down. Kusa niyang niyakap ang magkabilang braso ko sa leeg niya at tinanggal ang mga hibla ng buhok na tumabon sa aking mukha.

He began pointing at my cheeks with his index finger, "Kailangan mo ba ng yakapsul at kisspirin ko, Miss?" malambing na tanong niya.

My eyes were squinted after I opened them. Ngumiti ako nang tipid sakanya at tumango. "Kung libre sana..."

His nose scrunched before I felt him kissing my entire face after that. Mas lalo niya ring hinigpitan ang pagkakayapos ko sakanya bago siya sumiksik sa pagitan ng aking mga hita, para mas magdikit kaming dalawa.

From then on, we just cuddled and rested until the both of us had our energy back, especially me. Dapat ay aalis na kami sa mga oras na 'yon, dahil hapon na, pero biglang bumuhos ang malakas na ulan, na sinamahan pa ng tuloy-tuloy na pagkidlat at pagkulog, bago pa man kami makalabas ng unit niya. Our silk paired pajamas are still perfectly aligned with our situation, though.

I went nearer to his wall and opened the curtains, "What should we do? We're supposed to go camping, right?" tanong ko habang tinatanaw ang mga patak ng ulan na dumudulas pababa ng bintana.

"Pwede pa rin naman." That's what he said, which made me look at him.

I opened my phone and showed Draven the weather news. "There's a sudden storm. Gusto mo bang tangayin lahat ng gamit natin? Pa'no kapag binaha tayo sa loob ng tent habang natutulog, ah?"

He only smiled and winked at me in return before moving his coffee table and couch away from the center. Ang mga hinanda niyang bagahe para sana sa pag-alis namin ay isa-isa niyang binuklat at inayos sa harapan ko matapos no'n.

My lips parted. "Don't tell me..?"

"Kagaya ng sabi ko, pwede pa rin naman, eh. Kahit dito na lang tayo." He glanced at me, "The only thing that matters is that we're together, right?" saad niya bago inumpisahan na ayusin ang tent namin.

Hindi ko na namalayan ang ngiti na umusbong sa aking bibig dahil do'n. Kaagad akong lumapit sakanya at tinulungan siya sa kaniyang ginagawa. Mula sa pagtayo ng tutulugan namin, paglagay ng mga unan, kumot, at sapin, hanggang sa mga gamit namin sa loob at sa labas.

"What are you doing there?" I asked as I peeked at him from inside the tent when I heard a clanking sound of steel and fabric.

Lumingon siya sa'kin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Ang malaking flat screen ay tinabunan niya na ngayon ng malaking puting tela na may mga bakal sa bawat gilid nito, maging sa likod na nagsisilbing paa para tumayo nang maayos.

My eyes widened after realizing what it was. Napalabas ako mula sa loob ng tent at kinuha ang projector na nahagip ng mga mata ko. "How come I didn't know about this?"

He shrugged his shoulders before taking it from me, "Pa'no magiging surprise 'yon kung alam mo?" saad niya bago ayusin 'yon sa harapan ng puting tela. 

I clasped my hands, "We'll watch a movie? Is this a movie night..? Anong papanoorin natin?" sunod-sunod na tanong ko naman ngayon.

After he was done arranging it, Draven lent me the remote and made me sit down on one of our summer chairs, which were in front of the foldable table. May mga iba't ibang pagkain naka nakapatong do'n para sa'ming dalawa na sinimulan ko namang buksan at ayusin sa harapan namin.

The Secluded Trails of Deceit [ Ruler of Fate Series #1 ] UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now