Kabanata 12

23 3 0
                                    

"Ganito ba?"

"Oo, uhm diresyong tingin sa harap."

Napalunok ako nung muling magsalubong ang tingin namin pero agad rin akong umiwas.

Nag focus nalang ako sa pag-mi-mix ng mga kulay. Huminga muna ako ng malalim bago ulit tumingin sa kaniya.

Diretso siyang nakatingin sa akin; Pinagmamasdan ko muna ang mukha niya, inaral ko ang bawat anggulo, at bawat sulat para hindi ako magkamali kapag sinimulan ko na ang pagpipinta.

"Kailan ka pa natutong mag-pinta?"

Nag-angat ako ng tingin, pareho sila nang tinanong ni Ina. Kailan nga ba ako natutong mag-pinta? alam ko kasi similar bata palang ako hilig ko na ang pag-d-drawing tapos lagi pa ako binibili ni Papa ng mga art materials.

"Simula pagkabata ko," simple kong sagot.

Wala na naman akong nararamdaman awkwardness sa kaniya, hindi nga lang mawala sa isip ko ang sinabi niya. Pero kailangan namin magkatuluyan ni Julio dahil kasama 'yon sa kwento. Paano ko nalang malalaman kung paano namatay si Esteria kung hindi ko magiging boyfriend si Julio. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan! Aakitin ko na ba siya? Uhm liligawan niya ba ako? Hayst, Christina! Hindi dapat ganuon. Baka mapahiya lang ako. Siguro naging sila dahil nakatadhana? Pero hindi naman kasi ako si Esteria, baka pumalpak.

Wala na ulit nagbalak magsalita sa aming dalawa kaya sinimulan ko na Ang pagpipinta, ilang beses na akong nakapag guhit ng mukha ng iba't ibang tao kaya hindi naman ako ganuong nahirapan.

He fiercely looking straight at me. Parang nanuyo ang lalamunan ko kada magsasalubong ang mga tingin namin. Winaksi ko nalang ang aking iniisip at mas nag focus sa aking ginagawa.

Kahit na hindi naman ganuon kainit sa loob ng library ay parang pinagpapawisan parin ako sa liit ng espasyo naming dalawa.

Lumipas ang isang oras pero ang tunog lang nang pagpipinta ko at huni ng mga ibon ang rinig. Wala paring nagsasalita sa amin na kinatuwa ko dahil baka kapag may tinanong siya o sabihin ay matameme na naman ako. Sa sobrang tahimik rinig ko narin ang sarili kong heart beat it's so damn fast.

Lintek na puso ang meron si Esteria.

"Nakakabinging katahimikan,"

Napalingon ako kay Julio dahil sa biglan pagsasalita niya. I cleared my throat. Matatapos na kasi ako pero wala paring nagsasalita sa aming dalawa.

"A-Ah! Matatapos na ako. K-Konti na lang," peke pa akong natawa para naman hindi niya isiping kinakabahan ako.

"May nobyo kana?"

Muling nag-angat ang tingin ko sa kaniya, parang nagdadalawang isip pa siya sa tanong niya dahil bigla siyang nag-iwas ng tingin at bumalik ulit sa akin ang seryoso niyang mukha.

"H-Huh? Wala! H-Hindi pa ako nagkaroon 'no!" Parang napaka defensive ng aking sinagot pero hindi ko naman napigilan ang bibig ko para sabihin 'yon.

Bakit ba kasi 'yon ang tinanong niya, eh kung tanungin nalang niya ako kung pwede maging kami. . . para a-ano!  sa misyon ko!

"Mabuti naman kung ganoon. . ."

Parang sa hangin lang niya pinarinig ang kaniyang sinabi.

"Bakit mo naman kasi natanong?" Hindi ko maiwasang itanong 'yon habang pingpapatuloy ko ang pagpipinta sa kaniya.

Saglit ko siyang tinignan, his lips part a bit. Parang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

Anak ng shit ka naman kasi! Ikaw may kasalanan niyan.

"Masama bang magtanong?"

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa. Hindi ko alam kung maagang na menopause 'tong si Julio, minsan mabait, madalas masungit. Iba iba ugali niya! Sarap ibalik sa tiyan ng Ina niya.

"Tapos ko na, pwede mo nang tignan para masabi mo sa 'kin kung may kulang pa."

"Maganda na,"

"Ay kabayo ka!" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.

Nag-angat siya ng tingin kaya nagkasalubong ang mata namin. Hindi ko manlang naramdaman na naglakad na siya papunta sa puwesto ko at sa likod ko pa talaga! Kung hindi lang ako nakailag agad kanina baka nahalikan ko na Ang mapula niyang labi!

"Nagustuhan ko," ani niya na para bang hindi ako nagulat sa presensiya niya. "Gustong gusto ko."

Kinabukasan ang pag-a-alboroto ni Julia ang sumalubong sa 'kin, nagpapakuha siya ng mangga na hilaw dahil ayon raw ang gusto niya. May regla kasi siya ngayon, sinabi ko naman na hindi pwede ang mangga dahil maasim pa ang gusto niya. Pero talagang mapilit ang bilang taga-silbi niya sa panahon na 'to, wala akong magagawa kung hindi sundin siya.

Pero hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng mangga, wala namang tanim na puno ng mangga sa Hardin nila. Hinihanap ko nga si Ina para magpatulong pero sabi sa akin ng isang taga-silbi na kasama ito ni Don. Fernando.

"May hinahanap ka ba?"

"Ay kalabaw ka!" Putangina oh talaga.

Ayan sige, kape pa.

"Bakit ka ba nang-gugulat?! Umagang umaga e!" Bulyaw ko kay Julio na nakasakay ngayon sa kabayo niyang kulay puti.

"Hindi ako nang-gugulat, nag-tanong lang ako. Magkaiba 'yon."

Ay aba! Pilosopo ampota.

Umirap nalang ako sa hangin. Pero baka alam niya kung saan makakakuha ng mangga na gusto ni Julia.

"May hinahanap ako,"

"Sino?"

Kumunot ang noo ko. "Anong sino? Mangga hinahanap ko hindi tao."

Nag-iwas siya ng tingin bago tumikhim.

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya at kung paano siya bumaba sa kabayo bago himasin ang ulo nito.

"May buwanang dalawa siya, hindi ba? Alam ko kung ano at nasaan ang gusto niyang mangga." Ani niya.

Napangiti ako at napatango.

"Mabuti naman! Ituro mo sa 'kin,"

"Sasamahan kita,"

Napataas ang kilay ko. "Oy! Hindi na kaya ko mag-isa! Turo mo nalang."

Nag taingang kawali siya at naglakad na palabas ng mansyon.

Napabuga ako ng hangin, ito na siguro 'yon. Pwede bang mag back out, hindi ko pa keri ma-fall kay Julio!

"Kukuha na ba ako ng marami?" Tanong ko sa kaniya.

May hawak akong panungkit, at nandito na kami sa likod ng mansyon. Pag-ma-mayari parin nila ang puwesto na 'to. Madami naman nga silang lupa na pag-ma-mayari sa lugar namin. Kaya hanggang sa hinaharap pamilyar sa akin ang pamilyang Fernando.

"Mga limang piraso," simpleng sagot niya habang nilalagay sa basket ang mga nakuha namin. Medyo nalagyan ng dakta ang saya ko.

Napanguso ako.

"Ayos na 'to, tara na balik na tayo." Aya ko.

"Sandali lamang."

Napatingin ako sa kaniya, bitbit niya sa kaliwang kamay ang basket habang papalapit sa puwesto ko. Huminto siya sa aking harapan.

Gumalaw ang kamay niya papunta sa mukha ko at marahan itong hinimas. Parang nagdaluyan bigla ang dugo ko sa aking ulo, tiyak na mapulang mapula na Ang mukha ko ngayon.

Inipit niya sa tainga ko ang mga buhok na naiwan sa aking pisnge.

"May gusto pa akong ipinta mo," seryoso aniya.

"S-Sige, a-ano ba. . . yon?" Hindi na ako sigurado sa mga lumabas sa bibig ko.

"Parehong posisyon, parehong puwesto, parehong pagkakataon, oras, at lugar. Gusto ko ang susunod mong ipipinta ay ikaw at ako, tayong dalawa. . . magkasama." Aniya. "Hihintayin ko 'yon, Esteria."


---
@yellowbei

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Museum Of HistoryWhere stories live. Discover now