CHAPTER 28

2 0 0
                                    

Irazhel's POV

Naikwento sa akin ni manang at Cahiro ang nangyari sa akin nung isang araw, hindi ko naman akalain na ganon pala kalala ang aking nagawa. Ang natatandaan ko lamang kasi non ay para bang may ibang kumukontrol sa aking katawan at mayroong napakalakas na uri ng kapangyarihan ang nadaloy sa akin. Ngayon naman ay mayroong pinapainom si manang sa akin na gamot raw upang hindi na maulit ang nangyari non.

At simula rin nung araw na yon ay palagi ng umiiwas sila Sandro sa akin pati narin ang ibang bata ay tila ba'y takot lumapit sa akin na kala mo ay mayroon akong nakakahawang sakit. Sa ngayon sila Hiro, Aris, Finn, at Azi na lang ang di takot na hawakan at lapitan ako, sila Langris naman ay hindi alam ang tungkol rito. Maski si Archeous.

"Oh inumin na ulit ito Zhel." Sabi sa akin ni manang sabay abot sa akin nung tubig na may inihalong gamot.

"Salamat po manang." Tugon ko sabay lagok naman sa inumin na kaniyang binigay sa akin.

"Pasensya kana ha..." malungkot niyang sab isa akin, napakunot naman ako ng aking noo dahil roon.

"Bakit naman po kayo nahingi ng pasensya manang?"

"Kasi...nararanasan mo ang nararanasan mo ngayon, malamang ay iniisip mong isa kang panganib rito dahil sa nangyari nung isang araw." Malungkot niyang saad sa akin.

"Di ko naman po iniisip yon manang eh, kasi nandyan pa naman po sila Hiro di po sila takot sa akin, yon lamang po ay ayos na. Saka di ko naman po sila kailangang pilitin na di matakot o tanggapin nila ako." Sagot ko sakinaya ng nakangiti.

Aaminin ko malungkot ako sa ginagawang paglayo sa akin ng iba rito pero di ko naman sila masisisi dahil maski ako ay natatakot sa sarili ko, natatakot ako kung ano pa ang kaya kong gawin baka nga sa susunod ay kahit sila Hiro ay di ko makilala kapag naulit ulit yon.

"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa ni Hiro, maging ano man kayo." Naka-ngiti niyang turan sa akin na akin din namang ikinangti, niyakap ko siya naman siya ng mahigpit at hinalikan naman niya ang aking pisngi.

Archeous' POV

Narito ako sa madalas naming tambayan ngayon, nakatayo. Inaalala ang aming pangako sa isa't isa habang nakatanaw sa buwan.

"Seryoso ka yata ngayon?" wika ni Langris, nang lingunin ko ito ay nakita kong kasama pala niya si Xanth.

"May problema ka ba?" tanong ni Langris sa akin habang naglalakad sila papalapit sa akin.

"Oo....Malaki.....Malaking problema." sabi ko naman sakaniya.

"Ano naman yon? Sabihin mo lang dahil baka matulungan kita o namin."

"Tutulungan mo ako?"

"Oo naman!"

"Tutulungan mo akong patayin sila Zhel at Hiro?" seryoso kong tanong sa kaniya habang seryoso ring nakatingin sag into niyang mga mata, upang iparating na hindi ako nagbibiro. Dahil naman sa aking sinabi ay natigilan sila hindi nila alam kung anong sasabihin.

"P-paanong papatayin mo sila?!" may bahid ng inis na tanong ni Langris sa akin at hinawakan ang aking kwelyo.

"Nasisirian ka na ba ng ulo ha?! Bakit mo sila papatayin?! Hindi to magandang biro Archeous!" sigaw niya sa akin.

"Tama na!" awat sakaniya ni xanth.

"Bitawan mo ko Xanth!"

"Di mo naman siya kailangang saktan kasi! Hayaan mo muna siyang magpaliwanag!"

"Pakinggan mo muna siya!" dagdag pa ni Xanth na medyo ikinakalma naman ni Langris, marahas naman niyang binitawan ang kwelyo ko.

"Nung isang araw, nagkaroon daw ng kaguluhan roon sa ampunan at saksi roon ang dalawang reyna at isang babaylan. Sangkot roon si Irazhel, muntik na niyang mapatay si Landro ngunit ibang iba ang itsura ni Irazhel sa normal nitong itsura. Matutulis na ngipin, itim na mga ugat na nasa kaniyang leeg patungo sa pisngi, at itiman ang paligid ng kaniyang mata at pula naman ang kulay nung kaniyang mismong mata, at di lamang iyon mayroon siyang kapangyarihan na di pang karaniwan. At iyon ang itim na mahika." Mahaba kong paliwanag sakanila, Nawala naman na ang galit sa mga mata ni Langris at napalitan ng lungkot.

"P-pero ano naman ang kay hiro? Ganon rin?" tanong niya sa akin, tumango naman ako rito.

"Pero saan naman niya iyon namana? O nakuha?" tanong pa niya.

"Ang alam ko ay nabanggit ito ng Reyna kay ama, kinuwento ni ama sa akin ang tungkol sa propesiya. Mayroon daw mga bata na may dala dalang sakuna na maaring ikamatay ng lahat ng nilalang sa mundo, immortal man o mortal, ang sanhi naman nito ay dahil daw sa isang napakadelikado at di pangkaraniwang kapangyarihan daw." Paliwanag ni Xanth.

"At ang itim na mahika ay di namamana o nakukuha sa kung saan man sa mga katulad natin, pagkakaalam ko ay mayroon itong kinalaman sa pakikipagkasundo sa mga demonyo at nangangailangan ito ng ritual. Ang hula ko ay bago mapunta sa ampunan sila Zhel at Hiro ay isinailalim sila sa ritual." Dagdag pa niya.

"Sino naman kayang walang hiyang magulang ang gagawa non sa sarili nilang mga anak?!" galit na wika ni Langris.

"Ang mga Haragan lamang ang alam kong sumasailalim sa ganiyang mga ritual para lamang mapalakas ang kapangyarihan, pero ang alam ko ay minsan lamang gumana ang ritual na iyon dahil mapili ang mga demonyo sa mga pagbibigyan nila ng kapangyarihang ganoong kalakas. At isa roon sila Zhel at Hiro." Imporma niya sa amin.

"Kung ganon ay Haragan ang mga magulang nila?" tanong ko kay Xanth, tumango naman ito sa akin bilang tugon.

"Bakit naman sila pa kasi!" galit na sigaw ni Langris, sino ba naman kasing di magagalit sa ganon.

"Pero ano ang iyong desisyon Archeous? Ano ang pipiliin mo buhay ng dalawang magkaibang mundo o buhay nila Zhel at Hiro?" tanong sa akin ni Langris.

"H-hindi ko alam..." garalgal kong sagot sa kaniya, niyakap naman nila ko ng mahigpit. Tumulo na aking mga luha sa mata dahil sa pag-iisip ng desisyon, pag-iisip kung kaya ko bang iligtas ang mundo o sila, pag-iisip kung tam aba ang aking magiging desisyon kung sila ba ang aking pipiliin o ano. Pagod na pagod na ako magisip ng mg aparaan kung paano ko ba sila ililigtas, ayoko na. pagod na ang isip at katawan ko.

"Shhh...isipin mo na lamang kung ano ba ang tama at kung ano mas ikabubuti ng lahat at kung ano ang ikabubuti nila. Isipin mo kung hahayaan mo silang mabuhay ay kung magiging masaya ba sila o hindi. Isipin mong mabuti Archeous." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Langris.

"Basta kahit na anong desisyon mo rerespetuhin namin at di ka namin huhusgahan." Sabi rin naman ni Xanth sa akin, pero di pa rin ako makapag desisyon.

"A-ayokong magalit sila sa akin...ayokong p-patayin sila...a-ayoko rin namang masawi ang lahat dahil lamang sa m-mali kong desisyon..."

"P-pagod na ko Langris...a-ayoko na mag-isip kung ano ba dapat an gagawin k-ko...g-gusto ko na lamang na bumalik sa d-dati y-yung masaya lang kami...tayo..."

"Mag-pahinga ka muna samin kahit saglit lang Arche, huwag yung ganiyan." Sabi ni Langris sa akin.

"Kapag tapos ka na, pwede ka ng makapag-desisyon ng maayos." Dagdag pa ni Xanth.

"P-pero sabi nung babylan ay kailangan na raw ang desisyon ko—"

"Sus! Wag ka makinig sa gagong yon! Hayaan mong magproseso ng maayos ang utak at isip mo para naman hindi mo pagsisihan ang magiging desisyon mo." Putol ni Lnagris sa aking sinsabi.

"Nga naman, wag mong itindihan yon! Tanga ang tawag don! Bobo!" gatong pa ni Xanth sa sinabi ni Langris.

Makalipas ang ilang oras ng aking pagpapahinga ng isipan ay nakapag-desisyon na ako.

"Nakapagdesisyon na ako..." sabi ko sa dalawa na kasama ko pa rin dito hanggang ngayon.

"A-ano?" sabay nilang tanong.

Matagal bago ako makasagot ngunit pinilit ko ang sarili kong ibahagi sakanila ang aking desisyon.

"G-gagawin ko ang..." may kaba at aalangan kong wika, kaya naman ay huminga muna ako ng malalim.

"Gagawin ko ang misyon ko...kahit magalit sila akin ay ayos lamang, d-dahil para rin naman iyon sa kanilang kabutihan..." sabi ko na nagpangiti naman sa kanila, ngunit malungkot na ngiti iyon.

"Nakakalungkot man pero...tama ka, mas mabuti kung matapos ang kanilang paghihirap ng dahil sa mahikang iyon. Naiintindihan ka namin Archeous." Sagot ni Langris habang hawak hawak ang aking balikat.

His MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon