CHAPTER 16

4 0 0
                                    

Archeous' POV

Di ako makapaniwala na wala palang kapalag-palag si Sandro sa akin pagdating sa pag-gamit ng armas, mahusay lamang siya kapag nag labanan ay puro pag-gamit lang ng kapangyarihan.

Wala pala talaga siyang utak HAHAHAHAHA.

Ngunit kanina ko pa napapansin ang Reyna na nakatingin sa akin at mukhang masaya ito kasi nakangiti siya sa akin.

"Kanina pa nakangiti sayo ang Reyna, mukhang ipinagmamalaki ka niya!" sabi sa akin ni Hiro.

"Oonga eh siguro ay namangha siya sa akin!" masaya ko namang sagot sakaniya.

"Syempre! Mamangha sayo ang Reyna sapagkat magaling ang nagturo sa iyo!" sigaw naman ni Langris na ikinangiti ko.

"Ahmm...Archeous?" tawag sa akin ni Manang.

"Ano po iyon manang?" sagot ko naman.

"Gusto ka sanang makausap ng Reyna...ayos lang ba saiyo?" tanong niya na ikinatango ko, ano namna kayang nais sakin ng Reyna at gusto akong makausap.

"Manang papangaralan ho ba si Arche!?" sabay na sigaw at tanong ni Aris at Hiro masayang masaya ito sa isipin na papangaralan ako ng Mahal na Reyna, aba'y kung ako rin naman ang tatanungin ay masaya rin ako na mabibigyan ako ng pabuya lalo na't galing ito sa Reyna baka mamaya ay paliguan ako ng ginto ng Reyna ano.

Nang nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at sumama kay manang ay nahagip ng aking paningin ang bahagyang pag-iling sa akin ni Finn. Kumunot naman ang aking noo dahil roon ano kaya ang nais niyang iparating?

Nang makarating kami ni manang sa isang silid ay binalot ako ng kaba dahil ay nandoon ang Reyna at ang dalawang guwapo at matatangkad na lalaki, ngunit mas lamang parin ako ng kaguwapohan...hindi lamang sa tangkad pero guwapo parin!

Anong pabuya kaya ang ibibigay ng Reyna? Isang buong baka kaya? O kambing? Baka naman ay limang buhay na manok! Naputol lamang ang aking pagiisip sa maaring ibigay na pabuya ng Reyna sa akin ng may tumawag sa akin.

"Archeous." Mahinahon at nakangiting tawag sa akin ng Reyna.

"P-po?" kinakabahan at may pagkasabik kong sagot.

Ito na, ito na, ito na ang aking pabuya!

"Archeous nais ko lamang sabihin saiyo na napamangha moa ko saiyong mga galaw at kilos kanina sa inyong labanan nung batang iyon...kaya naman ay binabati kita sa iyong pagkapanalo." Nakangiti nitong saad kaya naman ngitian ko siya pabalik kahit kinakabahan ako, para sakin ay isang malaking karangalan na batiin ka ng Mahal na Reyna.

"At...at gusto ko rin sanang sabihin sayo na nais kitang..." may pagtatansiya niyang saad sa akin na ikinatagilid ng aking ulo.

Mahal na Reyna, kung gusto mo akong bigyan ng pabuya ay wag ka nang mahiya! Ibigay mo na sa akin ito ng isang bagsakan!

"Nais kitang ampunin Archeous..." dugtong ng Reyna sa kaniyang tinuran kanina at dahil naman doon ay para akong nanigas sa aking kinatatayuan.

Gusto akong ampunin ng Reyna...pero papaano sila Zhel? Sila Hiro? Sila Aris? Papaano sila kung aampunin ako ng Reyna? Maiiwan sila sila rito, iiwan ko sila, a-ayoko silang iwan!

Mabilis naman akong napapikit at napailing sa isiping iyon, unti-unti naring nangingilid ang luha sa aking mga mata.

"Ahmm Archeous?" tawag sa akin ni Manang.

"Manang..." paiyak kong wika kay manang.

"A-ayoko pong iwan sila manang...a-ayoko po *Hik* ayaw ko po manang..." umiiyak kong wika habang paulitulit na nailing sakaniya.

His MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon