CHAPTER 17

3 0 0
                                    


Cahiro's POV

"Nasan kaya sila Nak ngayon?" tanong ni Arche.

"Kanina pa natin hinahanap di naman natin makita-kita." Iritang banggit ni Aris.

Tama nga naman kase kanina pa kami naghahanap di parin naming sila makita, wala rin naman sila don sa sap ana pinag-paliguan namin noon.

"Zai kumausap kanga ng ibon, tas utusan mong hanapin sila Tiya sabihin mo tiyanak kamo sila ah." Utos ni Langris sa batang si Zai na kasama naming pero mukhang ayaw niyang sundin kasi nakatitig lang ito kay Langris, nangaasar.

"Ayoko nga." Masungit nitong sabi sabay hila kay Azriel at nagtungo sa kung saan.

"Wala ka pala eh." Kantyaw ko kay langris pero umirap lang to sakin kaya tinawanan ko pa.

Lakad lang kami ng lakad sa gubat ngunit wala paring Tiya at Nak na nagpapakita sa amin, naku nga naman talaga oh!

"TIYAA! NAKK!" sigaw na ginaya naman ng lahat maliban don sa dalawang bata naming kasama.

"TIYA NASAAN KANA!"

"NAK LUMABAS KANA!"

"MAGPAKITA KA NA SA AMIN TIYA NAK!"

"NANDITO NA KAMING MGA KUYA N'YO!"

Patuloy lamang kami sa pagsigaw sa gubat habang naglalakad ng may biglang nangbato sa amin ng niyog, galit naman kaming napatingin sa itaas para hanapin kung sino iyon.

"Hala! Baka sila Tiya na iyon!" sabi ni Arche.

"Bobo." Wika ng kung sino, nanggagaling ang boses na yon sa itaas kaya tumingala ulit kami pero wala naman kaming nakita.

"Ulol! ikaw yung bobo magpakita ka!" mura ni Xanth sa nilalang na nagsabi sa amin ng bobo kanina.

"Tangina mo! Pisain kita eh pandak!" mura naman pabalik nung boses kay Xanth kaya naman sinaway na ito ni Zhel.

"Hoy! Tumigil kanga mamaya parusahan ka niyan eh!" saway nito sakaniya sabay batok kay Xanth.

"Saglit lang, medyo pamilyar sa akin yung boses na yon eh...Hoy gago! Salita ka nga ulit!" sigaw ni Langris sa itaas ngunit di ito umimik.

"Tabi nga! Ako ang sisigaw diyan di ka yata narinig." Sabi ni Xanth kaya naman ay pumewesto ito sa aming harap at saka nagmura ng pagkalakas-lakas.

"HOY! PUTANGINA MO KA! LUMABAS KA KUNG NASAN KA MAN GAGONG HANGAL NA DEPUTA!"

"PUTANGINA MO DEN GAGO! HAMPAS LUPA BOBO INUTIL TARANTADO DEPUTA HANGAL PUNYETA PUNYEMAS PAKYU SINTU-SINTO MAY SAYAD ULOL GAGO TANGINA MO!" sunod sunod na mura naman ng kung sino sa itaas sabay talon nito sa amin saka kami nakakita ng MAtangkad na...Tao ba to?

"Uyy! Xerxes!" bati sakaniya ni Langris ngunit inismiran lamang siya nito, sama ng ugali.

"Ba't anyong tao ka ngayon?" tanong sakaniya ni Langris, di pala siya tao akala ko tao kasi nakapangdamit tao siya pero sa sobrang tangkad niya ay malamang ngang hindi to tao mas matangkad kaya s'ya kay Langris!

"Di sya tao?!" pasigaw na tanong ni Arche sakaniya pati ni Aris.

"Bakit mukha ba kong tao ha?!" tanong nito sakanila pabalik, tumango naman ang mga ito sakaniya bilang sagot mahina naman akong natawa dahil don.

"Pero seryoso nga, bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong sakaniya ulit ni Langris.

"Nangielam si Drazzen ng mga urasyon ng tatay n'ya at sinabi iyon sa akin ng malakas, ayon naganyong tao nalang ako bigla at hindi n'ya alam kung paano ako ibabalik sa dati kong anyo." Paliwanang sakaniya nung Xerxes.

"Ano ba siya Langris?" sabat ni Zhel.

"Kapre." Nakangiting saad ni Langris sa amin.

"Hulaan ko kaibigan mo na naman." Sabay na wika naming lahat na ikinatango niya sabay tawa.

"Ano sama ka samin? Namamasyal kami rito ngayon eh pero hahanapin muna naming yung mga tiyanak naming kaibigan din." Alok sakaniya ni Langris na kinatango naman niya.

"Sige pero sa isang kundisyon."

"Ano yon?"

"Sunduin natin si Drazzen, isama rin natin siya."

"Sige ba!"

Sinundo nga naming yung lalaking nagngangalang Drazzen matangkad din ito tulad nila langris ngunit higit na mas matangkad talaga si Xerxes sa aming lahat palibahasa kapre eh, napagalaman din namin na edad katorse na pala si Drazzen at edad trese naman si Xerxes, pero di halata na mas matanda si Drazzen sa laking bulas ni Xerxes.

Nanliliit talaga kami kapag nadidikit kami sakaniya minsan ngang umiwas ako sakaniya ay hinigit niya ko para lamang ipatong ang kanyang braso sa aking ulo.

Ang hirap maging maliit!

"Gutom na ko Tiya!" sigaw ng pamilyar na boses sa kung saan, mukhang si Nak yon ah!

"Oo na, pero di tayo pwedeng magpahinga sa pagtakbo at pagtatago kahit saglit dahil malamang ay nandyan pa sila sa paligid." Paliwanag sakaniya ni Tiya.

"Ba't naman sila nagtatago?" bulong sa amin ni Drazzen.

"Ewan, baka may ginawang kasalanan." Hula naman ni Aris.

"Ehh baka naman may nakaalam na tiyanak sila?" isa panghula ni Arche pero may punto siya dahil mukhang alalang-alala si Tiya at Nak.

"Psst..Psst" sitsit sakanila ni Langris at Zhel sabay senyas naman na pumunta sa amin, agad namang napawi ang pagaalala sa mukha nilang dalawa saka nagmamadaling lumapit sa amin.

"Kuya!" sigaw ng dalawa sa amin kaya naman ngitian naming sila.

"Sino sila kuya?"

"Mga kaibigan mo ulit?"

Tanong nila sa amin kaya naman tumango kami sakanila at saka tinanong ko kung bat sila nagalala kanina at parang nagtatago.

"Kasi may nakahuli sa amin na naganyong tiyanak kagabi at may nakasaksi rin na pinatay naming yung tao kagabi." Malungkot na sabi ni Naks a amin.

"Kaya pinaghahanap kami ng taong bayan ngayon, kuya protektahan mo kami ah." Paiyak na wika ni Tiya.

"Oo wag kayo magaalala poprotektahan ko kayo, namin! Kaya huwag na umiyak ah." Pagpapagaan naman ng loob ni Langris sa dalawa at saka niyakap.

"Bat n'yo ba kasi pinatay? Masama ba?" tanong ni Xanth sa dalawa.

"Oo kuya! Nakita namin na pinatay nung babaeng yon yung bagong silang na sanggol nung nakaraang lingo ay saka ipinaanod yung bangkay sa dagat!" sabi sakaniya ni Nak.

"Yon naman pala eh! masama naman pala eh!"

"Dapat lang yon sakaniya!"

"Oonga!"

Gatong naming, dahil may dahilan naman pala sila Tiya at tama iyon at saka normal lang iyon sa kanila dahil yoon naman ang trabaho nila sa mundo ang manlinlang ng mga babaeng nais magkaanak o di kaya ay nalaglagan ng mga anak.

Kaya para sa akin tama lang ang kanilang ginawa dahil nararapat lamang iyon sa babaeng iyon! Pumatay siya ng walang muwang na saggol!

"May paparating." Sabi ni Zhel at Xerxes

"HANAPIN NIYONG MABUTI ANG DALAWANG IYON PARA MAPASLANG NATIN SA HARAPAN NG BUONG BAYAN MAMAYA!"

"OPO KAPITAN!"

"S-sila na yon kuya..." papaiyak na sabi ni Nak sa amin kaya itinago naman namin sila sa aming likuran pati narin ang dalawang bat ana sila Zai at Azi.

"Shhh dito lang kayo sa likod namin huwag kayong hihiwalay sa amin maliwanag ba?" sabi kanila ni Zhel saka naman nagtanguan ang mga bata.

"Iligaw mo Langris, paglalaruan natin ang mga taong to." Seryosong saad ni Xerxes na sinangayunan naman ng lahat.

His MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon