CHAPTER 12

9 2 0
                                    

AT THE HOUSE

Hanggang sa maka uwi ako dito sa bahay ay naiisip ko pa rin ang mga yun kaya napapatulala na ako sa sobrang pag iisip

"Apo bakit parang napaka lalim ng iyong iniisip, may problema ba?"saad sa akin ni Lola

"Ah wala naman po Lola" saad ko naman sa kanya

"Kung may itatanong ka, huwag ka na mahiyang magtanong baka matutulungan kita" saad sa akin ni Lola habang naka ngiti

"Lola kapag po ba gusto ka ng babae, pano mo po malalaman?" tanong ko kay Lola ng nakasimangot

"Kapag alam mong ipinagtatanggol ka nya sa marami at hindi sya nagsasawang makipag usap sayo kahit hindi mo sya pinapansin" saad ni Lola sa akin habang ako napapaisip na naman

*Ganyan ba talaga kayong matatalino, walang ginawa kundi mag isip?*

*Hayst matalino nga kayo b0b0 naman kayo sa pagmamahal*

"Bakit mo nga pala nagtatanong ang mga bagay na yan apo, may nagugustuhan o nagkakagusto na ba sayo sa inyong school?" saad ni Lola sa akin

"Ah wala naman po, nagtanong lang po kasi sa akin ni bruce eh hindi ko po alam isasagot kaya sa inyo po ako nagtanong baka sakaling alam nyo, kilala nyo naman po ako wala akong alam sa mga ganyan bagay" tanggi ko kay lola

"Ikaw ba kailan mo balak maghanap ng girlfriend, binata ka na kaya kailangan mo ng may magpapasaya sayo kapag may problema ka" saad ni Lola sa akin

"Naku Lola wala pa po talaga sa isip ko ang mga ganyan bagay dahil ang gusto ko lamang po ay makapag tapos ng pag aaral para po makatulong na ako kina mama at papa para hindi na sila maghirap sa pagtatrabaho" saad ko kay Lola

"Naiintindihan kita kung ganyan ang pinagtutuonan mo ng pansin ngayon pero mas maganda kung tutuparin mo yan ng may kasama ka para mas maging masaya ka" saad ni Lola sa akin sabay pasok ng kusina para magluto ng hahapunanin

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now