01

31 3 0
                                    

                  

Nandito ako sa classroom namin nag dradrawing guess what? Si crush lang naman drinadraw ko ng patago. Ang tangos ng ilong, maganda kong pumurma, at ang gwapo mo lodi.

"Ahayy sino yan pre?"

Kinuha ni Glen yong notebook ko at tinignan kong sino drinaw ko. Inaagaw ko pero ayaw pahuli gagstok naman tong hayop na toh.

"Si Tristan to eh" tinutok nya pa kunyari kay tristan yong notebook tinitignan kong sya ba talaga yong drinaw ko. "Si Trsitan nga ikaw Kaina pre may gusto kaba dyan?"

Hindi ako sumagot at binawi nalang yong notebook ko sakanya chaka umupo sa upuan ko. Buti nalang talaga at malayo si tristan samin baka marining nya pa si Glen pagbuhulin ko to.

Nung hapon pauwi na sana ako kaso nakita ko si Tristan sa may Waiting shed ng School. Ginagawa nya dyan? May sasakyan naman sya ah.

Nahiya ako tumabi kaso gusto ko nang umuwi kaya tumabi nalang ako dun at naghintay na rin ng sasakyan.

Tumingin siya sakin, kaso snob ako bahalaka dyan.

"Ahh..Hi Ashley right?"

Ako ba kausap nito? Ashley daw eh so ako yun? pero bakit ganon sakanya lang yata maganda pakinggan yong Ashley na pangalan ko sheshh.

"Ah..oo ako bakit?" Kanda utal utal pa ang ferson damn hes my crush tapos kakausapin nyako ngayon hala hindi ako ready!.

"Wala naman, san ka?"

"Pauwi na bakit?" Dapat pa cool lang ako pero kanina pa talaga gusto kumawala ngiti ko kinikilig ako mga human being in this world.

"Ahh..ok ingat nalang, una nako Ms. Ashley."

Ms.? Dapat Mrs. Luhh pinag iisip ko. Ingat labidabs naway maulit muli ang tamis ng sandali.

"Ahh sige ingat din" d ko alam itatawag ko sakanya, tristan, Mr. Tristan, kuya char natawa ako sa kuya mga 55%.

Nung nakauwi nako sa bahay nakita ko sa sala si mama nanonood ng tv. Ang seryoso naman nito sya ba nasa tv at pinagaaralan kung maganda acting nya?.

"Nakauwi nako."

"Oh anak, kumain kana? Musta school?"

Hindi pako kumain ipaghanda muko ng pagkain mama, anak muko mama lang kita. Tapos yong school ba? Ayun nakatayo panaman.

"Ok lang po, ikaw ba ma kumain kanaba?"

"Ayy oo tapos na, kumain kana dyan at magpahinga alam kong pagud ka sa school."

Yes ma super pero nawala pagud ko nung nakausap at nakatabi ko si crush sa waiting shed, baka nasa waiting shed talaga true lab ko.

Pagkatapos ko kumain, umakyat nako at pumunta ng kwarto. Naligo muna ako at natulog na din.

Pag gising ko 6:30am na kaya naligo at nagsuot nako ng Uniform, kumuha lang din ako ng ipit para sa buhok ko. Pagkababa ko nandun na si mama nagluluto ng pang umagahan namin.

"Good morning." Umupo ako sa tabi nya at kumuha ng kanin, etlog, at hotdog ang pambansang breakfast.

"Good morning anak, Ano ba oras uwi mo mamaya?"

"Hindi ko pa alam ma. Text nalang po kita."

Tumango lang sya at inubos narin namin yong pagkain at sabay nang lumabas. Ako papuntang paaralan sya naman papuntang Trabaho nya isa syang Secret Agent. Char Manager mama ko noh sa isang 5star Hotel.

Habang nasa bus nagpapatugtug lang ako ng music habang naka airpods. Tapos biglang bumigat balikat ko. Walanghiya ka kuya kung hindi kalang gwapo baka isinandal na kita sa bintana ng bus na to sabay labas ng ulo mo.

Be Still My Beating Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon