[6] - D e f e n s e o f t h e A n c i e n t

Start from the beginning
                                    


"Oh bakit?" sagot ko sa kanya.


"Pwede ba kitang maging valentine date? Kasi baka may makauna pa sayo." papayag ba ako? Sige na nga di din naman ako tatanungin ni Dray sayang din ang isang gwapo na 'to, baka tinapay na maging bato pa.

"Aba! O---"


"No, she's mine. Not yours." tapos inakbayan pa niya ako, problema na naman niya!?


"Ganun ba? Then let's have a bet. 1ON1" sabi ni Rain, ano kaya basketball? Woah! Interesting.



Nagsukatan sila ng tingin, sige push niyo yan di ako makarelate!


"Ge akin si Trasex iyo si Nevermore." sabi ni Rain, napailing ako bigla DOTA?? AS IN DEFENSE OF THE ANCIENT? Weh? Eh kung magsukatan sila ng tingin akala mo magpapatayan!


"Ge kung sino manalo siya ang date ni Yarumi sa valentines!" nag col naman si Rain. Sunod na lang ako! Well, haba naman ng hair ko dahil ako ang pinag aawayan ng dalawang papabols na ito.

-=-


Kasalukuyan nandito kami sa computer room ng Misaki University at alam kong di nauubos ang chismosa at chismoso sa mundo.


"Swerte ni Ashley!"


"Tae ako dapat yan!"


"Bitch please, back off kahit ganyan si Yarumi mas maganda yan sayo!"


May ibang feeling close makatawag ng Ashley, ay close kami? Wala naman natawag sakin ng Ashley, baduy. Ewan ko ba kung saan tadyang ng baka yan hinugot ng nanay ko.


"HEP! DADAAN ANG DYOSA NA MAGANDA AT SEXY!"bigla naman nagtabihan ang lahat ng mag fashion show sa computer room ang heartbreaker of the town. Sus, dyosa daw. Dyosa ng mga bugok na itlog baka pa.


"Uy girl tagal naman nila mag start!" sabi sakin ni Bella.


"Ikaw na kang makikinuod inip ka pa!" umirap na naman siya sakin, malaglag sana mata niya!


Mukhang tanga si Rain at si Dray nagpapalagutok pa sila ng daliri at nag s-stretch pa sarap batuhin ng silya eh! DOTA lang ang lalaruin kung maka stretch wagas.


"HOY! Mag s-stretching na lang ba kayo?" sigaw ko sa kanilang dalawa dahil nakakainip na kay, kung hindi lang aircon dito sa loob ng computer room baka pinupog na ako ng lamok dito hindi padin sila nagsisimula.


"Wag kang atat!" sigaw sakin ni Dray, sinabi ko bang makipaglaban siya. Badtrip din talaga 'to kung minsan sa buhay.

-=-


Nagsimula na ang laro at dikit ang laban ang galing nilang dalawa, kahit parehas silang nagsimula sa level 1 ang lakas na agad. Well, sa larong DOTA kasi kapag nasa level 25 ka na makunat na mahirap ng todasin ang kalaban.


"FIRST BLOOD!" sigaw ng iba, sobrang siksikan na di ko na makita yung mga naglalaro.


"DOUBLE KILL!"


"TRIPLE KILL"


"HOY DRAY PUNTA KA SA WELL PARA MAG HEAL!"


"RAIN, DALI ATAKIHIN MO NA HABANG NANGHIHINA PA!"


Yan lang yung naririnig ko, okay di ako relate. Tapos ito pa yung iba nagpupustahan na din, mga tig 5k yung iba kahit mga babae. Napasandal na lang ako sa pader.

"Yumi wala akong mapapala dito! Manlalaki na lang ako." bulong sakin ni Bella umo-oo na lang ako, may magagawa pa ba ako?

-=-


"Congrats Dray! Galing mo!" sabi ni Rain. Oo si Dray ang nanalo at happy ako. Syempre naman ibig sabihin kasi nun kay Dray ako mapupunta.


"Di naman sa magaling ako sadyang bulok ka lang." natawa ako sa sinabi ni Dray at napakunot naman yung noo ni Rain. Yabang eh!

"Oy bakekang tara na!" tapos umakbay ulit siya sakin.

"Saan?"

"Ay wait. EVERYBODY LISTEN TO ME!" sigaw ni Dray kaya halos lahat ng nasa quadrangle ay napahinto at lumapit sa kanya. Anong chismis 'to aber?

"See this girl? *turo sakin*


.... starting from now on she's my girlfriend until Valentines Day"

Nanlaki yung mata nilang lahat lalo na ako. Hanggang Valentines Day lang? Pero okay na yun' yieeee kilig naman ako! Pero may curfew padin pero at least girlfriend! Hahahaha, ang gulo.


Pero mas nagulat ako sa ginawa niya, he kissed me again on lips

O-k-a-y thank you, Defense of the Ancient.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Where stories live. Discover now