Exclusively Yours 3

183 5 0
                                    

"Shhhh."

Someone drag me somewhere and stop me from shouting in his manly voice.

Nakalagay ang hintuturo nito sa labi ko.

Madilim na kaya hindi ko gaanong makita ang mukha ng lalaking nasa harapan ko pero ramdam kong ligtas ako sa kanya.

Ng mukhang ligtas na ay marahan nyang hinawakan ang kamay ko at lumabas sa eskinitang pinagtaguan namin.

"Did you see something? Did you see it?" he seriously asked.

Natigilan ako ng makita kung sino ang lalaking tumulong sa akin.

"East..."

He smiled at me as he heard me call his name.

Hindi na nito suot ang kulay orange na jail uniform. Nakasuot na ito ng itim na pants at itim na t-shirt.

"Did you see something? Did you saw it?" tanong nya ulit.

Umiling ako kahit na ang totoo ay nakita ko ang pagpatay. Alam kong iyon ang gusto nyang sabihin ko kapag may nagtanong sa akin kung may alam o may nakita ako.

He nodded.

"Paanong... malaya ka na?" gulat kong tanong.

He chuckled. "I told you. I'm always free."

Hinampas ko ang braso nya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Surprise?"

"Psh." Pinipilit kong huwag ipakita na natatakot ako.

Sino ba namang nasa tamang katinuan ang hindi matatakot kung makakita ng nagpatayan sa harapan mo?

"It's okay to be scared. It's normal."

Huminga ako ng malalim.

Naramdaman ko ang marahan nyang paghaplos sa buhok ko.

"Don't worry. I'm here." He assured me.

Dahan-dahan akong tumango.

Nagsimula na ulit kaming maglakad at nakasunod lang sya sa akin.

"Wala ka bang balak na umuwi sa inyo?" I asked.

Malapit na kami sa fast food na pinagtatrabahuhan ko.

"Wala naman akong uuwian."

Nilingon ko sya.

"Wala kang bahay? Ang pamilya mo? Asan?" sunod sunod kong tanong.

He chuckled. "Wala pa akong tutuluyan sa ngayon."

"Ahhh."

"I'll just wait you here." Sabi nito at tumigil na sa paglakad ng nasa tapat na ng pintuan.

"Pero malamig dito sa labas. At hindi mo na ako kailangang hintayin. Umuwi ka na at maghanap ng matutuluyan mo." Sabi ko dito bago pumasok sa loob.

Nagsimula na akong magtrabaho at medyo madaming customer ngayon kahit gabing gabi na.

"Ingrid."

Nilingon ko ang manager namin.

"Bakit po?"

"Ayos ka lang? Namumutla ka ah." Nag-aalala nitong tanong.

Tumango ako. "Ayos lang po ako."

"Ganito na lang. Tutal ay matigas ang ulo mo at hindi ka din namn makikinig sa akin na wag na lang pumasok at magtrabaho ay papauwiin na kita ng maaga para makapagpahinga ka."

Nanghihina akong ngumiti. "Salamat po, maam."

Tinapik nito ang balikat ko. "Sige na. Umuwi ka na."

Nagpalit na ako ng damit sa banyo.

Exclusively YoursWhere stories live. Discover now