Exclusively Yours 1

337 7 0
                                    

"Kamusta, dad?"

Dad smiled at me. "Still handsome."

I chuckled.

Ihinain ko sa mesa ang mga pagkain na niluto ko para sa kanya.

"Kumain ka na, dad."

"Sabayan mo na akong kumain."

Umiling ako. "Nakakain na ako, dad. I will just watch you eat."

Magana namang kumain si dad.

Tumingin ako sa relo ko.

Malapit ng matapos ang visiting hours. Napakabilis talaga ng oras.

"Anong gusto nyong kainin bukas? Lulutuin ko."

Dad smiled. But I can clearly see sadness.

"Kahit anong lutuin mo anak. Kakainin ko."

"Psh. Aalis na ako, dad. Take care. Wag magpalipas ng gutom. I love you!"

He nodded. "Take care, also. I love you too, anak."

Hinalikan ko na sa pisngi si dad at naglakad palabas ng jail visitation room.

My smile slowly faded as I walk away.

Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito sa amin.

Naglakad na lamang ako papuntang fast food chain na pinagtatrabahuhan ko. Naglakad na lamang ako dahil sayang ang pamasahe. Medyo malayo pero kaya namang lakarin.

Isang taon na lang naman at makakagraduate na ako.

Magiging dentista, maiilabas si dad sa kulungan at mamumuhay ng tahimik sa lugar kung saan walang masyadong nakakilala sa amin habang may maliit akong clinic.

That's my plan.

Kailangan kong maging malakas para kay dad.

Nang matapos ang shift ko sa trabaho ay deretso ako sa aking maliit na apartment. Nasa fourthfloor ito at rooftop na kung tutuusin at parang tambakan na ng mga hindi ginagamit na bagay. Bodega. Wala ding elevator at hagdan lang ang tanging paraan para makarating sa itaas. Nag-iisa lamang ang kwartong ito sa rooftop.

I sighed.

Mabilis akong nagbihis ng uniform ko para pumasok naman ng school.

Ganito na ang routine ko sa araw-araw.

Bibisita kay dad – magtatrabaho – papasok ng school

That's it. Boring isn't it?

Pero hindi naman ganito dati ang buhay ko- ang buhay namin.

Lumaki ako sa isang marangyang pamilya. Nabibili at nasusunod ang gusto.

I had this almost perfect life.

Buhay prinsesa ika nga.

We own hospitals, pharmacy and some business related to medicine.

We are happy.

Not until someone betrayed my father.

His bestfriend betrayed him.

Making my father like a fool and taking everything away from us. He even bring dad to jail kahit wala naman itong kasalan. He faked everything.

And even my mother died because of those bastards.

I wanted to take my revenge but they are too powerful now. I don't anyone to suffer specially dad because of my selfishness.

"Ingrid Belmonte."

"Present po maam." Sagot ko.

I sighed.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon